Jaydee's Pov
Nasa gymnasium na kaming lahat at hinihintay pa din ang pagdating ni Master V , maaga aga pa naman kung kaya'y naupo na muna kami ni Angela sa may bench habang yung iba naming mga kasama ay naglalaro muna ng volleyball sa gilid.
Yung ibang mga boys naman ay naisipang maglaro ng basketball maliban kay Chino na tahimik lang na nakamasid.
"Jaydee , kamusta yang kamay mo? Hindi ka ba nabalian dahil sa ginawang pagtulak sayo ni Xinn kahapon?" Tanong nito sa akin , agad naman akong napailing. Hindi naman gaanong masakit iyun ngunit may unting gasgas lang sa bandang sikuhan ko.
"Okay lang ako Angela , huwag kang mag alala sa akin. Siya nga pala goodluck sa 1 on 1 mamaya ah? Galingan natin!" Saad ko dito at napangiti naman siya nang malawak sa akin saka hinawakan ang bandang balikat ko.
"Oum nandyan na pala si Master V tara na doon Jaydee!" Aya niya sa akin.
"Good Morning! So today we will gonna continue the activities that is supposedly schedule yesterday but due to the nonstop raining we couldn't continue it anymore. So be ready since we will be having another activities. You may line up now!" Mahabang litanya nito saka pumila na kaming lahat , bale nasa harapan namin ang mga makakalaban namin ngayon.
"So in order na hindi maulit ang nangyari nakaraan , The task will be given separately! In every station there is a number in there. So kindly go to your respective station now!" Madiing sabi niya pa sa amin. Agad naman akong nagtungo doon kasama si sela , nasa katabing station namin din sa ngayon sila Maxine at Amanda.
Pinapasok na kami sa loob at ang bumungad sa amin ay isang box tig iisa , para siyang what's in the box challenge.
"I'm Professor Brix Pinlac , so for today's activity. Kailangan niyong hulaan ang nasa loob ng box but in order to do that you need to find out all the hints that are being hidden in this gymnasium. You have 1 hour to do that , you may begin!" Mahabang pagpapaliwanag nito sa amin , may twist palang kasama itong ipinapagawa sa amin.
Nauna nang lumabas si Sela at ako naman ay nakatingin pa din sa box ngayon , ano kaya ang possible na sagot sa nilalaman nito? Nagkapkap naman ako sa ilalim ng box gayung nagbabakasakali ako na mayroon akong mahanap ngunit nabigo ako kung kaya'y tumakbo na lamang ako palabas.
Naglibot na ako dito ngunit natatanaw ko pa din yung ibang mga Co sections ko na abala sa pag complete ng task nila , napabuntong hininga na lamang ako gayung hindi ko alam kung saan ako magsisismula sa lawak ba naman ng gymnasium na ito , malabong mahanap ko ang mga hints ng ganuon kadali.
Napatingin naman akong muli sa tumatakbong si Sela na kasalukuyang tinitignan ng mabuti ang bawat sulok. Sa lagay na yan ay madali siyang mapapagod at mauubusan ng enerhiya.
Yung stamina ang magmamatter sa laban na ito at kung uubusin niyang lahat sa simula pa lamang ay tiyak na iyun ang ikakatalo niya , napatingin naman ako sa aking cellphone it's 8:10 am. Nagsimula ang task namin ng 8:05 kaya matatapos iyun saktong 9:05 din.
Napalagay na lamang ako ng aking kamay sa may bandang bulsa ko at sa oras na ito ay nag iisip ako ng mga bagay bagay. Habang naglalakad ay saktong may nakita akong papel na nakapaskil sa may bandang upuan nang nilalakaraan ko.
Kinuha ko na iyun saka binasa ang nasa loob at ang nakalagay ay 2 of E's na nagpalito ng aking isipan , kinuha ko na lamang ang aking ballpen at tsaka sinulatan ang bandang palad ko.
So it means na ang nakalagay doon sa box ay may dalawang letrang E kung hindi ako nagkakamali. Inilagay ko na lamang sa loob ng bulsa ko ang papel saka nagsimula ulit maghanap sa kada bench.
Habang patuloy sa paghahanap ay napatingin akong muli kay Sela , may hawak na din siyang dalawang papel at hingal na hingal na naghahanap padin sa bawat sulok. Ilang minuto ang nakakalipas ay nakahanap akong muli ng papel at kaagad na kinuha iyun , ang nakalagay naman sa ngayon ay letrang B
Double E at isang B na ang nabuo.
Medyo komplikado pa ang letra kung kaya'y naglakad na akong muli para maghanap ng iba pang papel , napatingin ako sa aking cellphone muli upang tignan kung ilang minuto na ang nabawas sa aking oras.
Bale 15 minutes na akong naghahanap at tanging dalawang papel pa lamang ang nakikita ko , pinag igihan ko na lang ang paghahanap hanggang sa mahanap ko ang pangatlo at ang pang apat na letra na 2 of D's at isang O.
E- E - B- D -D - O
Kahit saan ko tignan mas nagiging komplikado ang letra dahil sa mga nakukuha ko at mukhang madami pa akong dapat hanapin para mabuo ang nilalaman ng letra at malaman ang laman ng box pero sinuswerte ako sa parteng tig dadalawang letra ang nakukuha ko kaya mas napapadali ang pagbuo ko ng letra.
30 minutos ang nakakalipas at doon na nagsimula ang aking binabalak gawin , nagsimula na akong tumakbo para mas dumami pa ang makuha kong letra habang si Sela sa kabilang banda ay nagpapahinga na sa may upuan at pinagmamasdan ang mga nakuha niyang mga papel.
Nagsimula ako sa pinakataas ng mga bench habang mabilis na tumatakbo pa din at nakakita ako ng papel ngunit ang laman nun ay Ekis , akala ko makakadagdag na iyun sa aking mga nakuha ngunit may naka include pala na ekis dun.
Bumaba naman ako sa ikapangalawang pinakamataas at tsaka doon na nagsisitakbo. Maraming pawis kaagad ang nagsisilabasan sa aking katawan dahil sa walang sawang pagtakbo ko. Napangiti naman ako nang malawak nang may makita akong papel kung kaya'y kaagad ko na iyun kinuha. At ang letra na nakapaloob doon ay letrang N.
E.B.B.D.D.O.N.
Bale may pitong letra na akong naipon at hindi ko pa alam kung ilan pa ba ang kakailanganin kong hanapin , saktong pagtingin ko muli sa paligid ay halos hindi na makalakad si Sela ngunit nakikita ko na nagsusumikap pa din siya na magawa ang task na ito at manalo.
At sa mga lumipas na mga minuto ay nakakuha muli ako ng panibagong mga papel at iyun ay letrang L at A.
E.B.B.D.D.O.N.L.A
Medyo naging mahirap na para sa akin ang mga sumunod na mga minuto gayung nakakaramdam na din ako ng pagod sa ngayon , binigyang pansin ko naman ang oras sa aking cellphone. 5 minutes nalang pala ang natitira sa akin para hanapin ang ibang mga papel , mas binilisan ko na ang aking pagtakbo kahit na natutuyuan na ako ng laway sa labis na pagod.
Matapos ang 3 minutos ay nakahanap din ako ng panibagong papel at ang nakalagay doon ay 2 of G's , inilabas ko naman ang lahat ng mga papel na nakuha ko gayung wala na din akong oras pa para maghanap ulit.
E.B.B.D.D.O.N.L.A.G.G
Hingal na hingal na pinagbuklod buklod ko iyun at tsaka nag isip ng pwedeng kombinasyon. Baka kasi kahit hindi man ito ang kompletong mga letra ay baka may maisip ako na pwedeng maisagot roon. Isang minuto na lamang ang natitirang oras ko at nakita ko si Sela na nauna nang magtungo sa looban , mukhang nakuha niya na ang tamang sagot.
Ako naman ay napilitan na lamang na kolektahin ang mga iyun at tsaka naglakad na din pababa habang iniisip pa din ang kombinasyon ng mga letra. Habang papalapit na ako ay nakita ko naman si Francese na nakasuot ngayon ng isang kumikinang na badge sa may bandang kanang damit niya.
Napaisip naman ako dahil doon at inisip ang mga letra at doon ko napagtanto na ang tamang sagot sa akitibidad ko ay GOLDEN BADGE.

YOU ARE READING
THE GOLDEN INFINIX (ONGOING)
FanfictionSa mundong walang kasiguraduhan , ikaw ang nais kong puntahan at maging tahanan. Walang makakahadlang sa ating pagmamahalan kahit pa si kamatayan. - Jaydee