56

90 1 0
                                    

Jeydee's

Mabilis na lumipas ang mga araw. I didn't even noticed it was December already. Which means Kulot's birthday is approaching.

I quickly hugged my arms to my body as the cold December wind blew. I'm already wearing a thick sweater pero tumatagos pa rin ang lamig.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa building ng College of Engineering and Architecture.

It's already 7:50 am and my class will start at 8:30 am.

Marami pa ring nagkalat na estudyante sa hallways kahit pa halos karamihan ng klase ay nagsisimula ng 7:30.

Walang pumansin sakin habang naglalakad ako patungo sa room ko. Dahil bukod sa lagi kong nakasimangot na mukha, wala rin ako masyadong ka-close sa mga schoolmates ko.

My only friends in the campus are those three idiots. Mula elementary halos hindi na kami mapaghiwalay ni Kulot dahil dikit siya ng dikit sakin. Ang loner ko daw kasi kaya naawa siya. Nong sinabi niya yon muntik ko na siyang masapak.

Sina Alex at Harden, high school na namin nakilala. Alex was the serious but mostly, the playful one, mapang-asar. He would always tease Yoshi. While Harden was the serious and the silent one. He's calm most of the time. I never even saw him get mad or even annoyed. He's always composed. Kaya siguro nagustuhan ni Nicole.

Sila unang tatlo ang naging magkakaclose since pare-pareho silang sumali sa varsity team ng school namin noong high school. Then Kulot eventually introduced them to me until we all became friends.

I entered our room and settled where Harden and Yoshi are sitting. Malamang late na naman si Alex. It's nothing new. Bilang lang ata sa daliri na naging maaga siyang pumasok.

"You want?" Harden offered me a sandwich. And because I forgot to eat my breakfast, I didn't hesitate to take it.

"Thanks." Medyo nagulat pa ko ng ipatong naman ni Kulot ang medyo umuusok pa na cup ng kape sa desk ko.

"Baka kasi makatulog ka naman. Kota ka na kay Sir." Pang-aasar niya. I just shrugged. OA ng Kulot na to. Dalawang beses pa lang naman akong nahuhuli ni Sir.

Nang mag eight thirty, halos magkasunod na pumasok ng room si Sir at si Alex. Ang siraulo, chill na chill pa maglakad akala mo nasa runway.

Engineer Nogales immediately proceeded to his discussions. The class fell silent as we listen to his instructions regarding our project study.

Halos lunch time na natapos ang klase namin kay Sir. Kaya halos lahat rinig ko ang reklamo na nagugutom na.

"Canteen or labas?" Alex asked as he waited for us to fix our things.

"Is there anything you want to eat?" Harden asked since busy na yong dalawa magtalo kung saan kami kakain.

"Ramen?" Di pa sure na sagot ko. Although kagabi pa ko nagkecrave ng creamy na ramen.

"Ramen House." He only told to the two. Hindi naman sila umangal kaya magkakasama kaming naglakad palabas ng room.

Malamig na hangin muli ang sumalubong sa amin pagkalabas ng building. Mas dumami rin ang nagkalat na estudyante sa labas ng mga classrooms.

Tahimik lang kami ni Harden habang nakasunod sa dalawa na hindi na naman matapos sa kakabangayan. Pano eh mapang-asar si Alex tapos pikon naman si Kulot.

Hiro and I didn't cut our communication kahit nakabalik na ko ng Baguio. He constantly messages me, always sending me a 'good morning' and updated me with his whereabouts even though I didn't asked.

We became closer. Friends? Maybe more than since we've already done something friends shouldn't. We're like couples minus the label.

At gaya ng pinangako niya, lagi niya kong kinakantahan bago matulog. Kung minsan na hindi ko nasasagot ang tawag, makikita ko na lang paggising ko may sinend na siyang short na voice message, him singing.

Hindi rin naman namin nagpag-uusapan ang tungkol sa aming dalawa. And it's fine with me. Because I don't want to be a distraction to his dreams. Na pinaglaban niya at pinaghirapan.

And yes, I admit, I like him. Or maybe I'm already falling.

Who wouldn't anyway? Kung isang katulad niya na bukod sa gwapo, matangkad at matalino. Napakasweet din niya. Maalalahanin. Humble. Gentleman. At ang pinakanagustuhan ko talaga sa kanya ay ang pagiging malawak ng pag-unawa niya at haba ng pasensya.

Kahit na nagtatantrums ako, nag-aattitude sa kanya, imbes na mainis ay tatawanan lang ako.

Nagiging marupok pa naman ako sa tawa niya kasi ang hot tapos husky ng boses niya. Di ko alam kung may idea siya na kaya ako lumalambot kapag galit ako ay dahil sa tawa niya. Because he always do that. Parang naaamuse siya kapag naiinis at galit ako.

He's perfect. My first impression of him of being an asshole has now vanished. Natakpan na mula nang mas lalo ko pa siyang nakilala.

Swerte ng magiging asawa niya. How I wished it would be me. Pero ayoko namang ipilit ang sarili ko kasi never naman niyang klinaro sakin ang nararamdaman niya, kung meron man.

Ayoko naman mag-assume ng sobra dahil lang sa sweet siya sakin at madalas kaming mag-usap.

"Tangina ang ayos talaga nitong pinsan ko! Ganda ng chix paps parang model ng Victoria's Secret!"

Mabilis na nahila ang kamalayan ko sa biglaang pagbasag ni Kulot sa katahimikan habang kumakain kami.

He was looking at his phone at dahil magkatabi sila ni Alex, nakisilip agad siya.

"Shawty pre!" Nag-apir pa silang dalawa.

Wala naman sana akong paki kung hindi lang niya hinarap samin ni Harden ang phone niya at pinakita ang isang IG post ni Kuya Asahi. It was posted 14 hours ago.

Pero imbes na si Kuya Asahi ang nasa picture, si Hiro at isang hindi ako pamilyar na babae ang nandoon. They're both wearing fancy clothes.

Mabilis akong sinakop ng kakaibang pakiramdam. I couldn't name it but I didn't like it either.

Tama si Kulot, she's gorgeous and would pass as an international model.

The girl was holding his arm while they both looked fiercely at the camera. At tangina swinipe pa ni Kulot para sa kasunod na picture kung saan tila nag-uusap ang dalawa gamit ang mga tingin.

They look good together. Anyone who would saw the pictures would immediately think they're couples.

This is one of the reasons why I never confessed my feelings for him.

Dahil ayokong makahadlang kapag ginusto na niyang makipagrelasyon sa babaeng magugustuhan niya.

Pero gago ang sakit pala kapag pinamukha na sayo at hindi na lang imahinasyon mo.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili at hindi nila mahalata na apektado ako. Mabuti na lang at busy sila na mag-usyuso sa pictures ng dalawa kaya walang nakapansin sa biglaan kong pagkawala sa mood.

Sukida [Epistolary] ✓Where stories live. Discover now