Chapter Three

231 35 8
                                    

LIGTAS na lumapag ang sinasakyang private plane nila Zahra sa Zahara. Dahil pribadong eroplano ang sinakyan nila ay mas napabilis ang byahe nila pa punta sa Syria.

Sobra ang pagkamangha niya nang makapasok siya sa kaharian ng Haiiwa, dahil ang estraktura ng palasyo ay talagang detalyado at talagang pinagpalnuhan. Lahat ng nakikita niya ay kulay ginto. Pati ang sahig ay nababahiran ng mga mamahaling bato.

Mainit din naman silang sinalubong ng mga kamag-anak ng ama niya, ng hari t ng asawa nito, ganu'n din ng dating hari. Sabi nga nila kung hindi noon iniwan ng ama niya ang pagiging prinsipe ay sana prinsipe pa rin ito ngayon at pati silang magkakapatid.

"Akala ko hindi kayo makakapunta? But I'm glad you came, masasaksihan mo ang parusang ipapataw kay Nasir," narinig niyang sabi ni haring Zarim.

Dinala sila nito sa drawing room ng palasyo.

"After a long time, why did you just now decide to put Nasir to death, your Majesty?" tanong ng kanyang amang alpha sa hari.

Kibit balikat na naupo ang hari sa pinaka sentro na upuan. "Wala na rin namang saysay para mabuhay pa siya. So, bakit ko pa mas patatagalin ang buhay niya? Sapat na ang dalawangpung taon na binigay ko sa kanya para pagdusahan at pagsisihan niya ang mga nagawa niyang pagkakamali."

"Is Nasir really bad enough to sentence him to death?" hindi mapigilan ni Zahra na sumabat sa usapan.

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng pagsikip sa kanyang dibdib nang marinig niya ang pagpataw ng kamatayan sa kung sino mang Nasir na pinag-uusapan ng mga ito.

Ang matalim nitong tingin ay tumuon sa kanya. "Didn't your father educate you that it's inappropriate to butt in adult's conversation?" walang emosyong baling sa kanya ng hari.

"Ang usapang ito ay walang kinalaman sa'yo," sabi pa nito.

Nayuko siya. "I'm sorry, your Majesty."

Tumikhim si Karrim. "Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Zarim, bago lamang sa kanya ang ganitong usapin," untag ng ama niya sa hari.

Nagbuntong-hininga si haring Zarim bago tumayo. "Mabuti pang magpahinga muna kayo para mamayang gabi," anito na humakbang na paalis pero huminto ito sa gilid niya. "I'm uncomfortable that your son is here in my palace, Karrim," sabi nito bago tuluyang lumabas ng kwarto.

"I'm sorry po, Dad."

Nagbuntong-hininga ang ama niya. "Mainit lang talaga ang ulo ni Zarim pagdating kay Nasir. At ang sagot sa tanong mo, yes, malaking kasalanan ang ginawa ni Nasir. He killed thousands of innocent people, ang iba sa kanila ay ginawa niyang theta. And he tried to rape his highness's luna. At ang sagot pa sa tanong mo, oo, its enough to sentence him to death. Naging mabait pa ang hari jay Nasir dahil pinatagal pa nito ang buhay ni Nasir ng Dalawangpung taon," mahabang paliwanag ni Karrim.

"Sino po ba si Nasir?" curious niyang tanong.

"He's our cousin. Naniniwala ako na nilamon siya ng inggit at kasakiman kaya gumantong siya sa ganu'n."

Tumayo ang ama niyang si Fan mula sa pagkakaupo at lunapit sa kanya. "Mabuti ang magpahinga muna tayo," mungkahi nito bago siya iginiya palabas ng drawing room.

Binigyan sila ng tig-isang kwarto. At dahil dala na rin ng pagod, pagkahiga niya sa malambot na kama ay agad siyang tinangay ng antok.




NAALIMPUNGATAN si Zahra dahil sa hindi maipaliwanag na bigat ng nararamdaman niya. Sapo ang dibdib na marahan siyang bumangon. Hindi niya alam kung bakit ganito na ang pakiramdam niya.

Mate...

Nabaling ang tingin niya sa nakasarang pinto. Tila merong nagsalita mula roon at tinatawag siya.

The Forgotten Prince (GPS Side Story VII)Where stories live. Discover now