Prologue

21.2K 393 280
                                    

PROLOGUE

Crush



"Mag-e-excuse ka para lang makasalubong 'yong crush mo sa corridor?" hindi makapaniwala si Covy nang sabihin ko ang plano ko. Ngayon ko lang ito gagawin!

Tumawa ako. "Oo nga! Minsan lang bumaba iyon ng classroom nila. Dali na hanggang may kausap pa siya sa corridor!" Niyugyog ko ang braso niya.

"Ang desperada, ha," sabi ni Ays sa likod namin ni Covy. Katabi niya si Terry. Tinawanan ko na lang 'yon kasi totoo naman. Desperada naman talaga ako ngayong araw.

"Oo na, oo na, sasamahan na kita!" sagot ni Covy na ikinatuwa ko nang lubusan. "Pang-ilan na ba 'tong crush mo na 'to?"

Hindi ko na iyon sinagot. Maalala ko pa ba? Mas madami pa yata ang mga naging crush ko kumpara sa buhok ko sa kili-kili. Anyway, I shaved today. Masakit pero nakaraos naman ako.

Sabay kaming tumayo at naglakad sa harap ng table ni Ma'am. She was busy checking some papers with her eye glasses on. Nag monthly exam kasi kami kahit exempted na dapat dahil nanalo naman kami sa volleyball.

"Ma'am, wiwi lang po," paalam ko na ikinatawa ni Covy at ilang kaklase ko na nakarinig. Kahit si Ma'am ay medyo natawa pa.

"You may go," aniya at hinila ko na si Covy matapos magpasalamat.

Walang gaanong tao sa mga corridor na dinadaanan namin dahil nga on going pa lang ang exam. Rectangular box type ang building namin. Sa harap ng classroom namin, sa third floor, ay kung saan nakatayo si Haze at may kausap na lalaki.

Ang gwapo! Grade twelve siya samantalang grade ten pa lang naman ako. Actually, bago ko siyang crush dahil nga taken na pala si Mooze. Syempre kung taken na, huwag na tayong umepal. Kahit crush na crush ko 'yon wala na akong magagawa.

Si Mooze ang unang naging crush kong sobrang gwapo dahil hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganoong tipo. I don't like so handsome guys. Kung maaari, roon lamang ako sa mga average na lalaki. Ang mahalaga ay may substance.

"Hula ko, after one week iba na naman ang crush mo!" ang kontrabidang si Covy habang hatak hatak ko paakyat sa spiral na hagdanan.

Ayaw ko man aminin pero mabilis talaga akong magsawa sa mga bagay. Kaya nga hindi ako pumapasok sa mga relasyon dahil alam ko rin namang hindi ko mapananagutan. Kaya heto ako, pa crush-crush lang para iwas problema at responsibilidad.

At isa pa, maraming problema sa bahay kaya sa tingin ko hindi ko pa deserve na sumaya sa isang relasyon. Relationship also takes a lot of money. I am not as rich as my friends.

"Hindi. I feel like he's my forever na!" halakhak ko at bumagal na nang nasa dulo na kami ng floor nila. Kitang kita ko siya! Kinikilig ako, sagad!

I don't believe in forever. I don't feel like he's the one for me this time as well. Kung sa-sangayunan ko kasi si Covy baka yayain niya lang ako na bumalik dahil useless lang din naman ang effort namin kung sakali.

Si Haze at ang kaibigan niya lang ang nasa corridor. Nakasandal sa pasamano iyong isa at hindi ko nakikita dahil sa haligi, si Haze naman ay nakatayo sa gitna at kung ano ano ang ginagawa. Nag di-dribble, e, wala namang bola. Parang tanga talaga 'to.

It's okay. Love is foolish. Though this ain't love. This is just admiration. Matalino kasi siya atsaka commander ng CAT.

"Ganito ang plano. Maglalakad tayo tapos mag-aasaran, okay? Tawa tawa tapos itutulak mo ako! Isakto mo sa dibdib niya, a? Balita ko matigas daw ang dibdib n'on!" excited kong sabi.

Nangangatog na nga ang tuhod ko. Iyong kaliwa lang. Ang weird, a! Gano'n talaga siguro kapag hindi mo naman talaga mahal, isang paa lang ang mangangatog.

Cursed to You (Velocity Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon