"Gago sino yun!??"

Nagulat kaming lahat sa nangyari pati si alexis at Lily nagising din dahil sa lakas nun. Lahat kami napaisip kung san galing yun. Boses babae. Teka si yuna.

" Ano yun?!" Sabi ni Suga.

" Pamilyar yung boses! Gago! Si Yuna!!." Sabi ni Alexis na halatang gulat na gulat. Nataranta kaming lahat, baka kung ano na nangyari sa kanila Sabi nila maghahanap lang daw sila ng Internet.

" Diba kasama niya sila Dane!? " Sabi ko sa nag aalalang boses. May tumatakbong lalaki ramdam namin yun kaya napalingon kami sa isang lalaking tumatakbo papalapit samin.

" Guys!...." Hingal na hingal na sabi niya. Napaluhod ito at hinahabol ang hininga niya. " Matt asan si Dane at si Yuna!? Ano nangyari sa inyo!? San ba kayo pumun- " sunod na sunod na tanong ni alexis pinsan niya si Yuna. At halata sa boses niya na nanginginig ito at kinakabahan.

" Bigyan nyo muna kaya ng tubig para makapag salita, teka ano bang nangyari!? Sabi nung Harry.

Tumayo si Matt at tumitig samin isa isa niya kami tinignan at humugot siya ng hininga. " Si Dane kase kasama niya si Yuna, ako naman- "

" Teka! Ano!? Kasama ni Dane si Yuna!? Tapos?" Biglang putol ni Alexis.

" Teka pre patapusin mo muna ako ha!" Asar na Sabi ni Matt. Lahat kami atat na marining ang sasabihin niya.
" Yun na nga magkasama sila, ako naman humiwalay saglit sabi ko sa kanila iihi lang ako tapos mamaya pagbalik ko nakadapa na si Dane at hawak hawak niya yung kamay ni Yuna-

" Ano!? Sinasabi mo bang ginagahasa-" si Alexis.

Nagulat kaming lahat dun. Ginagahasa e magkaibigan ang dalawang yun. Bat naman gagawin ni Dane yun kay Yuna. Impossible. Lahat nagulat sa sinabi ni Matt, lalo na yung sa sinabi ni Alexis.

" Gago hindi!" Biglang sabi ni Matt kaya naputol ang sinabi ni Alexis.
" Hinihila niya yung kamay ni Yuna... Kase may kung anong nilalang na himihila kay Yuna!! Tinutulungan siya ni Dane... Ako naman nataranta kaya diko alam gagawin ko sinigawan ako ni Dane na humingi nang tulong sa inyo kaya tumakbo ako kaagad. Tapos ayun habang tumatakbo ako bigla ko nalang narinig yung sigaw na yun." Sunod sunod na paliwanag niya samin, naiiyak na siya.

Lahat kami nagulat. Hindi kami makapagsalita. Bigla nalang tumakbo si Alexis at Matt sa kung saan lahat kami sumunod hanggang sa naabutan namin si Dane na nakaluhod at Umiiyak.

" Dane! Asan si Yuna!? " Si Alexis na hawak hawak niya si Dane sa damit at hinihila hila ito. Bakas sa mukha ni Dane ang hindi makapaniwalang pangyayari. " Si...si-si Yuna.." Bumagsak na ang luha sa mata niya halatang kanina niya pa pinipigilan nakatulala lang ito habang binabanggit ang pangalan ni Yuna.

Lahat kami hindi makapaniwala. Umiiyak si Lorraine at Lily, pinipigilan ko rin ang iyak ko. Si Matt naman pinapakalma yung iba.

Nasa tabi ko si Suga at pinapakalma din ako pero hindi ko magawang lingunin siya.

" Nakita mo ba kung ano yun?." Panimula ni Alexis, pagkatapos naming kumalma lahat.

Nahimasmasan narin si Dane pero halata parin ang luha sa mga mata niya. " Hindi ko siya nailigtas...." Napayuko ito at humagulgol. Linapitan ko siya at pinatahan. " Hindi ko nakita yung mukha niya... P-pero malakas siya...sa-sabi ni Yuna ramdam niya daw na tao yun at hindi halimaw..pero matutulis daw ang kuko at bumabaon daw sa paa niya...s-sabi niya sakin..malakas daw yun kaya kinukumbense niya'ko na bitawan ko siya... Hindi ko siya binitawan agad pero hinila siya bigla kaya dun ko na siya tuluyang nabitawan...." Humagulgol ito.

Gabi na kaya naisipan naming matulog lahat kami pinagdikit dikit ang mga tent baka kung sakaling may mangyaring hindi maganda. Lahat kami nagdesisyon na kahit isa ay walang lalabas ng gabi para sa kaligtasan naming lahat.

SavagenessWhere stories live. Discover now