Epilogue

134 24 4
                                    

It’s been 16 years nang mawala ka Dom. Si Shy ang nagpaanak sakin and it’s baby twin, a girl and a boy. Hailey Rish and Harvey Liam ang ipinangalan ko sa kanila tulad ng gusto mo.

Sa lahat ng birthday’s nila ay hindi pumalyang pumunta ang lolo nila, ang Daddy mo. Pati ang pinsan nilang si Stella at ang Kuya and Daphane. We’re good now.

Senior high na silang dalawa. Kamukhang kamukha mo si Harvey pero sakin niya nakuha ang mata, nakuha naman ni Hailey sayo ang ilong the rest sakin.

“Hailey pwedeng bilisan mo? Pakatagal.” sigaw ni Harvey sa kapatid niyang nag-aayos pa.

“Pwedeng wait? Nagmamadali na nga ako” sigaw ni Hailey pabalik.

“Harvey, you should wait! Babae ‘yan. Maraming kailangang ilagay!”

“Sorry, Mom!” ilang oras pa naming hinintay si Hailey at nang matapos ay sabay sabay na kaming umalis. Alam naman ng driver namin kung saan kami tutungo.

Pupunta kami sa libingan ni Dom, Mama, Papa, Mamita, at ng Mama ni Dom. Dito pala siya inilipat ni Tito para raw tabi tabi sila ng puntod.

Habang nasa byahe kami ay walang ibang ginawa ang dalawang ‘to kung hindi magpikunan. Nakakatuwang tignan. Mabilis kaming nakarating dahil wala namang gaanong traffic.

“Hi baby! Kamusta kana? Okay lang ba kayo dyan? Dalaga at binata na anak natin oh, sana mula sa taas pinanonood mo kami!”

“I miss you so much!” hinawakan ko ang pangalan nito saka ako lumipat sa kabilang puntod. Hinayaan ko na lang ang mga anak kung magkwento sa Daddy nila dahil nakaugalian na nila ‘yan na everytime pupunta kami dito dapat may ikkwento sila kahit secret pa ‘yan.

It’s sunday bukas na ang birthday nila Hailey gusto ko sanang mag out of town kami kaso may pasok sila so ang ending sa bahay na lang muna kami siguro i-extend ko na lang sa saturday.

Hapon na kami umalis sa sementeryo at dumeretso sa mall. Bumili ako ng lulutuin ko bukas dahil sa bahay na lang muna ako maghahanda tsaka paniguradong nandoon ang mga tita at tito nila maging pinsan at lolo syempre.

“Magpahinga na kayo. Matulog kayo ng maaga dahil may pasok kayo bukas!” hinalikan lang nila ko sa pisnge saka dire-diretsong umakyat. Hindi na sila magdidinner since kumain naman na kami sa labas.

Kaya tinawagan ko na lang sila Gian na agahan nila ang punta dito dahil kahit may maids hindi pwedeng sa kanila i-aasa lahat bukas.

Birthday ng mga anak ko. Dapat paghihirapan ko.

Maaga akong nagising kinabukasan dahil na rin siguro nakasanayan ko na. Pinagbalutan ko ng makakain sila Hailey saka sila maglalarga papuntang school.

“Happy birthday my kambal . . .”

“Thank you po! Bye Mom! See you later love youu!” Hailey uttered.

“Thank you po. Bye Mom. Love you!” Harvey added.

“Take care! Uwi maaga! Bye bye”  Nang makaalis sila ay agad agad akong naglinis. Tinulungan ko na sa paglilinis ng bahay ang mga katulong para mabilis matapos. Nang matapos ako sa lahat lahat ay kakarating din ng mga impakta.

“Bakit ang tagal niyo? Kayo na magdecor niyang hawak niyo. Pakatagal niyo kasi.”

“Sorry madam ha. Traffic kasi”

“Nevermind. Go na isabit niyo na yan at tulungan niyo ko magluto nitong lahat!”

“Pupunta si Daphane?” biglang tanong ni Suzy. Tinignan ko siya bago tumango “Bakit?” inignora niya lang ako na parang walang narinig.

“OKAY LET‘S PUT THIS!” rinig kong sabi ni Gian. Mabilis lang natapos ang lahat mag-gagabi na at paniguradong darating na ang kambal. Nandidito na  lahat  ng hinihintay namin.

Hanggang sa marinig na namin ang busina at nung papasok na sila ay agad agad naming kinantahan ang dalawa.

“HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY! HAPPY BIRTHDAY TO YOU!”

“OMG. THANK YOU PO!” humikbi na parang bata si Hailey. Masaya naman ang reaction ni Harvey. Sa 16 years of existence nila lagi kaming nag oout of town kaya siguro naninibago sila.

“Kumain na kayo. Mamaya na ‘yung gift gift okay? Bilis kain” paninimula ni Shy ng ingay. Masaya kaming kumain lahat ni halos ubusin na namin pati plato.

Mahigit isang oras kaming nanatili sa hapag kainan. Ngayon ko lang narealized na ang dami ng nagbago syempre. Si shy? May totoong boyfriend na at hindi na fubu. Si Suzy? On going pa yata. Si Gian? May fiancé na at ‘yung dalawang antipatiko? May girlfriends na. I’m so happy for them.

Nasa sala na silang lahat at ako ngayon ang nagpaiwan sa kusina. Alam ko namang liligpitin ng mga maid pero alam mo ‘yun, ‘yung feeling na dapat pati ikaw naglilinis hindi lang sila.

After namin malinis lahat ay tahimik kong pinagmamasdan ang mga anak namin ni Dom na lumalaki na. 17 na sila at legal age na sila next year. Ang bilis ng panahon. Sobra.

Napapangiti ako kapag nakikita ko silang masaya. Masaya ka ba Dom? Sana oo, dahil ginagawa ko ang lahat magampanan ko lang ang pagiging mabuting ina.

Sobrang saya kong nagkaroon ako ng dalawang bunga ng pagmamahalan namin ni Dom. Hindi man naging maganda ang ending namin atleast may maayos na bunga.

I love you so much Willim Dom Serrano. I will always be your Mrs. Serrano! See you in my next life!

Chained Life (COMPLETED)Where stories live. Discover now