27 ( GOOD DEEDS )

76 15 2
                                    

Jaydee's Pov

Araw ng biyernes ngayon kung kaya'y maaga akong nagising para maghanda sa mga aktibidad na gagawin mamaya , mukhang matinding labanan ang magaganap kung kaya'y dapat lang na masigurado ko ang aking kalusugan at pangangatawan.

Mamaya na din nakatakdang araw upang ibigay sa amin ang aming uniporme na magagamit namin sa lunes ng buo.

"Madilim pa jaydee? Balak mo bang mag jogging ah?" Tanong naman sa akin ni Tiyo Berting gayung nagsasapatos na ako , tatakbo lamang ako ng iilang kilometro bago tuluyang bumalik sa bahay at mag asikaso sa pagpasok ko sa eskwela.

Natapos ko na din naman na mag init ng tubig at tsaka magluto ng ulam at magsaing kung kaya'y wala na akong aalalahanin pa sa aking pag uwi.

"Ah opo Tiyo , nang sa ganun ay magamit ko naman nang husto ang mga paa ko. Baka sakaling may pabilisan sa pagtakbo , edi lalamang hu ako sa pagkakataong iyun" mahabang katwiran ko marahil ay lamang ako sa kaalaman ngunit aminado ako na hindi ko kayang lamangan ang mga kakayahan ng bawat estudyante sa Golden Section.

Isang patunay na kaganapan ang nangyari sa major course ko nakaraan kung saan sobrang dehado ako at marahil ay nakaligtas man ako dahil sa tulong at kabaitan ni Maxine ay hindi naman maaari na magrely nalang ako sa kanya.

Alam ko naman na magkakalaban kami at nais niyang umangat din para maging Rank 1 kung kaya'y dapat lumaban ako ng patas kagaya ng iba. At itong kakayahan ko sa pagtakbo? Ito ang natatanging talento na kaya kong ipagmalaki sa lahat gayung alam kong magaling ako sa paraang ito at tsaka masaya ako habang ginagawa ito.

"Maraming salamat jaydee" tugon naman ni Tiyo saka hinawakan ako sa may bandang balikat na ikinapagtaka ko.

"Oum salamat para saan Tiyo? Ako nga hu ang dapat magpasalamat gayung kinupkop niyo po ako at pinag aral" nagtatakang tanong ko dito ngunit napailing siya saka nagsalitang muli.

"Maraming salamat dahil inayos mo ang buhay mo at palagi kang nagpupursige. Ipagpatuloy mo lamang yan at tiyak na makakarating ka sa nais mong patunguhan" pangangaral niya sa akin na ikinangiti ko na lamang , isang malaking bagay si Tiyo at ang mga motibasyon na ibinibigay niya sa akin sa mga nakakamit kong achievements sa buhay.

Kasi kung wala siya? Marahil ay hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon. Ni hindi ko nga maalala nag mga bagay bagay noong ako'y bata pa lang ngunit sa pamamagitan niya ay unti unti kong nabubuo ang sarili ko.

"Tiyo , pangako hu na tutulungan ko kayong makaahon sa kahirapan kapag nagtapos hu ako. Susuklian ko po ang kabaitan na ipinaramdam niyo sa akin" saad ko at bigla naman ako nitong niyakap  , kinapkap niya ang likod ko at ganun na din ang ginawa ko.

"O siya , mag iingat ka ah. Bumalik ka kaagad sa takdang oras gayung baka malate ka sa school mo" pagpapaalala niya sa akin nung kumalas siya sa pagkakayakap sa akin , napatango nalang din naman ako saka nginitian siya bago ako umalis ng bahay.

THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora