06

288 7 0
                                    

Paggising ko halos mabiyak ang ulo ko sa sakit. Napansin kong naka-wig at naka-make up pa rin ako. Hindi pa rin ako nakabihis.

Pinilit kong tumayo para tignan ang oras sa phone ko.

8:27 am. Bumangon ako at nagpunta sa banyo. Naligo ako at nagbabad ng ilang saglit sa bath tub. Kahit nakapikit ako, nakikita ko ang litratong nakita ko sa lounge area.

Baka nagmakamali ako.

Hindi siguro to sa kanya.

Hindi 'to pwedeng maging kanya.

Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko. Na hindi kay Ion 'yon.

Pagkatapos kong magbabad at maligo ay nagbihis na ako. Paglabas ng kwarto ay saktong nagring ang phone ko.

Si Erna.

[Bakit? Ang aga aga, ikaw agad tatawag sa akin.] pagbibiro ko nang sagutin ang tawag.

[May live ka today Ma, tiktok live.] natigilan ako saglit at inalala ang mga schedule ko.

[Ay oo. Buti pinaalala mo!]

[Ma, siyempre P.A ako!]

Nagkwentuhan kami ng ilang saglit bago ako natapos sa ritwal ko. Pagbaba ko ay hinanap ko agad si Ion pero walang bakas ng Ion sa bahay.

"Ate, maagang umalis si Kuya. May pupuntahan daw." sabi ng isang angels ko sa bahay.

Tumango ako bago lumabas at sumakay sa van.

Pagdating sa ABS ay inayusan agad nila ako.

"Ma, after showtime may meeting ka with the bosses para sa GGV comeback. Tapos pagkatapos non, another meeting with Vice Cosmetics and then Tiktok live." mahabang litanya ni Erna.

Nagthumbs-up lang ako habang sumisipsip sa kapeng binilo nila. I need this para may energy.

"Vicey!" tawag ni Karylle nang makapasok sa dressing room ko. "Oh, hindi ko na yata napapansin si Ion lately ah."

Napatingin ako sa kanya at sa mga bakla na mukhang nagtataka na rin.

"Hindi ba siya papasok ngayon?" tanong ni Karylle.

"Hindi, umuwi siya ng Tarlac." sagot ko. "May kailangan ka ba?"

"May inorder si Jhong na pagkain for us, sabay na tayo." sabi niya at naupo sa sofa malapit sa akin.

"Ay, malapi na 'to Ate K. Wait mo lang." si Buern habang inaayos ng kaunti ang wig ko.

Nang matapos kami ay sabay na kami ni Karylle naglakad papunta sa pantry.

"K, may tanong ako." bumagal naman ang paglalakad niya at hinarap ako.

"Ano 'yun?"

"Paano manlamig si Yael sa'yo?" nagsalubong ang kilay niya sa tanong ko. "I mean, kapag na feel mong may nagbabago na sa kanya."

"Hindi niya 'ko kinakausap. Hindi siya nagpapakita sa akin. Maraming paraan kung paano manlamig ang partner, Vicey. Baka need niyo ng more and more communication para malinawan kayo." sagot niya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makapasok sa loob. Nagulat ako nang makita si Ion. Nakikipagtawanan siya kay Vhong at Ryan.

"Oh, akala ko nasa Tarlac si Ion?" nagtatakang tanong ni K at nakuha ang atensyon ng lahat.

Lumingon si Ion at nawala ang ngiti niya na ipinagtaka ko.

"Sabi ni Vice, nasa Tarlac ka!" lumapit si K at bumeso sa kanya.

It's not all about the SPARK [UNEDITED]Where stories live. Discover now