17

409 10 0
                                    

Madiin kong hinilot ang ulo ko nang magising ako dahil sa sobrang sakit nito. Napapangiwi ako sa sakit dahil sa hangover. Hindi pa ako lubos na nakakadilat nang may maamoy akong niluluto sa may kusina.

Inisip ko pa kung may kasama nga ba ako pag-uwi. At nang marealize ko na kung sino ang pwedeng tao sa kusina ay bumangon agad ako only to realize na wala akong damit. Totally, naked.

"Shit!!! Shit!!! Shit!!!" paulit-ulit kong bulong at hinanap ang damit ko. Agad kong sinuot ang mga 'yon nang mahanap ko at sumilip sa nakabukas na pinto ng kwarto ko. Nakita ko si Ion na nagluluto at walang damit pang-itaas pero nakasuot siy ng apron-exposing his biceps and broad shoulder.

May nangyari? Kagabi?  Isip-isip ko.

Ang natatandaan ko lang umiiyak ako tapos umiiyak din siya sa harap ko. Sumakit ulit ang ulo ko at napapikit.

[FLASHBACK]

"See? Mas lalo mo lang pinaparamdam na hindi kita deserve, Benigno."

"Kung ako sa'yo, kamuhian mo 'ko. Kasi 'yun... 'yun ang dapat mong maramdaman sa akin."

Hinanap ko ang susi ng apartment at binuksan ang pinto para makapasok na sa loob. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa kwarto ko nang hatakin niya ako paharap at hinalikan ng maingat. Halik na puno ng pangungulila.

"Tapos anong nangyari?!" tanong ko sa sarili ko habang nakadungaw pa rin dito sa pinto at nakatingin kay Ion na nagluluto pa rin. "Lord, anong kasunod 'non?"

"Good Morning." nakangiting bati ni Ion nang humarap siya sa gawi ng pinto ng kwarto ko. "Halika, kain na tayo." aya niya at sinenyasan akong maupo sa harapan niya.

Dahan-dahan akong lumapit habang mariing nakatitig sa kanya. Pilit kong inaalala kung anong kasunod ng halikan niya ako.

Nagsalubong ang kilay ko nang ngumiti siya na parang may naalala.

"Huwag ka mag-alala. Hindi kita ginalaw kung 'yan ang iniisip mo." napalunok ako sa sinabi niya at naupo sa harapan niya.

"Duh, hindi naman kasi 'yon." pagdadahilan ko.

"Talaga lang ha? Kahit naman na pwede kong gawin 'yon, hindi ko pa rin gagawin kasi nga lasing ka." sabi niya at sinandukan ako ng fried rice.

"Lakas naman makababae."

"Basta promise, walang nangyari para hindi ka na mag-overthink."

Nagdasal siya bago kumain pero nakatitig pa rin ako sa kanya. Tahimik kaming kumakain hanggang ako na ang nagsalita.

"Eh... b-bakit ako..." napatingin siya habang ngumunguya. Punong-puno ang bibig. "B-bakit ako...na-nakahubad?"

Binalik niya ang tingin sa plato at sumubo pa ulit bago sumagot.

"Sumuka ka kasi tapos pawis na pawis ka." sagot niya at tumango naman ako. "Nakita ko naman na lahat 'yan kaya 'wag ka na mailang." nakangiti siya at nagtaas-baba ng kilay.

"Siraulo! Kapal mo."

Hindi na siya nagsalita at nagpatuloy lang kami sa pagkain.

"May lakad ka ba ngayon? Gusto mo igala kita dito?" napalingon ako sa gawi niya habang nagbibihis. Dito kasi niya pinatuyo 'yung nasukahan kong damit niya.

It's not all about the SPARK [UNEDITED]Where stories live. Discover now