Chapter Four

271 38 14
                                    

MAHINANG ungol ang kumawala sa bibig ni Zahra ng magising siya.

"That was his first heat," narinig niang sabi ng kanyang amang omega sa kung sino man ang kausap nito.

Hindi niya magawang imulat kaagad ang mga mata dahil sa tuwing gagawin niya iyon ay sumisidhi ang sakit sa sentido niya.

"Okay. Reresetahan ko na lang siya ng bibilhin ninyong gamot, pero sa ngayon bibigyan ko na lang siya ng suppressant pansamantala. Ipainom ninyo ulit ito sa kanya pagkagising niya," narinig naman niyang sabi ng doctor.

"Doc, I just want to ask, bakit biglang umatake ang heat cycle niya?" tanong naman ng ama niyang alpha.

"Marami kasi pwedeng maging dahilan kung bakit. Isa na roon ang katawan niya ay nagreak sa isang alpha," sagot naman ng doctor.

Sapo ang kanyang noo na marahan siyang bumangon. "Papa, Daddy..." tawag pansin niya sa mga magulang.

Agad naman tumalima ang papa niya para lapitan siya. "Kumustaang pakiramdam mo?"

"Pakiramdam ko po ang bigat-bigat ng katawan ko. Masakit po ang ulo ko at nilalamig po ako."

Sinapo nito ang pisngi niya. "That's normal."

"Normal? What do you mean?"

"You are in heat, Zahra," sabat ng daddy niya na katatapos lang kausapin ang doctor.

Huminto ito sa paanan ng kama at mataimtim siya nitong tinitigan. "Now tell me how did you get there? And how did you find that place? Did someone bring you there?"

Marahan siyang umiling. "Ako lang po ang kusang pumunta roon, Dad."

"How?"

"I-I can't explain. May kung ano po ang nagdala sa akin 'dun. Parang may tumatawag po sa'kin—"

"Nilokoko mo ba ako?"

Mabilis siyang umiling. "No, Dad—"

"Alam mo ba kung gaano kadelikado ang ginawa mo?! You don't know him! Nasir is dangerous! He can kill you if he wants too!" Tumaas na ang boses ng ama niya sa galit.

So, siya pala si Nasir, ang pinag-uusapan ng ama niya at ng hari?

"But he didn't!" sagot niya na kahit man siya ay nagulat.

Hindi makapaniwalang tumitig sa kanya ang ama. "You don't know what the danger is, kiddo. You defending him as if you know him."

Nayuko siya. "Sorry, Daddy."

Nagbuntong-hininga ang ama niyang alpha. Ramdam niya ang disappointment nito sa kanya.

"You'll not come out of this room. You can only come out when we go home to Tierra De Lobo," mariin nitong sabi bago ito lumabas ng kwarto.

"Papa..." baling niya sa amang omega.

Mapait siya nitong nginitian. "You're father just worried for you. Kung alam mo lang ang takot niya kanina habang hinahanap ka niya, tiyak maiintindihan mo."

"Hindi ko po alam, Papa. H-hindi ko rin po maintindihan kung bakit ganu'n ang nangyari sa akin kanina. Natatandaan mo po ba 'yung sinabi ko sa'yo tungkol sa panaginip ko?"

"Oo, tanda ko pa."

"Pa, the man in my dream was that man," nanginginig ang mga kamay na sabi niya.

Natigilan naman ito at hindi niya matukoy ang emosyong ipinapakita nito sa kanya ngayon. Tila may takot siyang nakikita sa mga mata nito.

"I feel suffocated when I saw him inside the prison."

Inalis nito sa kanya ang tingin. "Marahil dahil lang 'yan sa heat mo. Inumin mo ulit itong gamot mo para bumuti ang pakiramdam mo," anito na tumayo na.

The Forgotten Prince (GPS Side Story VII)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon