Chapter 24

6.9K 194 171
                                    


Chapter 24

Relationship


"Bold! Close your eyes, Terry!" sigaw ni Basty kay napatingin kami kung nasaan sila.

"The fuck?" bulong ni Lorcan.

Umatras ako nang kaonti sa kan'ya nang makita ang mga kaibigan namin. Nakatayo sina Ays, Covy, Terry, Eccaias, Eli, Basty, at Travis. Halo-halo rin ang mga ekspresyon nila. Happy, poker face, irritated.

"Happy birthday!" sigaw ni Covy at isa-isa na silang lumapit sa amin, yumayakap.

I noticed people looking at us. Nandito ang Velocity, eh. May ilang nakakakilala sa kanila. Lalo na ang mga teenagers.

"What are y-you doing here?" lito kong tanong habang sinasalubong ang mga yakap nila.

"Para i-celebrate ang birthday mo! Tinanong namin kay Lorcan kung nasaan kayo. Wala raw kasi sa bahay nila si Lorcan sabi ni Eccaias kaya nahulaan naming may ganap," sabi ni Covy.

The boys went to Lorcan. Nagkamayan sila, fist bump, at asaran.

"Tang ina, sabi ko mamaya pa kayo pumunta!" si Lorcan 'yon habang inaakbayan ni Basty. Halos mapayuko na sa lakas ng pwersa.

"Ano? Official na yata, ah?" Sinundot ni Terry ang baywang ko at saka inakbayan.

I shook my head with a smile. Inaasar na rin nila ako.

"Grabe public kissing! Kaka eighteen mo pa lang!" tulak sa akin ni Covy, pero pagkatapos ng ilang segundo nagtatatalon na siya habang niyuyugyog ako.

"Congrats, Seth..." malambing na sabi ni Ays at niyakap ako nang mahigpit. She looked so excited.

Medyo overwhelmed pa ako. Nandito ang mga kaibigan namin. Sa birthday ko! They all look happy and excited. Alam na nila na kami na dahil tinanong ni Basty.

"Dalaga na talaga..." Sinundot-sundot ulit ni Terry ang baywang ko. Nakakakiliti. "Grabe, noong kinder pumapasok ka lang nang walang panty," bulong niya sa akin.

Sinapak ko ang ulo niya. Natawa siya.

"Saan mo naman 'yan nakuha?! Hindi naman tayo magkaklase ng kinder. Parang bobo 'to," nahihiya kong sabi dahil sa pagkakaalam ko nagawa ko yata 'yon noong kinder.

Hindi namin gaanong na enjoy ang moment namin ni Lorcan pero masaya pa rin naman ako. They are here. Our friends are here. I appreciate them a lot. Malayo ang Albay sa syudad namin.

"Nag plane kami," sabi ni Ays nang tinanong ko kung anong ginamit nila papunta rito. "Travis paid for the tickets."

I gasped and nodded. Ang yayaman talaga ng mga 'to.

"Picture muna tayo. Mamaya na tayo alis dito. Terry, lika!" si Basty na nangungulit kay Terry.

"Tulak kita r'yan eh para gumulong ka pababa at ma comatose!"

I watch them walk away by group before I felt Lorcan's hug behind me. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang mga kaibigan namin na nagaasaran.

"Girlfriend na kita," bulong niya, masaya. "Wala ng hiwalayan 'to, Seth. You know that, right?" he whispered.

Nanghihina ako sa tono ng boses n'ya. It's sending butterflies in my stomach.

"Then let's keep our relationship healthy para walang hiwalayang magaganap..."

He nodded. "We'll keep it healthy. I'll do my best to be the best boyfriend to you. I won't do things that will hurt you..."

I nodded with a smile. I saw Covy took a picture of us. Kumaway siya mula sa malayo bago hinila si Eli.

Cursed to You (Velocity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon