Kabanata labing anim

31.5K 572 1
                                    

Kabanata 16

Hailey

Lahat kami napangiwi ng biglang tumili si Rial. I pinched yung labas ng tenga ko para siguraduhin na hindi ito nabasag at nakakarinig pa ako. Naiiling naman si Ryu sa inaasal ng nobya. Daig pa nito bulateng nabudburan ng asin kung mangisay.

         
"Shemay honey! Kinikilig ako." Hinatak nya pa ang braso ni Ryu. Pumikit ng mariin si Ryu at huminga ng malalim. Kung hindi mo lang alam na mag boyfriend sila baka akalain mo magkaaway sila dahil madalas nauubusan ng pasensya si Ryu dito. Masyado kasing makulit. Daig pa si Summer.

"Psh! Let's get inside. Nakakahiya ka. Baka akalain ng mga tao may sunog pa dito. Baby mag paalam ka kay mommy mo. Let's watch movies habang inaantay sila mama steph." I chuckles. Nagkanda haba naman ang nguso ni Rial sa sinabi ni Ryu.

Humalik sa akin si Summer. Nagpaalam na sya na sasama na sa mama at papa nya papasok sa loob.

          
"Ay lee, susunduin pala ako ni Francis may lakad daw kami. You can with us if you want. Asan na ba yun bat ang tagal?" Buti na lang naalala ko na may lakad kami ni Francis muntikan na tuloy akong sumama kay Riley.

"Francis? May check up sa OB si Steph ngayon bago sila pumunta dito pag katapos ng check up. May lakad kayo? Ang daya naman hindi kami kasama." Kumunot ang noo ko kay Rial. Nagkanda haba pati ang nguso nya.

"I'm sorry love, i was really the one who called your secretary. Sinabi ko lang sa kanya na sabihin si Francis para i surprise ka."

"Aw...  okay." Ngumiti ako kay Riley. Kaya pala parang nauutal pa si Nicole habang kausap ako.

"Ay naku. Lika na nga baby at masyado nang malanggam dito." Kinuha ni Steph ang kamay ng anak ko. Inirapan nya ako saka pumasok sa loob. Natatawa na lang akong naiiling.

It's our first date at wala akong idea kung saan kami papunta ni Riley. I admit kinilig ako sa pa surprise nya. I am indeed surprised to see him. Hindi ko expected na makikita sya ngayon akala ko kasi baka sa isang lingo pa sya bumalik.

Innintay nya muna akong makapasok sa sasakyan bago sya umikot sa driver's seat.

"I missed you, love." Kinuha nya ang kamay ko at hinalikan. Nag init ang pisngi ko dahil sa inasal nya.

"I missed you too. Ang daya mo lang. You could have texted me para nasundo lamang kita sa airport." Nakalabing sabi ko sa kanya.

Hindi ko kasi sya naihatid dahil ayaw nya. Baka daw malungkot sya at maisipan nya bigla na isama ako. Tapos ngayon hindi pa sya nag text lamang para nasundo ko sya.

"Sorry, love. Next time I promise sasabihin ko sayo kapag pauwi na ako from my business trip para masundo mo ako." He glanced at me bago binalik ang tingin sa daan.

Tumango na lang ako kahit hindi naman nya nakikita.

   
"Alright. Just promise me next time ihahatid na kita at susunduin. And Riley. I hate surprises. Please don't do it again." I am serious when i said i dont want surprises.

The last time i was surpised was when my mom died. Sinusumpa ko ata ang salitang surprise. My friends knew how much i hate surprises.

          
"Huh?" nilingon nya ako at saka bumalik ulit ang tingin sa harap ng manibela.

            Tumingin ako sa labas dahil ayaw kong makita nyang malungkot ako. "I have traumatic experience in surprises. Where are we going?" Pinasaya ko ang boses ko dahil ayaw kong i-spoil ang date naming dalawa. It's our first date kaya dapat masaya lang.

Beautiful Life (complete)Where stories live. Discover now