Chapter 5

2K 44 11
                                    

SPG | WARNING | R-18

Nasa mansion ako nila Mommy at Daddy dahil dito na ako umuwi kanina pagkatapos ko manggaling sa bahay ni Stephany. Pumunta lang ako doon dahil binisita ko siya at dinalhan ng mga prutas hindi rin naman ako nagtagal doon dahil pupunta na ang gaga sa trabaho niya kaya umuwi na ako kaagad at napagpasyahan ko na dito muna ako kala Mommy at Daddy matutulog.

Kumakain kami ngayon ng paborito kong ginagawa ni Mommy. Graham balls, Ito ang pinaka paborito kong pagkain noong bata pa ako at hanggang ngayon ay ito parin ang hinahanap ko dahil ang graham balls ni Mommy ay may marshmallow sa loob at may chocolate pa sa loob bago ang graham cookies.

Nagk-kwentuhan kami nila Daddy at Mommy ng maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko kaya kinuha ko kaagad iyon at mabilis tinignan ang nag message.

Lovelie messaged you.

Napakunot kaagad ako ng noo. Bat' to nagc-chat ng ganitong oras kadalasan kung magtext ito ay hapon na. Binuksan ko kaagad yung text message nito.

From: Lovelie

Hoy puke tara bar may nakita akong sobrang gandang bar shit!

Napairap kaagad ako ng wala sa oras dahil sa walang kwentang chat niya sa akin, Akala ko naman importante ang message nito sa akin.

To: Lovelie

Tigilan mo ko dyan Lovelie hindi mo ko mauuto ngayon 🖕

From: Lovelie

Sige na please promise maraming gwapo at sugar daddy dito malay mo madiligan ka na.

To: Lovelie

Pakyu! Wait punta ako.

Tinago ko ang cellphone ko at tumingin kala Mommy at Daddy na ngayon ay masayang nagk-kwentuhan. Tinapos ko muna ang pagkain namin bago ako magpaalam na pupunta na ako sa condo ko at doon na rin ako matutulog. Mabilis sila pumayag kaya naman pagkatapos ko magpahinga ng kaunti ay nagsimula na ako bumayahe papunta sa building ng condo ko.

Pagkarating ko sa condo ko ay naglinis muna ako doon dahil mamayang 7:30 pa naman ng gabi kami magkikita ni Lovelie at Nathalie sa bar na sinasabi nila. Habang nagpapalipas ng oras ay panay linis lang ako sa condo ko. Nab-bored din ako kung minsan sa condo, Kung minsan ay pinapatawag ako ni Daddy sa company kapag may ipapagawa siya sa akin pero most of the time wala talaga akong ginagawa. Nagkakaroon parin ako ng pera kahit hindi ako nagt-trabaho dahil sa spoiled ako ni Daddy pero kahit ganoon ay tumutulong pa rin ako sa kumpanya kahit na hindi ako pinapatawag ni Daddy ay nagkukusa akong pumunta doon kapag nab-bored ako sa condo.

ALAS-SIYETE na ng gabi at sakto ay nandito na ang dalawang dimonyita. Tulad ng inaasahan niyo wala si Stephany dahil may business meeting daw ito kasama ang bago nilang partner ni Kuya Drake.

I looked at myself in front of the mirror. I was wearing a red, sexy dress with spaghetti straps, and my hair was styled in loose curls, I also wore a pair of MissHeel Lace Up Rhinestone High Heel Sandals in silver, which perfectly matched my dress. I applied light makeup on my face, and of course, I couldn't forget to wear my signature red lipstick, as it complements my lips perfectly.

Hindi nagtagal ay nag-aya na ang dalawa na bumaba kaya tumango nalang ako at ni-lock ko na ang pintuan. Halos tumagal ng isang oras ang byahe namin tatlo bago kami tuluyan makarating sa bar na sinasabi ng dalawa. Not bad, Dahil maganda nga talaga ang bar. Sa labas palang ay kita mo na sobrang yaman ang may ari nito dahil sa mala luxury ang design nito. Maganda din ang materyales na nagamit sa bar na halatang sobrang mamahal nu'n.

Lustful LoveWhere stories live. Discover now