10th

635 25 5
                                    

"What the fuck are you doing, Jade?!"


Umalingawngaw ang boses niya sa kabilang linya, as I could hear him from my earpiece. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit nanggagalaiti siya sa galit. I almost failed my mission of assassinating the five uppers of this group, plus their asshole messenger. But I can feel no regret about doing so.


"I can't help it okay? I already handled it, tuloy pa rin ang mission." Mariin na sabi ko sa mahinang boses while staring at Thara who's in deep sleep. She must gain her energy back and wake up later. Hindi ko nga alam kung dapat ba talagang isama siya, pero makakahalata siya kapag sinabi kong huwag na siyang sumama sa gagawin mamaya.


"Fuck you! I told you to focus! Wala akong sinabi na makialam ka sa kung anong nangyayari sa babaeng 'yan! Sino ba 'yan ha? Mas importante pa ba 'yan na handa kang ilagay sa alanganin ang mission mo?! Matalino ka! Bakit pagdating ata d'yan sa babaeng 'yan nawawala ang utak mo! I am giving you a warning. Isang galaw mo pa na wala sa plano natin, magpapadala ako ng panibago d'yan and you're out of that mission! I am sending Caliber. He's going to watch you kaya tumino ka." with that, he ended the call. Marahas kong naalis iyon sa tenga ko at mariing ibinato sa kama.


Hindi ko naman kasi inaasahan na nandito si Thara. Hindi ko rin inaasahan na alam niya ang ganitong mundo. The first time I saw her, she looked like someone rigtheous. She's a bit sneaky, and her eyes were so secretive and masked, but I can't see signs that she can be involved in this kind of life. And I can't help but save her. There is something with her; dahilan para hindi ko siya magawang pabayaan at magpanggap akong bingi at walang alam. Alam kong kahit ibang babae 'yon ay tutulungan ko pa rin, but I won't risk that much just to make sure she's really safe. I cannot lay my badge for her—but not Thara. Just not her. I don't know why. But I think I am willing to risk even my name for her at ayokong mapunta sa puntong iyon. Ayoko umabot sa punto that I would choose her even over my purpose. . . but why do I feel so heavy thinking I won't choose her?


Simula pa lang noong una ko siyang beses makita ay iba na ang pakiramdam ko. There is something with her I cannot point out.


"Boss, ganda niya 'no? Girlfriend mo?" I looked up at Kayvon, he's chewing a gum right now habang tinitingnan si Thara na wala pa ring malay. Ngumisi pa siya tila inaasar ako, kaya kinapa ko ang baril ko, mabilis ko iyong kinasa at itinutok sa kaniya at blanko siyang tiningnan making him know na hindi ako nangingiming pasabugin ang ulo niya.


"T-teka boss, ito naman! Masyadong mainit ang ulo. G-gusto ko lang naman malaman kung jowa mo si Ana, bagay kasi kayo." he laughed nervously. I didn't give him any answer, at ibinalik sa likod ko ang baril.


"Nalinis niyo na ba ang pinapalinis ko?" mabilis siyang tumango. Tila kapag hindi siya agad sumagot ay hahandusay siya sa sahig.


"Paano kapag nakarating sa mas mataas na grupo ang pagkawala ng mga boss dito, boss? Tiyak, masisira ang mission natin." I gritted my teeth as I stared at Thara. Muntik na talaga kaming sumabit. Napahaplos pa ako sa batok ko. "Hindi, nagawan na iyon ni Caliber ng paraan."


"Paano? Eh, 'di ba matagal tagal nang hindi natin nac-contact si Boss Cali?"


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lawyer's Dangerous Lover (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon