Chapter 7

5 0 0
                                    

Nagkamali lang yata ako ng pandinig. Hindi naman niya sinabi iyon kanina, hindi ba?

Tama. Nagkamali lang ako.

Agad kong ipinilig ang aking ulo upang iwaksi ang aking isipan.

Nang imulat ko ang aking mata ay ang pigura ng seryosong mukha pa rin ni Rave ang nabungaran ko.

"P-po?"

"Do I really have to repeat myself?" Nahihimigan ko na ang pagkairita sa kanyang boses. "Just get out of here if you don't like working with me anymore!" Akma na siyang aalis sa harapan ko ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang ako mismo ang humarang sa kanyang dinaraanan.

Kinurot-kurot ko pa ang mga daliri ko sa kamay para maibsan ang pangangatog ko. Hindi naman ako ganito sa harapan ni Rave noon pero iba ang sitwasyon na iyon.

Ako na si Lena. At si Lena ay isang babae na gagawin ang lahat para lang kumita ng pera anuman ang mangyari. Kahit pa na iharap ako sa isang leon ay gagawin ko.

"S-Sir Earl..."

"What?" inis na tanong niya.

"Gusto ko pong magtrabaho. Pagbigyan n'yo po ulit ako. Ipapangako ko na hinding hindi ako gagawa ng anumang ikakagalit ninyo. Pramis po 'yan! Kailangan ko lang po talaga ng pera. Nakikiusap po ako..." Nanginginig man ang boses ngunit pinilit ko ang sarili na hindi humikbi sa kanyang harapan.

Narinig ko siyang napabuntong-hininga. "Is that the things you have?"

Napatango ako habang nakatungo sa aking maleta.

"Okay. Put that in the car."

"P-po? S-Sir..."

"I'm not going to stay here for good, Lena. Uuwi ako sa bahay ko. Doon mo ako pagsisilbihan. Hindi rito sa bahay na ito," pagpapaliwanag niya. "Sige na. Mauna ka na sa sasakyan. Heto ang susi. Ilagay mo na sa likod ang gamit mo," aniya sabay abot ng susi ng kotse niya.

Napayuko na lang ako at bumulong ng pasasalamat.

Nang makabiyahe kami ay panay naman ang tunog ng cellphone ni Rave. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa nagmamaneho siya o dahil sa ayaw niya talaga itong sagutin, pero sobrang seryoso ng mukha niya kahit sa madilim na sasakyan.

Nanatili na lang akong tahimik at sumandal sa may bintana. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Sa panaginip ko, nakita ko ang magandang ngiti ni Rave. Nararamdaman ko ang paghaplos niya sa pisngi ko. Ang tawa niyang nakakakiliti sa kalamnan ko. At ang mga tingin niyang nang-aarok ng kaibuturan ng aking kaluluwa. Lahat iyon ay tila isang mabilis na pelikula na dumaan sa akin.

Hanggang sa naimulat ko ang aking mga mata.

"Lena? We're here," ang sabi niya habang nakatunghay sa akin. Naaamoy ko ang kanyang hininga. Nasa harapan ko na pala si Rave. Sa malapitan. Seryoso ang kanyang mukha ang nabungaran ko.

Nang mapagtanto ang sitwasyon ay kaagad akong napabalikwas ng bangon dahilan para sumalpok ang ulo ko sa matigas na baga.

"Aw!" napahiyaw ako sa sakit at agad na hinilot ang aking noo.

Ganoon din si Rave na napaungol sa sakit. Nauntog ako sa kanya.

"S-sorry, Sir! Ang lapit kasi ng mukha ninyo, e!" pagrereklamo ko habang hinihilot ang nasaktan kong noo.

Ibinuka pa ni Rave ang kanyang bibig upang magsalita ngunit napabuntong-hininga na lang siya at mabilis akong iniwan.

Anong nangyari sa isang 'yun?

"Get out and unload the car!"

Napatalon ako sa sinabi niya at agad nang tumalima.

Pagkaharap ko sa bahay ay napa-wow ako.

Savored (Victoria City Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon