Chapter 29

61 27 0
                                    

Teal Irish p.o.v                         

Hapon na ko nagising at agad agad akong napaupo ng marealize ito.

“Tangina bakit ang haba ng tulog ko?! I still have a work. Damn!” sigaw ko sa sarili ko sabay takbo patungo sa cr.

Binilisan ko ang bawa’t galaw ko dahil talagang nakakahiya na ako pa tong late sa meeting.

Yes. We have a meeting, nagtext si Agatha sakin kagabi bago ako natulog and thank god dahil nagising pa ko.

Long sleeve v neck slim fit formal na kulay beige ang sinuot ko dahilan para bumatak ang ganda ng katawan ko tsaka nagtatakbong nagtungo sa mga make-up ko. Naglagay lang ako ng light make up tsaka kinulot ng very slight ang bandang dulo ng buhok ko saka ito tinali ng ponytail.

Habang sinusuot ko ang relo ko ay naglakad na ko pabalik sa closet para kunin ang bag tsaka ang heels ko. Nang matapos ako sa lahat ay dinaanan ko na lang ang mga gamit ko saka lumabas ng unit.

Nang makarating ako sa komapanya ay si Agatha agad ang sumalubong sakin.

“Ma’am magsisimula na po, ba’t late po kayo?” she asked.

“Humaba tulog ko. Hindi ko namalayan. Let’s go!” sagot ko sa kaniya habang naglalakad kami patungo sa office na pagmemeetingan.

I took a deep breath before entering the office. Nang makapasok ako ay laking pasasalamat ko na hindi pa puno ang upuan, meaning to say. Di pa dumarating ‘yung ibang nakakataas.

Hinanap ko agad ang mukha ni Tita Isabel kaso wala pa siya dito, maybe mamaya. Umupo na lang ako sa pwesto ko sa tabi ng upuan ni Tita Isabel.

Nandidito na lahat ng may posisyon sa company pero ang pinagtataka ko lang kung bakit wala pa dito si Tita. Ni minsan ay hindi siya nawala sa meeting kaya kung bakit ganito ako kinakabahan ngayon.

Ako ang nagpresent sa ginawa ni Tita Isabel na iniwan lang ka’y Agatha, mabuti na lang at nakapop up na rito sa laptop niya kaya ‘di ako gaano nahirapan. Hindi ko alam kung pinlano niya bang wag umattend o sadyang nagkataon lang. Hindi ko maintindihan.

I hope she is in good condition.

Thank god dahil hindi ako nabulol at tuloy tuloy ko itong napresent. Nang matapos ang meeting ay agad agad kong pinuntahan si Agatha na nasa gilid para itanong ang kanina pang bumabagabag sa isipan ko.

“Agatha, alam mo ba kung nasan si Tita Isabel? Kasi usually hindi naman ‘yun aabsent ng walang dahilan?!” i asked.

She pouted “Ma’am hindi ko po talaga alam! Ang sabi niya lang sakin nung iniwan niya yang laptop niya. Ay ibigay ko raw po sa inyo . . .”

Nangunot na lamang ang noo ko dahil sa pagtataka.

A few minutes passed after a meeting. Kaya inayos ko na lahat ng gamit ko dahil balak ko na ring umalis, it’s almost 4 na ng hapon and i need to visit dom’s house.

“Agatha, hindi ka pa uuwi?” i asked her dahil panay trabaho siya. Minsan naaawa ako sa kaniya kaya ‘di ko siya gaanong binibigyan ng trabaho.

“Tatapusin ko lang po ‘to Ma’am! Uuwi na po kayo?” and she asked back.

I smiled “No, pupunta pa ko Taguig para icheck ‘yung bahay!”

She nodded “Ah okay po, sige sige Ma’am. Ingat!” she said and smile.

Matanda ako sa kaniya ng tatlong taon. She’s really hardworking girl, reliable and trustworthy. Ni hindi nga ko nagsisi na siya ang kinuha kong secretary ko. Nakakaproud siya, ang dami niyang pangarap at gusto kong matupad niya ‘yon lahat. Breadwinner rin kasi siya ng pamilya nila kaya pursigidong pursigido.

Chained Life (COMPLETED)Where stories live. Discover now