14

296 5 0
                                    

Matapos kong malaman at marinig lahat ng sinabi ni Leah at Nanay Zenny, ilang gabi akong hindi nakatulog. Hindi din ako makakain ng maayos at makapagtrabaho ng matino. Madalas akong napapatawag ng mga bosses dahil hindi ako masigla o maligalig sa harap ng camera.

Just like now.

"What on earth is wrong with you, Vice?! Nakakatulog ka pa ba?" halos sabunutan na ni Ma'am Charo ang sarili niya habang nakatalikod sa akin. Nakaharap siya sa cabinet na puno ng mga trophy.

Nakayuko lang ako dahil na din sa kahihiyan. I didn't mean to ruin the show- well, almost. I almost ruined it kung hindi lang ako sinasalo nina Jhong at ng ibang co hosts. Kahit sila nagtataka rin sa mga kinikilos ko.

"I'm not mad, okay?" humarap sa akin si Ma'am Charo kaya inangat ko ang tingin ko sa kanya. "I- I just want to know if, you're still okay. I know, what happened to you and Ion is really painful and devastating but, you know of all people- hindi pinapasok ang problema sa trabaho."

"S-sorry po. I'll do well na lang po sa susunod. I promise po." gusto ko ng lumuhod sa harap niya pero isa 'yon sa pinaka ayaw ni Ma'am Charo.

Huminga siya nang malalim bago maupo sa swivel chair niya at nagsimulang pumirma ng mga papeles.

"There's no more susunod, Vice." sabi niya nang hindi ako tinitignan. "You." dugtong niya at tumingin ng diretso sa akin. Halos dinig ko na ang kabog ng dibdib ko sa kung ano man ang susunod niyang sasabihin.

"You need a break." sabi niya at may kung anong kinalikot sa phone niya.

"Ma'am Charo, h-hindi po pwede. Paano 'yung show? Yung mga endorsements, pati na rin 'yung mga fanmeetings? Marami akong kailangang tapusing trabaho." pagpipilit ko.

Tumingin siya sa akin kaya tumahimik ako. Kulang na lang may lumabas na laser sa mata ni Ma'am Charo para pumayag ako.

"You need a break, take a break, Viceral. The show, and your works can wait." sabi niya at kinuha ang isang itim na folder at lumapit sa akin.

Nilahad niya 'yon at pinakita ang nakapaloob doon.

"Sign this, this is for your own good. You have to rest, find yourself or whatever you want to do. Magpahinga ka at mag-enjoy ka." sabi niya at nilahad din ang isang ballpen sa kabilang kamay.

Dahan-dahan akong umiling dahil hindi talaga pwede. Maraming pwedeng mag-bago kapag pumayag ako. Baka hindi na ako makabalik.

"As your boss, I promise you, you still have a career when you comeback. But, you can't make a comeback not until you are yourself again." isang kalmado at totoong ngiti ang ginawad niya bago ko pirmahan ang papel.

"What??!! Seriously??" halos lumuwa ang mata ni Anne nang sabihan ko sila sa napag-usapan namin ni Ma'am Charo.

"Teka naman baka malamon kami ng bunganga mo!!" banat ko at medyo lumayo nang pabiro.

"Kailan ka ba babalik??" si Anne ulit.

"Di pa nga nakakalis, pinapabalik na agad." si Vhong.

"Basta, hindi ko alam. Ngayon lang ako binigyan ng chance magdecide para sa sarili ko." isa-isa ko silang tinignan. Halata ang lungkot dahil mawawalay ako ng matagal sa kanila. Pero alam ko naiintindihan naman nila.

"Siguro, tama si Ma'am Charo. I need to find myself."

Naging suportado sila sa naging desisyon ko. Hininto ang trabahong nakaabang sa akin, lahat ng endorsements, promotions, fanmeetings, movies, albums at maging ang upcoming concert ko ay pinatigil muna.

As usual, trending ulit ang Meme ng bayan dahil sa isang IG Post ko.

@praybeytbenjamin

it might take a little while to be back.

Simpleng caption para sa simpleng photo ko habang nasa loob ng eroplano. Sunod-sunod ang farewell messages, at kung ano-ano sa pamilya, kaibigan at fans ko.

Nag-iwan lang din ako ng message kay Nanay at sa mga kapatid ko para hindi sila mag-alala. Ni walang may alam kung saan nga ba ako pupunta.

I've never experience to travel by myself. Now, that it's happening, I need to enjoy it. I need to breath and find myself again. Kung saan man ako dalhin ng mga paa ko, bahala na. Basta, malayo sa magulong mundo na mayroon ako.

I turned off my phone as soon as we landed sa isang lugar na minsan naming pinuntahan ni Ion.

France.

Isang ngiti ang sumilay sa mukha ko nang makalabas ng airport. Nilibot ko ang paningin ko sa kung saan at marami na rin ang nagbago sa lugar.

Wala akong sinayang na oras at agad na nagtungo sa isang hotel at nagpabook ng room. Walk-in reservation dahil gusto kong ako ang gagawa ng lahat, walang inaasahang P.A o kasama.

Kalmado lang ako habang kinakausap ang front desk officer dahil sa ngiti niya at mukhang mababait naman sila.

Nang makapasok sa room ay agad akong humiga. Ilang saglit naisipan ko ring tignan ang view, kita mula sa room ko ang Eiffel Tower. Nagpunta ako sa balcony at humawak sa railings. Huminga ako nang malalim at ginala ang mga mata ko sa kung saan.

Maya-maya naisipan ko ring magbihis at lumabas para maglakad-lakad. Kung ano-anong pinuntahan at pinasukan kong store pero wala naman akong binili maliban sa bagong phone.

"Okay, first photo for my new phone." mahinang sambit ko bago iclick ang button ng camera.

Naglakad-lakad ako hanggang mapagod at kumain sa isang restaurant. Kuha lang ako ng kuha ng pictures.

Ang saya maging malaya. Walang nakakakilala, walang tumatawag o gumagambala. Masaya lang lumakad nang walang iniintindi.

And siyempre sobrang pagod pagdating ng hotel kaya nakatulog agad ako.

Ganoon ang naging routine ko sa buong stay sa France. May mga bagong taong nakilala at nakasama.

3 weeks in France was all worth it.

Nakatingin ako sa kabuuan ng airport. Binabasa ang mga scheduled time ng arrival at departure ng bawat eroplano sa iba't ibang bansa. Hawak ko ang dalawang maleta ko at napangiti ng mag-announce na ang scheduled flight ko.

"Good morning, this is your pre-boarding announcement for Flight 354 to Las Vegas. Please proceed to Gate 3 for boarding. All passengers are required to have their passports and boarding passes ready for inspection."

Halos mapunit na ang bibig ko kakangiti dahil sa excitement. Mabuti na lang nakamask ako at hindi makikita ang pagngiti ko habang naglakakad papunta sa upuan ko.

Las Vegas.

The most memorable place for me. This is the placewhere I became Mrs. Perez. This is the place where I became a wife to him.

Nang maramdaman kong umaangat na ang eroplano, nakaramdam naman ako ng lungkot.
Lungkot- dahil wala ang naging katuwang ko.

How could I do that to him?

Why I gave up so easily?

Why I let him go?

Why I doubted him?

Why I ruined what we had?

Fuck those why(s) and what if(s).

Kung nakuntento lang ako, hindi dapat nangyari 'yon. Dapat kasama ko siya.

***

Don't forget to vote and comment your ideas and your thoughts.

AND AGAIN!!!

THIS IS A WORK OF FICTION!!!

It's not all about the SPARK [UNEDITED]Onde histórias criam vida. Descubra agora