Chapter 33Proud
Seth Mollary Walked the Versace Runway in a Long Backless Black Glittered Dress.
The biggest thing to ever happen in my career so far. Every time I read the headlines about my first walk, my heart reverberates.
Hindi pa rin ako sanay sa lahat ng nangyayari. And I don't think I'll ever get used to this. Mananatili yata akong gulat sa lahat.
This is a vast alteration in my life. It changed everything. Even some of my perceptions. Because right now, I'm constantly loving the spotlight. It has a negative aftermath. However, I am aware that all good things bear evil.
Umungol si Covy kaya nalukot ang mukha ko. Sinubsob n'ya ang ulo niya sa lamesa ng studio n'ya.
"I'm so stressed and pressured! Six months pa naman bago lumabas 'tong collection ko, pero pressured na pressured ako."
Tumawa ako habang kinakabitan ng earrings, nasa harap ng salamin na may mga ilaw. I'll do a quick photoshoot for Covy's newly launched 12 piece collection.
"That's normal! Kaya mo 'yan. Galingan mo dahil ako ang magsusuot ng dalawa riyan!" biro ko.
She laughed hysterically. "Wow! Lumaki na ba ang ulo?" biro n'ya rin.
Tumatawa ang mga bading sa likod ko.
I laughed too. "Never! Joke only 'yon!"
Start pa lang ng bagong taon, sunod-sunod na ang mga schedules ko. I am not complaining, tho. I still get enough rest and time. Hindi naman ako 24/7 nagta-trabaho.
Tapos na ang world tour nina Lorcan. They're now doing individual projects and will soon prepare for their new album. I've been reading articles about their band, specifically about him. Lagi naman. I always wanted to be updated.
"May event ka sa Pinas this year, 'di ba? Ano? May balak ka na bang hanapin mga tunay mong magulang?"
Iyon ang bungad ni Terry pagsundo n'ya sa amin sa studio. Inayos ko ang seatbelt ko sa likod. Nasa harap si Ays, nag-aalis ng make-up. Katabi ko naman si Covy. Naiwan naman si Cali sa Tita n'ya.
"Required ba hanapin?"
"Hoy!" tinulak ni Covy ang balikat ko. "Ayusin mo nga 'yang pananalita mo."
I rolled my eyes. "Paano kung 'di naman pala nila gustong mahanap? Or what if... they're already dead? O may bagong pamilya? Paano kung may magulo pa akong buhay?" sunod-sunod kong tanong.
Mula nung nalaman kong ampon ako, hindi nawala sa isip ko kung sino ba ang mga tunay kong magulang. Kung saan sila. Kung ayos lang ba sila.
I want to know them. Kung ayaw nila sa akin, hindi ko ipipilit. I am just desperate to complete my identity. Pakiramdam ko talaga may kulang sa pagkatao ko.
"You told me one day that you wanted to be successful to get their hearts and attention. And now that you have that card, you're backing out," si Ays.
"She's just chickening out..." Covy murmured.
"Sa kasal ni Kesian, uwi tayo. Tapos hanapin na rin natin ang mga magulang mo," suhestiyon ni Terry.
Natawa ako. "Parang maghahanap lang ng barbie doll, ah? Hindi naman gan'yan kadaling maghanap."
"What if i-announce mo na lang sa national TV? Sabihin mo, 'tulungan niyo po akong hanapin ang nawawala kong mga magulang," Covy butted it with matching crying.
Kahit kailan talaga.
"Nawawalang magulang? Ako nga ang winala!"
Hanapin ang magulang pagdating sa Pinas. That's the initial plan. Kung wala talaga, mag-aasawa na lang ako para maging magulang. Meron namang naghihintay.
BINABASA MO ANG
Cursed to You (Velocity Series #1)
RomanceA band series Lorcan Kazzer Montevinski Seth Mollary Vasquez