07

6.5K 162 3
                                    

"Heto na oh yung pagkain natin" napatingin ako sa pinto at nakita si sir grant na may hawak ng maraming paper bag, tinulungan ko sya na ilapag lahat iyon sa may mesa.

"Bakit mo naman po ako iniwan dito sir grant? Wala ka po tuloy katulong dito"sabi ko at napabuntong hininga sya.

"Kaya ko naman, sa tigas ng biceps at ng abs ko, hindi ko kakayanin?"sabi nya at natawa ako.

"Iba talaga mga pick up lines mo sir, ang luma"sabi ko at natawa sya.

Kumain lang kaming dalawa, ayaw ni sir bullet kaya kaming dalawa na lang ni sir grant.

"Gusto mo ihatid na kita sa bahay mo?"tanong ni sir grant habang nakain kami.

"Nako huwag na po sir, ayos lang at may jeep pa naman po ng ganitong oras"sabi ko at napakamot sya sa batok nya.

"Sure ka ba?"tanong nya at tumango ako.

"Opo naman sir, kaya ko naman"sabi ko, "May lahi po ba ang tatlo mo pong kaibigan? May mga accent po kase e"

"Si severino half aussie and half pinoy, si ashton ay half british, half italian and half pinoy, half chinese and half pinoy si bullet. Ako naman ay half pinoy and half koreano"sagot ni sir grant at napatango tango ako.

"Kaya pala si sir ashton, hirap na hirap akong kausapin dahil ang hirap nyang intindihin, ang lalim ng accent "sabi ko at natawa sya.

"Nako ganoon talaga iyon, kailangan mo ng subtitle para maintindihan mo"biro nya. "Kase nga italian na British pa, saan ka nakakita ng ganoon"

"Infairness sayo sir huh, marunong ka ng magbiro"sabi ko at napangiti sya.

"Sayo lang kaya ako nagbibiro, sinasabayan ko vibes mo para hindi ka maboring na kasama ako"sabi nya at napangiti ako.

"Oh come on ashton, babae na iyon, tinanggihan mo pa?"natigil ang pag ngiti namin ni sir grant sa isa't isa nang makita namin sina sir severino at sir ashton na pumasok dito sa condo. Mukhang nagtatalo pa sila.

"Alam mo naman na i don't do girlfriends, wala pa sa plano ko iyon" sabi ni sir ashton at natigil ang pag tatalo nila nang makita nila kami ni sir grant.

"Date?"tanong ni sir severino sabay tawa kaya napangiwi ako.

"Hindi ah sir, nakain lang ng hapunan, date na?"tanong ko at natawa syang umupo sa tabi ko.

"Ofcourse, hindi nyo inaya si bullet e tapos kayong dalawa lang"sabi nito at tinaasan ko sya ng kilay.

"For your information sir severino, ayaw ni sir bullet kumain"sabi ko, "At uuwi na po ako mga sir, kain na kayo dyan"

"Wait lang lea----

Napalingon ako sa tawag ni sir ashton, napakunot ang noo ko at napabuntong hininga sya.

"I really want to say sorry if bullet being mean to you, i promise he's kind"sabi ni sir ashton, "May pinagdadaanan lang talaga sya kaya ganoon ka nya tratuhin"

"Bakit po ikaw ang nag so-sorry sir ashton? Wala kang kasalanan sa kademonyohan ng kaibigan mong iyon"sabi ko, "At kung may pinagdadaanan man po sya, sana malampasan na nya po iyon para naman bumait bait sya at tigilan na po nya ang pagiging salbahe sa katulad kong wala namang kasalanan sa kanya"

"Kahit wala akong pinagdadaanan, hindi pa rin ako mabait sa taong katulad mo"napatingin ako sa gilid namin at nakita ko si sir bullet doon, galing sya sa kwarto nya at lumapit sya sa akin. "Sa katulad mo na nadisgrasya lahat ng mahalagang bagay dito sa condo namin"

"Nag sorry naman po ako sir at heto nga po ako, nagta-trabaho po ako sa inyo ng libre para naman mabayaran ko ang utang ko po sa inyo at lahat ng na-disgrasya ko dito"sabi ko, "Hindi mo po ako katulad na hindi marunong mag sorry"

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now