Chapter 1

1.9K 36 0
                                    

"Ang p**e ko ay kulay rosas ay naamumukadkad kapag hinihimas-himas" Pagkanta ko dahilan para batuhin ako nila Stephany, Lovelie at Natalie ng unan.

Tumawa lang ako dahil sa nakitang reaction nilang tatlo. Lalo nasi Stephany na halatang sagwang-sagwa sa kinanta ko. Ito nalang kasi pang-asar ko sa kaniya.

"Ang dugyot mo Ivy" Usal ni Stephany habang ang tingin sa akin ay kala mo hindi ako kilala.

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon nito. Naikwento niya kasi sa amin na may lalaki siya nagustuhan noon kung saan ang laki daw ng agwat ng edad nila. Minsan nga nakikita ko siyang umiiyak kaya naman nang tinanong ko ito ay sinasabi niya lahat ang nangyari sa buhay niya.

"Kamusta na kaya yung lalaki na minahal mo nung 16 ka?" Tanong ni Lovelie.

Nakita namin bumuntong hininga si Stephany sabay kibit-balikat. Mukhang sariwa parinn sa kaniya ang lahat na nangyari sa buhay nito. Naaawa ako sa kaniya minsan dahil makikita ko nalang ito sa gilid habang umiiyak na nakatingin sa teddy bear at laptop kung saan may boses ng isang lalaki ang nasa teddy bear.

"Amm guys pupunta yung mga kuya ko. Ok lang ba-" I cut her off.

"Papuntahin mo lang beh ano ka ba . Sabihin mo sa kanila na dito na sila tumira para naman na sa akin na ang apilyido niyo" Natatawang sabi ko.

Tumawa silang tatlo sa naging asal ko. Well gusto ko lang talaga maghanap ng lalaki na mamahalin din ako. Pero naalala ko na allergic pala ako sa lalaki.

"Hindi ko sila kadugo... Pinsan siya nung lalaki na minahal ko nung 16 ako-"

Mabilis ko siyang binato ng unan dahil sa nalaman ko.

"Boba! bakit mo kinaibigan! walang utak! gaga ka ba? Pinsan pala yun ng gagong nanakit sayo tapos kinaibigan mo? Ay beh hindi na ako interesado sa kanila" Pagmamaldita na sabbi ko.

"Bakit mga gwapo naman sila ah" Natatawang sabi ni Stephany.

"Heehh! basta ayaw ko napala makuha apilyido nila binabawi ko sinabi ko" Pagsusungit ko.

Narinig ko ang mahinang bungisngis ni Stephany bago ito magsalita.

"Monteverde ang apilyido nila. Mayaman din sila, May malaking palasyo, Umaapaw ang yaman nilang pamilya" Pangsusolsol pa sa akin ni Stephany.

Hinarap ko siya at mabilis na tinaasan ng kilay.

"Anong pake ko sa yaman nila kung mayaman din naman ang magulang ko" Nakangising sabi ko.

Nagtaas ng kamay si Stephany na para bang sumusuko na rin sa pang-aasar sa akin. Ngumiti na lang ako bago ako bumalik sa kwarto ko para maglinis. Balak namin na babalik ng pilipinas dahil na rin sa magiging trabaho ni Stephany. Hindi niya raw kasi kayang hindi kami nakikita. Kinilig ako nung time na yun. Kung hindi lang ako straight ay jinowa ko na ang bestie ko pero sayang kasi yung may titi talaga gusto ko eh. Grr.

"Ivy nakita mo ba yung teddy bear ko?" Rinig kong tinig ni Stephany.

Mabilis ko siya hinarap bago ako umiling. Nakita ko ang pagbaba ng mga balikat niya.

"Sige hanapin ko nalang ulit sa kwarto ko" Nakangiting sabi nito.

Tumango lang ako bago ito tumalikod. Napangisi ako ng makita ang likuran nito. Hapit na hapit sa katawan niya yung damit na suot nito at ang balat nito ay sobrang puti na akala mo ay white lady na. Kung hindi lang ako babae baka niligawan ko talaga tong babaita na toh pero sa kasamaang palad gusto ko ay isang may dragon at dragon balls. Rawr.

"Ano ba balak mo Stephany sa susunod na buwan?"

Tanong ko habang inaayos ko ang mga unan sa kama ko. Pagkapasok niya sa kwarto ay naupo kaagad ito sa kama at tinignan ako.

Lustful LoveWhere stories live. Discover now