CHAPTER 4

17 0 0
                                    

"Anong plano mo ngayong Christmas break?" Aliyah asked. Nakatambay kami ngayon sa Starbucks. Bakasyon na namin at may halos isang buwan din ang bakasyon namin.


"Dito lang ako," I answered.


"Di ka uuwi ng probinsya n'yo?" She asked again. Umiling na lang ako at uminom sa matcha drink ko.


"Hindi. Uuwi sila ate sa probinsya ng asawa niya eh. Maiiwan ako mag-isa sa pasko at bagong taon." I answered.


"Aguy! Ang lungkot naman ng first Christmas at New Year mo dito beh. Iyong ka-fubu mo ba?" She asked again.


"Uuwi din ng probinsya nila," I answered. Tumango na lang ito at kumain ng binili niyang double chocolate cake at humigop sa biniling kape. Hindi naman ako nagkakape kaya nag matcha lang ako at flat bread ngayon.


Naka off ako ngayon sa trabaho kaya inaya ko si Aliyah gumala at napadpad lang kami sa SM Manila. Plano ko sanang gumala ngayon habang wala pang trabaho. I took my phone out and opened my instagram.


Hinanap ko ang pangalan ni Seb kasi natabunan na ng mga nag c-chat sa akin. Dahil hindi naman kami laging nag-uusap talaga at kapag mag i-initiate ako ng conversation ay minsan ang tipid niya mag reply at minsan sini-seen lang din ako


@paging.paige

san ka? moa tayo.

uwi na kayo bukas diba.


I waited for couple of minutes before I receive a reply from him.


@seb.edu.ph

tara. hanap din ako airpods.


Halos mapunit naman ang labi ko sa nabasa kong reply niya. This will be the first time na lalabas kami. Minsan kasi kapag nagpaparinig ako, parang wala lang din sa kaniya. 



"May date kami," I said. Natawa naman si Aliyah sa sinabi ko.


"Delulu mo friend," she said. I just rolled my eyes at her. "Ingat lang baka umiyak ka diyan. Number 1 rule sa pakikipag fubu Paige, wag na wag kang ma a-attach. Ikaw ang talo sa huli." She added.


Napaisip naman ako doon at napatahimik sa sinabi nito. I know the rule, its the game that I can't lose. I can't let my guards down. Not after what happened to my last relationship.


Pero, not gonna lie. I feel different. Iba yong comfort niya, naibibigay niya kapag kasama ko siya. Something that I didn't feel sa ibang naka hook-up at naka fubu ko noon. I don't know, there's something in him that makes him different. 


Hindi ko alam kung na c-challenge lang ba ako dahil siya ang unang batang naka fubu ko at madami din akong walang alam sa kaniya. Madami kaming 'di alam sa isa't-isa at ang eager kong malaman kung ano ba talaga ang totoong pagkatao sa likod ng buhay niya na nakikipag fubu.


"I know! Di naman ako maf-fall sa kaniya. Ayaw ko ng bata!!" I said and laugh. Hindi naman siya tumawa at nagkibit balikat na lang. 

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Aug 23, 2023 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Lies Behind The MasqueradeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora