Chapter 13

3 0 0
                                    

"Sir, alas otso na po nang umaga. Hindi po ba kayo papasok ngayon?" iyan ang unang tanong ko kay Rave.

Kalalabas lang kasi niya ng kwarto niya. Halatang borlog pa ang hitsura at tila nanlalalim ang mga mata.

Napakunot ang noo ko. Maaga naman siyang pumasok sa kwarto at iniwan akong kumakain. Ano bang ginawa ng lalaking 'to at napuyat pa?

"Am I not allowed to take a rest day?" sarkastiko naman niyang balik-tanong sa akin. Pababa siya ng hagdan at dumiretso sa kusina. Binuksan niya ang ref at kumuha ng isang pitsel ng tubig. Mabilis siyang tumungga doon nang walang pasabi.

Kakaloka! Ibang pitsel na lang ang gagamitin ko mamaya.

Napakamot na lang ako ng ulo habang nagba-vacuum. "E, kasi naman nakakapanibago kayo, Sir. Hindi ko naman kayo nakikitang nag-rest day man lang sa loob ng isang buwan na nandito ako. Halos 'di na nga kayo umuwi rito, e. Nakakapagtaka lang naman," patay-malisya kong puna sa kanya.

Napailing si Rave at ibinalik ang pitsel sa ref. "It's none of your business..."

Sungit!

Mabilis siyang sumalampak sa upuan at akmang kakamayin ang pritong chicken na nakalagay sa platito.

Mabilis pa sa alas kwatrong pinalo ko ang kamay niya.

"Hey! Bakit mo ako pinalo? What's with you?" angil niya at salubong ang kilay na tinapunan ako ng tingin.

Akma pa ulit siyang dadakot ngunit inulit ko pa ang ginawa ko kanina.

"Ano ba?!"

"Nagsipilyo ka na ba? Naghilamos ka? Naghugas ka ng kamay? Basta-basta ka na lang uupo d'yan? Sir, mahirap maglinis. Hindi por que ikaw nagpapasweldo sa akin, e magkakalat ka na at hindi didisiplinahin ang sarili mo!" sunod-sunod na bato ko ng salita sa kanya. "Tingnan mo nga 'yang sarili mo. May muta ka pa, Sir!"

Agad namang napahawak si Rave sa kanyang mukha at kinalikot ang gilid ng kanyang mata para kapain ang sinasabi kong muta. Ang totoo ay wala naman siyang muta. Lihim akong natawa sa tinuran niya. Para siyang bata na uto-uto.

"Arggh! Damn it!"

Maya-maya pa ay tumayo na si Rave. Ang akala ko ay pupunta na ulit siya sa kanyang kwarto para maghilamos. Pero ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang bigla siyang sumulpot sa harapan ko.

Walang kangiti-ngiting humarap siya sa akin. "Gusto mo ba talagang masisante ka na ngayon din?" pagbabanta niya.

"Joke lang 'yun, Sir! Ano ka ba naman? Hindi ka na po ba mabiro? Serious na serious ang mukha ninyo, oh!"

"Bakit ba dinidiktahan mo ako? My house, my rules!" asik pa niya at patuloy sa pag-abante papalapit sa akin.

"Sir naman! Ngayon pa ba kayo mananakot? Nakikita n'yo naman na ang linis-linis na sa paligid natin, 'di ba?"

"Do I look like I fucking care about that, huh?" Lumapit siyang muli.

"Syempre bilang kayo ang may-ari, dapat nagre-reflect sa mga kilos ninyo ang kalinisan sa bahay na ito. Aba, gusto mo pang maging balahura sa lagay na 'to?"

Tila walang narinig si Rave at patuloy lang sa paglapit sa akin. Hindi ko namalayan na umaatras na pala ako hanggang sa mabangga na ang likod ko sa divider at patungan ng TV.

"Ay tipaklong na buntis!" sigaw ko at napapikit.

Hinarang ni Rave ang dalawa niyang kamay at ipinatong ang mga ito sa divider, habang walang emosyon na nakatunghay sa akin.

"You're really something, huh? After all you did, may gana ka pang sabihin sa akin 'yan?" pabulong na tanong niya sa akin. May sinabi pa siya na hindi ko na maintindihan, na parang kinakausap pa niya ang sarili niya.

Savored (Victoria City Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon