Kabanata anim

41.5K 791 14
                                    

Kabanata anim

Hailey

"Mom, when po ang balik ni Lola?"Nilingon ko si Summer na nagkukusot ng mga mata nya habang papalapit sa mesa.

"Soon baby... what do you want for breakfast?" nilapitan ko sya at saka hinalikan sa pisngi at inayos ang buhok nya. She misses her lola. Palagi nyang bukang bibig ang lola lalo na sa umaga.

"Can I have pancake with lots of milk? And bacon po please."

"Copy that baby." Kinindatan ko ang anak ko. "Good morning guys." Lumapit si Ryu at francis sa akin at saka humalik sa pisngi.

"Morning..." Ryu.

"Morning." Francis.

Tamad na sabi ng dalawa sa akin. Pinagitnaan nila si Summer at nangalumbaba na ang tatlo sa lamesa. Mga nagkakanda haba din ang nguso nila habang nag aantay ng pagkain.

"What do you want for breakfast guys? Wala pa ba yung dalawang bruha?" I asked them ng hindi sila tinitingnan.

"SINONG BRUHA?!" sabay na sigaw ni Rial and Steph.

Halos maibuhos ko ang hawak kong gatas sa sobrang gulat.

"Geez Aerial, Stephanie! Are you trying to kill me?! Ang aga aga nangugulat kayo!"

Imbes na sagutin ako ay tinawanan pa ako ng lahat ng tao. They know na magugulatin ako at kung ano anong nagagawa kapag nagugulat.

"Mom, kung nakita mo lang ang face mo." Namumula pa ang pisngi ng anak ko kakatawa.

"Damn. Nawala antok ko. That reaction is epic!" Nag-apiran pa si Ryu and Francis.

I rolled my eyes. Kung papatulan ko sila maiinis lang ako. Hindi ko na lang sila inintindi at nagsimula na lang ako magluto.

"Hail, may nagustuhan ka na ba sa mga manliligaw mo?" Nilingon ko si Rial na nakangiti sa akin habang kumakain ng grapes. Maka "mga" hindi naman marami ang nanliligaw sa akin at kapag hindi ko gusto sinasabi ko na agad sa tao para hindi umasa.

"Sa dami ng dapat kong isipin hindi ko na maisisingit ang pag bo-boyfriend na yan. And Summer is enough for me. Kung darating ang karapat dapat then so be it." Nag kibit balikat na lang ako sa kanila.

There is always time para sa mga ganyang bagay. Sa ngayon ang mahalaga lang sa akin ay maibigay ko ang pangangailangan ng anak ko, makapag aral sya at lumaking magalang, masunurin at mabait na bata ay masaya na ako.

"Kelan mo naman balak magkaboyfriend kapag matanda ka na?" Tinaasan ako ng kilay ni Steph.

Nilapag ko na sa harapan nila yung niluto kong fried rice at saka bacon, tocino, sandwich and yung request ni Summer na pancake with lots of evap milk.

"Kumain na nga lang kayo ng hindi kung ano ano ang tinatanong ninyo sa akin."

Mahihiya ang mga taong hindi pinakain ng ilang taon ng mag-agawan sa pagkain ang mga kaibigan ko. Mabuti na lang at naka seperate ang pagkain ng bata kung hindi baka pati sya ay makipag agawan din sa mga ninong at ninang nya.

"Summer tapos mo na ba ang mga assignments mo?"

"Yes mom, tinulungan po ako ni Mama Steph at Mama Rial."

Bagong tawag ni Summer sa mga ninong at ninang nya. Hindi ko alam kung sino ang nagturo sa kanya nyan pero kahit ano pa man okay lang sa akin dahil halos kasama ko sila sa pagpapalaki kay Summer.

>>>>>>

*sighs*

"Ang lalim nun ah, may problem ba?" Hindi ko na nilingon ang nagsalita. Boses pa lang kilalang kilala ko na. Sumimangot ako ng magtama ang mata namin.

Beautiful Life (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon