CHAPTER 2

32 1 2
                                    

@paging.paige
Nasa LRT na ako. Pasundo.

I sent him a message before putting my phone inside my bag. Pababa na rin ako ng V. Cruz station ng makita ko siyang naglalakad papunta sa station.


He's wearing his iconic shorts along with his hoodie and iconic pink Tommy Hilfiger cap and white shoes. He looks so hot while walking. Nasa loob din ng bulsa ang dalawang kamay nito at supladong naglalakad.


Kung titignan mo ay sobrang simple lang niya manamit at hindi halata sa kaniya na mayaman siya. Bumaba ako ng hagdan at sinalubong ito ng halik.


"Kanina ka pa?" He asked. Umiling ako at humawak sa braso niya para hatakin siya para maglakad papunta ng condo nito.


Pagdating namin sa condo niya ay agad kong nilapag ang bag ko sa kama at kinuha ang phone ko para i-check iyon. Nakita kong ni-like lang nito ang chat ko kanina.


As usual and typical Arrol Sebastian. Either he'll just seen or like my message. Tinago ko na lang ulit ang cellphone ko bago umupo sa higaan niya. He sat beside me and look at me intensely. I arch a brow at him that made him chuckle a bit. 


Sanay na siya sa pagiging maldita ko. For the couple of weeks na lagi kaming magkasama, lagi ko siyang nasusungitan. I love doing it to him. Para kasi siyang bata na pinagalitan ng nanay. Truth is, he's two years younger than me.


Hindi ko kailan man inisip na papatol ako sa mas bata sa akin. But this ain't relationship. We both satisfied our earthly needs. At doon lang 'yon. Walang sobra, walang kulang.


"Hanggang ngayon, 'di mo pa rin sinasabi pangalan mo," he suddenly said. We were both lying on his bed. Naked. 


"Kailangan ba 'yon?" I asked. "Okay nang Paige lang alam mo na pangalan ko," I added. Nagkibit balikat ito bago bumangon sa kama. Hinayaan ko na lang siyang magbihis at ako naman ay pinikit ang mata. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.


"Ba't 'di mo ako ginising?" Medyo inis kong tanong kay Sev. Tumayo lang ito at kinuha ang bottled water na galing sa Okada. Natawa naman ako do'n kasi lagi siyang may bottled water ng Okada rito sa condo niya.


"Sarap ng tulog mo eh. Ginising kita kanina, sinungitan mo lang ako." He said without looking at me. Nakaupo na siya ngayon sa gaming chair niya at nakaharap sa pc nito.


Nagulat pa akong suot ko na ang damit nito at may suot na rin akong panty. As far as I remember, nakatulog akong nakahubad.


"Did he?" I asked my inner self. I immediately shook my head because of that thought. He wouldn't do that to his fubu.



"Have you eaten already?" I asked. Bumangon na ako sa higaan niya. "Magluluto ako." I added. Umiling ito bilang sagot kaya tumango na lang ako at lumabas na ng kwarto nito.



I check his ref kung ano ang pwedeng maluto na madali lang. I decided to cook pork adobo instead. Iyon lang din naman ang meron siya rito. Hindi naman ito marunong magluto kaya ako na ang gumawa.



Tinawag ko lang siya ng matapos na ako magluto. We look like we're a couple base on our set up pero hindi. Ni hindi nga namin pinag-usapan kung ano ba kami. Palagi akong bumabalik dito para makipag sex sa kaniya. He never talked about it, so I didn't bring it up. Hindi ko nga alam kung exlusive ba kami na mag fubu or may kinikita siyang iba.

Lies Behind The MasqueradeWhere stories live. Discover now