" Luna, hi ngayun lang ulit kita nakita, lalo kang gumanda ah! How are you now?? " Salubong sakin ni Kai.

" I'm okay, actually... I.... I'm not agree sa decision nyo na mag aya dun sa- ". Naputol ko ang sasabihin ko ng nagtanong sya.

" What?! Why??! Ayaw mo ba Sumama? Sayang naman kung- "  Halata namang pinipilit nya'ko ayun sa itsura nya. Sasama ako noh Hindi ko pwedeng hayaan yung kaibigan ko na mag isa sumama sa inyo! Baka ano pa mangyari sa kanya. Siya nalang ang pamilya ko.

" No, sasama ako.... Naka impake na nga ako e, " sabay ngiti sa kanya.

Hindi ko alam kung anong oras na kami nagbabyahe pero maggagabi na kaya naisipan ko muna matulog.

Moona.....babalik kana... Hihintayin kita.....

Nagising ako sa hampas ni kia sakin. " " Tsngina, shit ansakit nun! " Sigaw ko napa awang nalang ang bibig ko sa sobrang sakit nun.

" Ay wow ang prinsesa ansarap ng tulog, Ano?! Kung tulungan mo kaya kami magbuhat ng maleta dito hindi yung patulog tulog ka dyan?!! " Sigaw ni Lily sakin habang pababa ng Van.

" Pasensya na..." Tangina nakakahiya naman naka tingin silang lahat sakin e Hindi ko pa naman kilala yung mga iba.

" Dito oh! Ito yung tutulugan muna natin, ipasok nyo nalang yung mga maleta sa loob tapos magpahinga na tayo... Bukas nalang tayo pupunta dun."  Sabi ni Kai.

Iniwan na namin yung mga gamit sa labas para bukas at ako katabi ko si Lily, Lorraine, kia at si yuna sa iisang kwarto. Malaki kase ito at kasyang kasya ang pitong tao.

Ok naman yung bahay na inupahan ni kai para sa aming labing lima kasya kaming lahat dun kase marami naman kwarto. Mukhang modern style lang yung bahay, maganda sa labas pero pagdating sa loob napakalamig, wala namang aircon.

Maaga narin kaming natulog nun kase bukas ng umaga pagkatapos ng breakfast namin, e pupunta na kami dun sa Forest. Excited at kaba ang bumabalot sakin, hindi ko alam kung bakit. Kung titignan ko ang mga kasama namin kanina sa Byahe excited na excited sila parang ako lang ata tong KJ at kinakabahan pumunta dun sa gubat.

" Good Morning, tara kain na tayo " Sabi ni kai habang naka ngiti. Kumain ako ng marami kase marami naman yung binili ni kai na pagkain para daw mamaya walang magugutom. Pag katapos nun nagligpit na kami at naghanda na para Mamaya.

" Sige... Pakidala narin yung mga damit na kakailanganin natin para mamaya, oh shai dalhin mo na tong bag magaan lang yan" sabi ni Matthew dun sa isang babaeng hanggang kilikili lang yung buhok. Ah so shai pala ang name ni ate ha.

Siguro 15 min lang ang byahe namin dun mula sa inupahan naming bahay hanggang dito sa Forest. Walang katao tao at yung forest mukhang nakakatakot pasukin, nasa loob palang kami ng Van, kitang kita na yung Forest may mga nakalagay dito na sign na bawal daw pumasok at may gate din ito pero bukas, halatang luma na yung gate at sira sira narin ito.

Lumabas na kami ng van at dala dala ko yung ibang kailangan namin.

" Wow... Nakakatakot nga ang gubat na toh grabe" sabi nung isang lalaking may hawak na camera halatang anak mayaman toh pre naka Balenciaga shoes siya at simple lang yung suutan pero halatang branded yun, naka gray shirt sya at naka suot ng jacket na color dark green. Pogi sya.

" Huyy, tingin tingin mo dyan? Type mo noh? "  Bulong sakin ni yuna. Isa sya sa mga matalik na kaibigan ko grade 10 palang ako. " Sino? Hindi ah..." Pag iwas ko ng tingin sa kanya habang naka ngiti sya saken parang tanga ang gaga. Tinuon ko nalang tuloy ang tingin ko dun sa gubat.

Ilang minuto narin nakatayo parin kami dito. Ano toh?!! Tititigan nalang yung gubat na parang mga zombies na nakatayo dito at pinag iisipan kung papasukin ba namin yung gubat na yan.

SavagenessWhere stories live. Discover now