Nagising nalang ako sa lakas ng ulan. Hindi ko naman alam na bukas pala yung bintana habang natutulog ako ngayun, nabasa na'rin pati yung curtain.

Pagkalabas ko sa kwarto agad bumungad sa'kin ang mukha ni Lily na halatang kanina pa'ko hinihintay. May sasabihin ata.

" Bat ngayon ka lang nagising?! Anong  oras na ah!" Bigla nyang sigaw sakin pagkalapit ko.

" I have a bad dream " Mahinahon kong sabi.

" Bad dream? Bakit napanaginipan mo nanaman ba na kumakain ka ng lamang loob ng tao?? " Gulat na sabi nya.

Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit ko madalas mapanaginipan yun. Simula pa lang ng bata ako madalas ko nang napapanaginipan yung mga ganoong bagay, kumakain ako ng katawan ng tao na parang sarap na sarap ako dito.

" Hindi naman sya ganun kalala hindi nung nakaraan, hawak hawak ko lang naman yung ulo mo! " Pabiro kong sabi kay Lily halata kaseng diring diri sya.

" Nako, luna ha!! Sinasabi ko sayo, simula bata pa lang tayo ako na nag alaga sayo! Kapag wala si tita ako nagbabantay sayo kahit takot na takot ako dahil sa mga kwenekwento mo sakin!" Takot na sabi nya.

" Joke lang, teka may sasabihin ka ata? Ano ba yun?" Pag iiba ko nang usapan. Bigla naman nagbago ang itsura nya, mukhang napalitan ng saya.

" Ayy ito na nga buti na itanong mo, nakalimutan ko e." Halatang excited na excited sya kaya nagka interest ako na malaman yun.

" Nag aaya na sila!! Sabi ni Kai kung papayag ka daw lilibutin daw natin yung Mysterious  Forest dun sa Baguio City, tinawagan nya'ko kanina, mag impake na daw tayo ng mga damit na dadalhin natin kase matatagalan tayu dun libre nya daw pati yung mga kakainin natin ang dadalhin nalang natin yung mga kakailanganin natin tapos sya na daw bahala sa lahat, gastos nya na"  Sunod na sunod na sabi nya na halos Hindi ko maintindihan sa sobrang bilis ng pananalita nya. Ano daw lilibutin yung Mysterious Forest??? Antanga naman ata nung nag suggest nun!

" Alam ba nila kung gaano kadelikado yung Forest na yun?! Gaga ka! Kaya nga tinawag na Mysterious Forest yun kase lahat ng pumapasok dun hindi na nakakalabas!!" Sigaw ko ang aga aga pinapa init ulo ko.

" Sige na luna, please" pag mamaka awa nya sa'kin.  " Ayaw ko pang mamatay gaga!! Andami ko pang pangarap ano!! " Pag papaliwanag ko.

Oo sa totoo lang antaas ng pangarap ko noh, tapos sisirain nya lang ng dahil sa maling pag dedesisyon ng kaibigan ko? Wtf.  At the end pumayag na rin ako kase hindi pa naman siya nakakapunta ng Baguio, ngayun palang kung sakaling matuloy kami.

Sa totoo lang hindi ko talaga gusto ang lugar na yun, napag aralan na namin yun nun nung nag aaral palang ako.

Bigla ko tuloy naalala ang sinabi samin ng teacher namin nun habang nagbibihis ako. Ang Forest daw na yun ay punong puno ng mysteryo, so kahit sino walang may alam kung ano Ang meron sa loob ng gubat na yun.

Na curious tuloy ako.

ITUTULOY.....

SavagenessWhere stories live. Discover now