EPILOGUE

431 6 1
                                    



Longest Chapter, I guess?

Anyway, HAPPY READING!!!





Nasa kalagitnaan kami ng show ng TNT. Wala namang tigil sa pagbanat ng jokes si Misis. Minsan nga nagkakapisikasalan pa sila nila Kuya Jhong at Vhong pero sanay na rin ako. Kahit na minsan naawa ako sa ginagawa nila kay betla pero, wala eh parte ng trabaho nila 'yun- magpasaya.

Kahit na alam kong bawal ang cellphone sa trabaho, pinilit ko pa rin basahin ang text ni Nanay Zenny.

From: Nanay

Noi, kailan ka makakauwi dito? Si Leah, 'yung anak-anakan mo kasi- mukhang may nobyo na ang batang 'yon.

Ilang segundo bago ako nagtype ng reply ko para kay Nanay. Sinabi ko na tutukan at bantayan ng mabuti si Leah- dahil sa amin na siya umuuwi.

Sampung taon na sa charity works ko si Leah, isa siya sa mga batang natulungan ko dahil sa mga raket namin ng barkada. Wala ng magulang o kamag-anak kaya naman kinausap ako ni Nanay na sa amin na nga lang patuluyin.

"Ion! Busy ka ba?" pagtawag ni Kuya Vhong.

Napatingin ako sa gawi nila habang hawak ang phone ko at umiling. Tinapat ko ang mic sa bibig ko at wala pa ngang sinasabi ay hiyaw naman agad ang mga madlang pipol.

"Hindi naman, bakit Kuya? Inaaway niyo na naman 'yang asawa ko." sagot ko at tugtog naman agad si DJ MOD kasabay ng hiyawan at sigawan ng madlang pipol pati na ang mga hurado at ibang hosts.

"Inaaway nila 'ko babe!" pinaliit naman ni betla ang boses niya.

"Hayaan mo na babe, mga Kuya ko sila eh."

Humagalpak naman ng tawa ang mga tao at nagpatuloy lang sila sa biruan. Binalik ko naman ang atensyon ko sa phone at nagtext kay Nanay.

Naglalakad lang ako sa hallway papunta sa dressing room ni Betla. Sumisipol pa ako at nakatanggap ulit ng text mula kay Nanay.

From: Nanay

Noi, pagsabihan mo naman si Leah, ginagabi na umuwi.

Napakamot-batok ako at nagreply kay Nanay na 'wag na masyadong mag-alala. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa tapat ng dressing room.

Nang buksan ko ang pinto ay nahuli ko pa ang last pose niya. Nakita ko naman agad ang jacket ko na nasa sofa at kinuha 'yon. Napansin ko din ang paglapit niya kaya tumayo ako ng maayos.

"Aalis na muna 'ko. May training ako ngayon eh."

"Alam mo na, vroom vroom." umakto pa akong may pinipihit na manibela ng motor.

Nagvibrate ang phone ko at alam kong may isang text na naman kaya nagmadali akong umalis at tinapik ang braso ni betla.

Paalis na sana ako nang makalimutan kong humalik kay Misis. Alam ko magtatampo 'yun. Bumalik naman ako at nakita siyang may dinial na number. Napangiti naman siya nang makita ako. Siyempre hinalikan ko siya katulad lang ng dati.

"Pahinga ka pag-uwi mo. Huwag mo na 'ko hintayin."

Nagmadali akong umalis at dumiretso sa training place namin. Nagmotor lang ako ng paulit-ulit hanggang sa napagod ako. Hindi ko alam bakit parang pakiramdam ko pagod ako na hindi.

Nagpaalam ako sa mga kasama ko sa training center at umuwi na rin agad. Bumili pa ako ng watermelon na prutas para makain ni Misis kaso pagdating ko ang himbing ng tulog niya. Humihilik pa nga eh.

It's not all about the SPARK [UNEDITED]Where stories live. Discover now