Epilogue

5.6K 45 19
                                    

Epilogue

"Gago! Bakit ganyan laman niyan?" ani Blant pagpasok pa lang ng bahay namin.

Hinagis niya ang libro sa center table ng living room namin. Ang sama ng tingin niya sa akin, umagang-umaga.

Kauupo niya lang at magsasalita pa pero may kasunod na siyang dumating. Halatang bagong ligo lang at hindi na nag-abalang patuyuin ang buhok para sumugod dito sa bahay.

"Tangina! Bakit ako napasali? Nananahimik ako sa bahay tapos pagkapadala mo sa akin nandiyan ako?" ani Kane.

Hindi naman siya mukhang galit. Katulad ni Blant ay nagrereklamo lang you din siya kung bakit siya kasali. Napangisi naman ako dahil sa pikon nilang mga mukha.

Nang humarap silang dalawa sa akin ay ang sama ng tingin nila at gusto nila akong sakmalin dalawa. Bago pa sila makapagsalita ulit ay hinihingal na pumasok si Viel sa pinto.

"Puta! Ba't pati ako kasali?" bungad niya agad.

Napangisi lang ako lalo. Hindi naman mukhang pikon si Viel. Normal na nagtatanong lang siya. Masiyadong exagerrated lang talaga si Blant at Kane.

"Lahat tayo kasali!" malakas na sabi ni Blant.

Tinaasan ko sila ng kilay at inirapan. 

"Nakalimutan niyo na ba? You all agreed!" parang wala lang na sabi ko.

Kung makapagreklamo naman sila ay parang inapi ko sila. 

"I'm drunk." 

"Gago! Lasing ako no'n!"

Magkasabay na sabi ni Blant at Kane.

"Mee too." ani Viel at nagtaas pa ng kamay.

Binigyan ko lang sila ng ngisi habang nakatuyo. I checked my watch. It's six in the morning. Pagtunghay ko ay nakita kong sabay na pumasok si Hash at Simon.

Bahagyang nawala ang ngisi ko. May mapang-asar na ngisi si Hash at seryoso ang itsura ni Simon.

"Nice! I'm hot rude nerd." Hash teased.

Hindi ko magawang asarin siya pabalik dahil parang hindi ko nagugustuhan ang itsura ni Simon. Hindi ko mabasa ang reaksyon niya.

Lagot na ba ko?

"Lagot ka! Hindi gusto ni Father Simon ang ginawa mo." pananakot sa akin ng nakababata kong kapatid na si Kane.

Tumayo siya para akbayan si Simon at mapang-inis na tumatawa kahit wala namang nakakatawa.

"Myreen!  Bakit namumutla ka?" asar ni Blant.

May dala na siyang juice. Galing na siya sa kitchen ng hindi ko man lang namamalayan. May hawak na rin siyang chocolate cupcake sa kabilang kamay.

"Oh! remember this?" pinakita niya sa akin ang cupcake. Hindi ba nasa kitchen tay-" 

"Shut up!" pikon kong sabi na nakapagpatawa sa kanila ng malakas maliban kay Simon.

Seryoso lang ang mukha ni Simon. Nagkasalubong ang mga mata namin. He's staring at me intensely, tila binabasa kung anong iniisip ko ngayon.

Well, I'm a bit tensed. He doesn't look cool on what I did. I asked for their permission before I wrote those but I didn't informed them about the genre.

"You look pale, Myreen." basag ni Viel sa katahimikan.

Gusto ko siyang irapan. Alam ko! Nag-uumpisa na ngang manlamig ang kamay ko dahil sa kaba. 

Their ObsessionWhere stories live. Discover now