Lily's Point of View

Hindi ko naman sinasadyang pagbintangan siya, kahit sino naman siguro magtataka hindi ba? Pero nagsorry naman na ako sa kanya kase napatunayan niya saken na wala talaga siyang kasalanan.

Pag balik namin kanina galing sa batis nadatnan naming nagsasalita sa harap si Kai.

"Simula ngayun Wala ng aalis ng mag isa...mamaya aalis narin tayo....G-guys nawawala tayo ngayon kaya double ang ingat natin... At...at yung dugo kanina.... mahahanap din natin si Yuna at yung hayop na may gawa nun!." Sunod sunod na sabi ni Kai. Lahat kami sumang ayon dun para sa kaligtasan naming lahat. Pati si Luna sumang ayon rin.

Papasok palang ako sa tent kanina napapansin ko na tulala na siya. Ang laki din ng pagtataka ko kase...kaninag umaga ang aga niya magising e hindi naman yun ganun lagi kaya yun nahuhuli magising. Kaya labis nalang ang pagtataka ko pero hinayaan ko nalang.

Hapon na yun, at mag gagabi palang nagsipasok na kami at halos mga gamit nalang namin ang iniwan namin sa labas. Katabi ko si Lorraine at kia katabi namn ni Lorraine si Luna.

Masarap ang tulog ko nun, kase tulog narin sila, maya maya may nararamdaman akong may humihila hila, yakap yakap ko si Lorraine dahil wala akong unan na kayakap. Ramdam kong may kung ano ang humahawak sa kanya kaya minulat ko ang mata ko.

Nagulat ako at nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko si Luna, hinahawakan niya si Lorraine. Natauhan nalang ako ng biglang sumigaw si Lorraine.

"WHAAHH!!!!."

"LUNA!!! ANO BA! A-ANO BANG GINAGAWA MO!!?." sigaw ko sa kanya, hindi nya'ko nakikilala pero normal lang naman ang itsura niya medyo iba lang ang kinikilos niya na parang nawawala siya sa sarili.

Nagising rin si kia dahil sa lakas ng sigaw ni Lorraine may hiwa ito sa kamay gawa ng kalmot ni Luna. Narinig ko rin na nagising ang iba pa naming kasama at papunta na ngayun  sa loob ng tent namin.

" Anong nangyari!? Shit! Luna anong ginagawa mo!?." Gulat na salubong ni Matt hindi siya makapaniwala. Yung iba din napa atras sa nangyari. Nag iiba ang kulay ng mata ni Luna, kitang kita namin yun.

" Baka siya ang kumuha kay Yuna." Sabi nung babaeng maliit. Impossible yun katabi siya ni Lorraine nung oras na nangyari yun kina Yuna.

" Impossible, wag mo nga siyang pagbintangan." Asar na Sabi ko sa kanya. "Pano mo nasabi na hindi siya yu-." Tinigil ko ang sasabihin niya nakakapikon. " Baliw kaba!? Ha!? Katabi siya ni Lorraine nung araw na yun kaya impossible na siya ang may gawa."  Totoo naman ang sinasabi ko, wala siyang kinalaman sa pag kawala ni Yuna, kaya wala siyang karapatan na pagbintangan si Luna.

" Luna!!."

Natauhan nalang ako ng nakita ko na tumakbo si luna sa kung saan. Gabi ngayun, saan siya pupunta?
Pansin ko na nagtatalo na ang iba dahil sa nangyari. Nilapitan ko si Lorraine at sabi niya okay lang naman daw siya at hiwa lang naman iyon.
Mas kinakabahan pa siya kung ano ang mangyayari kay Luna.
Saan siya pumunta? Anong nangyari sa kanya? Bakit siya nagkaka ganun?

Lahat kami hindi makatulog, iniisip namin kung ano ba ang nangyari kanina at bakit nag kaganun nalang bigla siya. Napansin ko na parang iba ang tingin sakin nitong Suga, nakatitig siya at parang malalim ang iniisip. Hindi ko mabasa kung ano yun.

Ang iba nag uusap usap habang ako kumukuha ng kunting tulog, nagsama sama kami sa iisang tent para mabantayan ang lahat. At sa tingin ko ganun na rin ang ginawa ng iba, nagpahinga narin sila dahil malalim na ang gabi at bukas hahanapin namin si Luna.

Luna's Point of View


Habol habol ko ang hininga ko, nangangatog ang mga tuhod na sa kahit anong oras pwede akong mawalan ng malay. Takbo ako ng takbo hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, sa mga sandali ngayun sa tingin ko ako nalang mag isa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SavagenessWhere stories live. Discover now