Chapter 2

11 0 0
                                    

"Sorry, Beng!" Napakagat-labi si Ellen nang panlisikan ko siya ng mata.

Pagkatapos kong ipabantay si Yen-yen sa kapatid ni Ellen ay dumiretso kaagad ako sa bahay para kumuha ng ilang mga damit. At para na rin kausapin siya sa mga ginawa niya.

Wala akong masabi. Gusto kong magbitiw ng salita dahil sa galit pero narito na 'to. Ano pa bang magagawa ko?

Napabuntong-hininga ako. "Ayoko. Hindi ko 'yun tatanggapin, Beng," pinal na sabi ko sabay iling.

"Beng! Naka-oo na ang tao. Hindi na tayo pwedeng umatras, okay? Ayaw mo bang kumita, ha? Para naman 'to kay Yen-yen." Lumapit sa akin si Ellen at nagkandahaba ang nguso. "Sige na, Beng, please? Hindi ka naman magtatagal doon. Kapag nakuha mo na ang sapat na sweldo na kailangan mo para sa pagsasalin ng dugo ni Yen-yen, pwede ka nang maghanap ulit ng panibago. Pero sa ngayon, 'wag mo itong sayangin, okay? Hindi basta-basta ang magiging amo mo! Ang alam ko ay kasama siya sa mga alta-sociadad sa Victoria. Kaya please gawin mo na, ha?"

"Bakit ba kasi pinangungunahan mo ako, Ellen? Ilang beses ko nang sinabi sayo, 'di ba? Ayoko nang bumalik sa Victoria! Sa tuwing mababanggit lang ang pangalan ng lugar na 'yun ay kinikilabutan na ako. Kaya hindi na bale. Hindi ako papayag sa ganito," mariin kong sabi.

"Ahh..." Si Ellen naman ngayon ang hindi mapakali. Parang sinilihan ang puwit kung siya ay magparoo't parito habang kagat-kagat ang kanyang hinlalaki. "Aha!" Biglang lumiwanag ang kanyang mukha at walang sabi-sabing hinila ako at dinala sa tapat ng salamin.

"Anong ginagawa natin sa harap ng salamin?"

"Beng, alam ko ang nasa isip mo, e. Kahit anong deny mo sa akin, hindi mo maikakaila na may mas malalim ka pang rason kung bakit ayaw mong bumalik ng Victoria. At alam ko na ang paraan para makapagtrabaho ka roon nang walang problema," nangingiting sabi niya.

Napakunot naman ang aking noo sa kanya. "At ano naman ang naiisip mo, aber? Kung ano man 'yan, hindi ako interesado. Tigilan na natin 'to!" Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo nang bigla niya akong hilahin at pinaupong muli.

"Pwede bang pumirmi ka na lang d'yan at hayaan ako?" mabini niyang tanong na may halong pagbabanta.

Alam kong ako ang dapat na galit ngayon, pero sa tuwing makikita ko ang seryosong mukha ni Ellen ay talagang tumitiklop ako.

Hinayaan ko na lang ang kaibigan ko na gawin ang gusto niya. Inayusan niya ako. Wala akong masyadong pakialam sa ginagawa niya kaya hindi ako masyadong nagtaka kung anong magiging resulta. Pero nagkamali ako para hayaan pa siya sa kanyang binabalak. Napasinghap ako nang mabungaran ang hitsura ko sa salamin.

"B-Beng! Anong ginawa mo sa hitsura ko?!" nahihintakutan na tanong ko. Napahawak ako sa aking pisngi at napasinghap. "Beng naman!"

"'Yan lang ang naiisip kong tanging paraan, Beng. Tingnan mo naman ang hitsura mo, oh! May anak ka nga pero nuknukan ka ng ganda! Kung 'di lang makikita ng ibang lalaki na dala-dala mo si Yen-yen ay siguradong pinuputakte ka pa rin hanggang ngayon ng mga manliligaw! At isa pa, kailan ka pa nawalan ng manliligaw ha? Kahit nga sabihin kong may asawa ka na ay hindi pa rin sumusuko ang iba sa'yo! Gusto mo pa bang banggitin ko pa isa-isa sino-sino sila, ha?!" mahaba niyang litanya.

"Ah, tumigil ka na nga!" pagputol ko sa kanya at napabuntong-hininga.

Napasimangot ako sa aking repleksyon sa salamin. Ginawa lang naman akong katawa-tawa ng best friend ko! Pinakapal ni Ellen ang kilay ko na halos magdugtong na sa gitna. At ang ilong at pisngi ko ay nilagyan niya ng maraming freckles. At ang pinaka masaklap sa lahat ay nilagyan niya ang ilong ko ng prosthetics para magmukhang malaki at pango!

Hindi ko naman maikakaila na sadyang matangos ang ilong ko. May pagkasingkit ako at matangos ang ilong na parang koreana. Pero dahil sa ginawa ni Ellen ay nagmukha akong si Bakekang! Isang babaeng porselana ang kutis pero kamukha ni Bakekang!

Savored (Victoria City Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon