65

1.4K 31 1
                                    

Pagbalik namin sa may bahay ay tinawag naman ng mga tito ko ang apat,

"Oh shot puno!"

Inalukan sila ng mga tito ko ng alak, napatingin sila sa akin at napabuntong hininga akong tumango, napangiti sila at umupo na katabi ng mga tito ko, iniwan ko na sila na nag iinom doon at dumiretso sa mga pinsan kong nag uusap usap na at nagtatawanan.

Kumain kami ng mga pinsan ko at nagkaayaan na uminom, mild drink lang naman. Sumapit na ang hating gabi, tumba na ang mga kainuman ko habang ako ay nasa wisyo pa, nahihilo na rin kaya kusa na akong umakyat papunta sa kwarto ko at doon ay natulog na.

Nagising ako dahil sa naririnig kong bulungan ng mga tao sa baba ng bahay namin, napatayo ako at hilo hilo pang naglakad pababa, nakita kong nandoon ang mama ko at si lola na mukhang namomroblema.

"Oh ayan na pala si azalea"sabi ni lola at kumunot ang noo ko,

"Ano pong problema ma at lola?"tanong ko, iniisip ko na makalat pa kaya sila ganoon pero malinis naman na kaya ano ang pinoproblema nila.

"Sinilip ko ang apat kung nasa kwarto pa pero wala na, nasaan na yung mga manliligaw mo?"tanong ni kuya at namilog ang mata ko, nahulasan.

"Hindi ba sila umuwi dito kagabi?"tanong ko, "nag iinom po sila nila tito ah, hindi pa ba umuuwi?"

"Hindi namin napansin kung pumasok ba sila kagabi o hindi, nako ho"sabi ni mama at napamewang ako.

"Baka kung saan na po nagpunta iyon" sabi ko, "kuya wala po ba sa------

"Hoy sino kayo!"naputol ang sinasabi ko nang marinig ko si aling myrna na nasigaw, napakunot ang noo ko at tumakbo na agad kami nila mama papunta sa bahay nya.

"Ano po iyon aling myrna?"pakikipag osyoso ko nang makapasok sa bahay nila at napaawang ang labi ko nang makita ko ang apat na nakahiga sa kwarto ni aling myrna katabi ang asawa nito na nakainuman nila sir kagabi, si manong archie.

"Sino kayo huh?!"pagtanong ni aling myrna nang magising ang apat, wala pa sa mga wisyo nang lumapit ako sa kanila para gisingin sila ng tuluyan dahil may balak pa talaga silang bumalik ng tulog.

"Uy mga sir, gising! Anong ginagawa nyo dito?"tanong ko at napabangon sila sabay tingin sa paligid nila, nang makita nilang nasa ibang bahay sila ay napatayo sila at namimilog ang mga mata.


"Anong ginagawa namin dito? Saan 'to?"tanong ni sir grant at napabuntong hininga ako at napahilot sa sintido ko.


"Aba mga sir malay ko, tatanungin ko ba kayo kung alam ko? Paano kayo napunta dito? Kayo huh nangangapitbahay kayong apat!"pag sesermon ko at napapikit silang bumuntong hininga.



"Hindi namin maalala azalea, promise" sabi ni sir severino,

"Sobra lang talaga kaming lasing kagabi kaya siguro kami nandito, kase kung nasa wisyo kami bakit naman kami dito uuwi"sabi ni sir bullet at napabuntong hininga ako at kinuyom ang labi.


"Mag sorry kayo sa may ari ng bahay, hindi naman namin kamag anak ang tinulugan nyo ng bahay"sabi ko, "lakas pa talaga ng loob nyo mag topless huh, akala nyo bahay nyo kung makaasta kayo"


Napakamot sila sa ulo at nagbihis na ng t-shirt, "Uy nawawala t-shirt ko"reklamo ni sir severino habang hinahanap sa ano mang sulok ang damit,


"Sayo ba yung red iho?"tanong ni aling myrna at napatango si sir severino,


"Ay nakita ko kase kagabi sa may labas ng bahay namin kaya tinapon ko na, sayo pala iyon hay nako pasensya na iho"sabi ni aling myrna at napakagat ako sa ibaba kong labi para pigilan ang pagtawa.



The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now