Chapter 17

6.1K 27 2
                                    

Chapter 17


"I'm sorry, I didn't know." puno ng lungkot na sabi ni Jandrex habang nasa mga bisig niya ako matapos kong ikwento ang pinagdaanan ko sa kamay ni Sir Simon ang ang pangmomolestiyang inabot ko kay Viel.

Years had passed yet the wound is still fresh. I tried so hard to forget it. Having casual sex with anyone I met in the bar is one of them. Pakiramdam ko ay nawalan ng halaga ang dignidad na iningatan ko. It doesn't matter to me anymore if someone is claiming me and lusting over me.

I am not worth it. Simon made me question my worth.

Ipinaramdam niya sa akin na isa lang akong parausan. Isa lang pantanggal init ng katawan. A woman that will just satisfy any guy in bed.

What he did made me think that way.

Walang-wala na namang mawawala. Wala ng masisira dahil wasak na wasak na ang pagkatao at dignidad ko. Ubos na ubos na ako. I hate to say that I'm lost and having a hard time to find myself.

"Look at me." Jandrex said softly.

Maingat niyang ini-agat ang mukha ko. He gently wipe my tears. Wala na ang talim sa kanyang mga mata. Iba na ang nakikita kong emosiyon doon.

Sympathy? Anger? Pity? Sadness?

May isa pa akong emosiyon na nakikita pero ayaw kong pangalanan. I think I am just too desperate to have him back.

Tama na ang paghahabol ko. Ubos na ubos na ako.

I am so lost.

Ayaw kong balikan niya ako dahil naawa siya sa akin. Hindi awa ang kailangan ko. What I need right now is to fix the broken pieces of me.

I love him but I think I have to fix myself first. I had enough. My past is still haunting me especially that Simon and Viel came back.

"Myreen, look at me." marahang ulit ni Jandrex.

He lifted my chin so I can met his sad eyes.

Huminga ako ng malalim. Maybe, this is what he is waiting for. My explanation. Why did I cheat on him with his bestfriend.

"Are you going to accept me out of pity?" I whisphered.

Iyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Nangingibabaw ang awa at simpatya pero ayaw ko no'n.

Mas nauna akong mag-iwas ng tingin dahil ayaw kong malaman ang sagot. I do love Jandrex, no doubt. But I don't want him to take me back again because of my dark past. Tama ng nalaman niya ang nangyari sa akin. Hanggang doon na lang siguro. I should move on because that is the right thing to do.

Tumayo na ako at dumiretso sa banyo. Nakita ko sa sink ang tuyo ko ng damit. Nakaayos na rin ng tiklop. I took a quick shower and dress up.

Kita ko pa ang pamamaga ng mata ko pero pinabayaan ko na. Eksaktong paglabas ko ay nakaabang si Jandrex sa may pinto. Tila inip na inip at sobrang tagal na naghihintay doon.

"I cooked breakfast." agap niya ng lumabas ako sa banyo.

I smiled at him sadly.

"Hindi na. I should get going. May exam pa ako." pagtanggi ko.

Kumunot naman ang noo niya at tila hindi nagustuhan ang sagot ko.

"Myreen." he said in a warming tone but I dismissed it.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Our eyes met again. I try to smile at him. Iniangat ko rin ang kanang kamay ko at pinadapo sa pisngi niya at marahang hinaplos.

This is the first time that I am allowed to touch his face again without him getting mad.

"Kuntento na ako. I explained my side. Nalaman mo na ang katotohanan at wala akong pinagsisisihan na ginawa ko 'yon para sa'yo." gumaragal ang boses ko at muling nangilid ang mga luha.

Their ObsessionWhere stories live. Discover now