Chapter 6

1K 25 0
                                    

I am currently in the condo, deeply contemplating if Thunder doesn't remember the things that happened between us. Umaasa ako na sana hindi niya maalala ang bagay na iyon dahil malaking kahihiyan iyon para sa akin. Napalamon ako sa alak at hinayaan ang sarili ko na malasing ako.

"Please! Sana lasing ka nalang din ng gabi na iyon please!" Pagsusumamo ko.

Nakaupo ako sa sofa at tahimik na nagkakape. Halos tatlong araw na akong wala sa pag-iisip dahil lang sa nangyari ng gabi na iyon.

'Hindi ba ang huling kasama ni Thunder ng gabi na iyon ay sila Nathalie at Lovelie?'

I quickly placed my coffee on the coffee table and immediately grabbed my cellphone, wasting no time in contacting Nathalie and Lovelie in our group chat of four. It took a few seconds before Lovelie responded, and shortly after, Nathalie joined the conversation as well.

"Bat' ka napatawag?" Lovelie asked.

"Kaya nga himala naman" Natatawang sabi ni Nathalie.

Hindi ko pinansin ang mga pang-aasar nila sa akin dahil may kailangan pa ako tanungin sila na sobrang importante kapag nasagot na nila iyon tsaka ko na sila tatarantaduhin.

"Kayo yung last na kasama ni Thunder diba?" Tanong ko.

Nakita ko kaagad ang paglaki ng mata ng dalawang babaita hanggang sa marinig ko ang pagak na tawa ni Nathalie na sinabayan naman ni Lovelie.

"Gago tama ba yung narinig ko?" Hindi makapaniwala na sabi ni Nahalie.

"Si Thunder tinanong?"

"So ano nga?!" Inis na sabi ko.

Mukhang natauhan ang dalawa at biglang sumeryoso ang mga mukha. Nang tinignan ko si Nathalie sa screen ay nasa cr ito habang nasa bath tub habang si Lovelie naman ay nasa kusina at nagkakape din.

"Yes, Kasama namin siya sa table nila dahil inalok niya, Why?" Tanong ni Nathalie.

"Lasing ba siya nung gabi na nagkasama-sama kayo sa table nila?" Dagdag na tanong ko.

Nakita ko na napaisip pa ang dalawa dahilan para kabahan ako kasi mukhang hindi sigurado ang dalawa dahil ang tagal sumagot.

"Maybe? I think?" Hindi siguradong sabi ni Lovelie.

Magsasalita na sana ako ng una magsalita si Nathalie.

"Yes, That night, he got drunk because his friends, who were with us that night, kept giving him drinks. If I remember correctly, he even left our table stumbling, Habang pina-pakyuhan niya yung mga lalaki. Yuon lang naalala ko nung gabi na iyon kasi nakipaglindol-lan na ako sa isang niyang friend" Pagkwento ni Nathalie.

Sa narinig ko ay mabilis ko hinalik-halikan yung cellphone ko dahil sa kwento ni Nathalie, Kahit talaga kailan maasahan ko itong babae na ito kahit na medyo gago ay pwede pagkatiwalaan.

"Luh, Bakit mo ba tinatanong? Hindi ba galit ka doon?" Sabi ni Lovelie.

Inayos ko ang sarili ko at humarap muli sa cellphone ko.

"Galit nga ako doon, Tinanong ko lang kasi may naghahanap sa kaniya sa akin nung gabi na iyon e' naalala ko kayo ang huling kasama kaya yun" Pagsisinungaling ko.

Napatango nalang ang dalawa at hindi na nagtanong pa. Ibaba ko na sana yung call ng biglang mag join si Stephany sa video call namin.

"Hello mga bilat! How are you na?" Tanong niya.

Mukhang nasa company na siya at nagt-trabaho dahil sa kita ko na ang background nito na nasa office na siya.

"Ok naman ikaw nga dapat tinatanong namin niyan e'"

"Huwag niyo na ako tanungin nasisira lang araw ko dito sa bago namin kapartner!" Gigil na sabi nito dahilan para magtinginan kami nila Nathalie at Lovelie sa screen.

"Bakit ano ba ginawa sayo?" Tanong ni Lovelie.

"E'! Basta naiinis ako sa kaniya"

Natawa kami ng wala sa oras sa sinabi niya. Halata naman na naiinis ito kasi yung pagmumukha niya ay hindi mo na maipaliwanag kung ano mararamdaman nito.

"Sino ba yang partner niyo? At bakit ka niya ini-stress ng ganiyan!" Inis na sabi ko.

"Si Lawrence! Nakakabwisit!"

"Lawrence?" Patanong na sabi namin tatlo nila Nathalie.

"Oo! By the way kailangan ko na bumalik sa pagt-trabaho may aayusin pa ako, Babu mga bilat" Paalam nito baggo mag leave.

Nang makaalis na ito sa video call namin ay nagpaalam narin kami sa isa't-isa. Nang matapos ang call ay ibinaba ko yung cellphone ko at hindi mapigilang mapangiti dahil sa nalaman ko. Lasing din si Thunder ng gabi na iyon kaya naman mapapanatag na ang loob ko. Nakangiting tumayo ako at pasayaw-sayaw na pumunta sa kusina.

"Yes! Yes~ Yess~" Pakanta-kanta ko habang hinuhugasan yung tasa ko.

Deserve ko magbar ngayon, Wala lang nat-trip-pan ko lang dahil ilang gabi din ako hindi nag bar dahil binuhos ko ang sarili ko sa pagt-trabaho sa company at the same time busy din sa pago-overthink pero ngayon makakatulog na ako ng maayos dahil nalaman ko na nalasing din siya ng gabi na iyon.

'Sayang lasing ako nung nangyari yun hindi ko tuloy nakita kung gaano kalaki ang kaniyang dragon'

Lustful LoveWhere stories live. Discover now