32 ( CONFUSED )

72 14 1
                                    

Francese Pov

"Anong namamagitan sa inyo nung kaklase mo ah? Nakita ko kayong dalawa sa 7/11 , mukhang masayang masaya ka na kasama siya ah?"  Wika sa akin ni Duke at tsaka humihigpit na ang pagkakahawak nito sa akin.

"Bitawan mo ako Duke! Pwede ba ah? Pagod ako kaya please lang , lubayan mo ako!" Inis na turan ko dito saka hinawi ang kanyang kamay na nakahawak sa akin.

"You're unbelievable! Pati si Xinn na kababata mo , kinakalaban mo na din?" Wika niyang ulit sa akin na ikinakunot ng noohan ko.

"Wala akong kilalang Xinn , Kaya pwede ba duke? Manahimik ka nalang and stop meddling on my business? For pete sake!" Malakas na sigaw ko sa kanya na dahilan upang lumabas ang iilan naming mga kasambahay dahil sa tunog na nalikha ko.

"Galit ka pa din ba dahil sa nangyari ah? Hindi kana bata Therese!"  Sambit niyang muli noong tumalikod na ako at akmang maglalakad papasok ng bahay.

"Hindi kana din bata Duke para maging ganito ka childish! Hinahayaan kita sa mga gusto mong gawin kaya hayaan mo din ako sa nais kong gawin" huling sabi ko dito saka pumasok na sa loob , marami akong alam na baho niya ngunit hindi ko iyun nilalantad gayung kapatid ko siya at iniingat ingatan ko din siya kahit papaano.

Pero kapag may ginawa siya na hindi kanais nais and against sa kagustuhan ko ay doon niya matitikman ang galit ko na kahit sinuman ay hindi kayang pigilan.

"Good Evening Anak! Ginabi kana? Okay ka lang ba ah? Oum tara kain na tayo" bungad sa akin ni Daddy , humalik naman ako sa kanya sa pisnge at pagkatapos nun ay nagmano na ako sa kanya.

"Oum Dad , I'm sorry at hinintay niyo pa akong makadating bago kumain. I'm tired na po kasi kaya I just want to rest na on my room" paghingi ko ng dispensa sa kanya , napatango naman si Dad sa akin saka hinawakan ang bandang noohan ko.

"It's okay , you can rest na. Sabihan ko nalang si Manang na akyatan ka ng milk bago ka matulog okay?" Saad niya naman saka napatango na din ako at naglakad na sa taas , Si mommy ay nagtungo sa banyo kung kaya'y hindi ko na siya nabati pa.

Maaga aga pa ang pasok ko bukas kung kaya'y kailangan kong bawiin ang tulog ko ngayon. Nang makapasok na ako sa room ay isang malawak na ngiti naman ang biglang gumuhit sa aking labi , naalala ko kasi ang kaganapan kanina.

Napahawak na lamang ako sa aking dibdiban gayung kay lakas lakas ng pagtibok nito dahil sa labis na kasiyahan.



+++

Jaydee's Pov

Kakarating ko lamang sa bahay at saktong bumungad sa akin si Tiyo na may hawak na bote ng alak , mukhang malungkot siya kung kaya'y hindi ko maiwasang hindi mag alala.

"Magandang Gabi Tiyo" bati ko dito saka nagmano sa kanya , napangiti naman siya nang mapait dahil doon.

"Oh ginabi kana ah? Nahirapan ka ba sa pagsakay ng jeep Jaydee?" Tanong niya naman sa akin , napailing naman ako saka tinanggal na yung sapatos ko at inilagay sa may gilidan ng bahay.

"Hindi naman po Tiyo , may sinamahan lang po ako na kaibigan sa school kaya ginabi hu ako. Kumain na po ba kayo?" Tanong ko naman pabalik sa kanya at napatango na lamang siya , himala din at mukhang maagang nagsitulog ang mga tao dito sa bahay.

"May problema po ba Tiyo? Mukhang may bumabagabag sa iyong isipan?" Halata naman kasi sa kanya na may malalim siyang iniisip sa ngayon.

"Oum wala naman akong problema Jaydee , sadyang gusto ko lamang mag inom dahil sa sobrang pagod at naiisip ko ngayon na kakarampot lamang ang aking sinusweldo kaya laging kapos" turan niya saka nilagok ang alak na kanyang hawak , mahahalataan ko din sa kanyang kilos ang pag nginig ng kanyang mga kamay at maging ang kanyang paa.

"O siya wag mo na akong alalahanin pa at magbihis kana doon at kumain ng hapunan. Hindi ka na namin naantay sapagkat nagugutom na ang Tiya mo" mahabang dagdag niya pa sa akin , napatango na lamang ako saka tinapik ang kanyang balikat nang sa ganun ay maramdaman niya na hindi siya nag iisa sa mundong ito.

"Siya nga pala Tiyo.." hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko gayung mukhang hindi ata ito ang tamang oras para sabihin na kailangan naming lumipat ng dorm sa lunes.

Nakakalungkot man na lisanin ang bahay na ito ngunit makakabuti din siguro iyun nang sa ganun ay makatipig ako sa pamasahe at makapagbigay ako kay Tiyo ng pera kapag nakuha ko na ang weekly allowance ko.

"Ano yun jaydee?" Wika niya saka napatingin sa akin na mapungay na ang kanyang mga mata.

"Ah wala po , pasok nalang po kayo kapag tapos na kayo dyan. Wag na po kayo magdagdag pa ng alak na iinumin gayung maaga pa ang pasok niyo bukas" pagpapaalala ko sa kanya at napangiti naman ito sa akin saka sinenyasan na ako na pumasok na sa loob ng bahay.

Nagtungo na ako sa may kwarto ko at tsaka kinuha ang aking tuwalya gayung maliligo muna ako , nabasa din kasi ako ng ulan kanina kung kaya'y para maiwasan ang sakit ay kailangan kong maligo.

Pagpasok ko sa banyo ay dali dali na akong nagbuhos ng tubig at tsaka naligo nang mabilisan sapagkat sobrang lamig ng tubig. Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko na yung libro ko saka nagbasa na muna ng mga iilang notes ko lalo na sa major course gayung nangangapa talaga ako sa mga diskusyon doon.

Iilang minuto ang lumipas ay nakaramdam din ako ng antok kung kaya'y isinarado ko na yung libro at tsaka nahiga na lamang sa aking kama. Habang nakahiga ay napatitig na lamang ako sa may kisame at hindi ko maiwasang hindi maisip ang naging kaganapan kanina , masaya ang puso ko at aminado ako doon.

May kakaibang nararamdaman talaga ako na hindi ko mapigilan sa tuwing nandyan sa paligid ko si Francese , sana lamang at magtuloy tuloy at tsaka makilala ko pa siya nang lubusan gayung may namumuong interes na ako sa kanya.

Kay saya din na malaman kahit papaano ang mga bagay bagay na bumubuo sa pagkatao niya , mukha man siyang laging galit ngunit sa tingin ko ay defense mechanism niya lamang iyun nang sa ganun ay hindi siya abusuhin ng mga taong nasa paligid niya.

Napabuntong hininga na lamang ako saka iginilid ang aking katawan at tsaka ipinikit na ang aking mga mata , alas 8 pa naman ang pasok ko bukas ngunit kailangan ko pa din na magising ng maaga dahil sa pag aasikaso ko sa bahay. At kailangan handa din ako gayung dalawang activities ang kailangan ko pang harapin bukas , sana lamang ay palarin ako na manalo nang sa ganun ay mamaintain ko ang spot ko sa rank 1.









Short ud muna. Bawi nalang tom. Magsusulat palang kasi ako ngayon hihihi

THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)Where stories live. Discover now