Chapter One

346 36 16
                                    

20 years later...

PABALIKWAS at habol ang hininga na nagising si Zahra ng madaling araw. It was a nightmare again. No. For him it wasn't a nightmare. Pero sa panaginip niyang iyon ay may isang tao ang nasa kadiliman at tila nahihirapan ito.

Nasapo niya ang dibdib dahil bahagya iyong kumikirot. Hindi niya alam kung bakit napapaginipan niya iyon at habang tumatagal ay tila iyon nagiging totoo na kahit man siya ay naaapektuhan na.

Nang bahagyang kumalma ang puso niya mula sa mabilis na pagtibok, umalis siya sa ibabaw ng kama at lumabas ng kwarto para uminom siya ng malamig na tubig.

Nagsimula ang ganitong panaginip niya noong tumuntong siya sa ika-labing walong taon niya. Hindi naman niya nagawang sabihin sa mga magulang niya dahil alam niyang abala rin ang mga ito sa trabaho at sa mga nakababata niyang kapatid.

Sa kanyang pagmumuni sa kusina, pumasok doon ang ama niyang si Fanxieli na bagong gising din. His omega father is so beautiful, maliban doon ay maalaga ito at hands on sa kanilang doseng magkakapatid. kaya hindi nakakapagtakang mahal na mahal ito ng kanyang amang alpha na si Karrim.

"Bakit ang aga mong nagising, Zahra?" tanong ng papa niya. Pero hindi siya nakasagot agad.

"Nightmare?" tanong nito na tila ba alam nito ang laman ng isipan ko.

Marahan na lang siyang tumango bilang sagot. Humakbang ito palapit sa kanya at naupo sa tabi niya.

Hi awakan siya nito sa kamay. "Care to tell me, son?"

Muling tumango si Zahra dahil ayaw din naman niyang magsinungaling at magtago sa ama.

Nagbuntong-hininga muna siya bago nagsalit. "I dreamed about a castle. An old castle. It was dark in there, and there was no other person there except that man."

Nangunot ang noo ng kanyang ama. "A man? Sino namang lalaki 'yon?"

"Hindi ko po kilala. I can't even see his face. Pakiramdam ko habang paulit-ulit ko iyong napapaginipan, para nagiging totoo na siya. And every time I dream about it, I feel pain in my chest. I don't know why."

"Kailangan pa 'to nagsimula?"

"Two years ago."

Saglit na tumahimik ang ama niya, pagkatapos ay marahan itong nagpakawala ng buntong-hininga. Hinaplos siya nito sa buhok at mapait siyang nginitian.

"Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin dahil hindi ko alam kung bakit ka nananaginip ng ganyan. Maybe you are just stressed about your studies."

Ramdam ni Zahra na concerned sa kanya ang ama niya pero may bahagi sa boses nito na hindi naniniwala sa sinabi niya. Sino nga ba naman ang maniniwala sa ganung panaginip?

"Siguro nga ho, Pa," tanging sagot na lang niya. "Balik na po ako sa kwarto ko."

"Okay. Matulog ka ulit, hmm?"

"Opo." Hinalikan niya muna ito sa pisngi bago muling bumalik sa kwarto niya.


"BREAKFAST is ready!" sigaw ng ama niyang si Fan nang mailapag lahat ng pagkain sa mahabang lamesa. Naka alalay lang rito ang dalawa nilang dama, dahil kahit mayroon silang kasambahay ay ang ama pa rin niya ang nagluluto ng umagahan, tanghalian at hapunan nila. Gusto kasi ng ama niya na hand on ito sa kanilang magkakapatid at sa kanyang amang alpha na si Karrim.

Sabay kaming lumabas ni Kuya Aari sa kwarto at sabay din silang bumaba sa hapagkainan.

"Good morning, Pa," masiglang bati ni Kuya Aari sa ama nilang si Fan. Habang tumatagal ay hindi maitatanggi ang angkin nitong ganda bilang isang lalaking omega.

The Forgotten Prince (GPS Side Story VII)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang