77

80 2 0
                                    

Jeydee's

"Kelan mo balak sabihin sakin Jeydee?" Mahina ang boses pero may diin ang tono na tanong sa akin ni Kulot.

Kaming dalawa ang naiwan sa room ko dito sa clinic ng mga Mommy ni Harden.

Nakaupo si Kulot sa katabing upuan ng hospital bed kung saan nakaupo ako at nakahilig sa headboard.

Hindi ko magawang magsalita dahil hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya ng hindi ako nagbebreakdown.

"Ano? Tatahimik ka na lang jan?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ang pagpipigil niya ng emosyon.
Me
Mula pa kanina namg magising ako ay ganito na ang mood niya. Tila galit at may kaaway.

And I don't know why.

"O baka wala kang balak sabihin sakin?" Nagkatitigan kami, pero napaiwas rin ako ng hindi makayanan ang diin ng titig niya.

"Putangina jeydee muntikan ka ng magahasa." Mabilis akong napalingon sa kanya dahil sa narinig. Napaawang ang bibig ko sa gulat. "Tapos wala man akong kaalam-alam. Best friend mo ko pero wala man lang ako alam!"

Hindi ako nakaimik nang makita ang tuloy-tuloy na pagtulo ng mga luha sa mata ni Yoshi. It's my first time seeing him cry like this. He looked like he's in so much pain.

Nanlabo ang paningin ko habang naririnig ko ang iyak niya.

"Putangina gusto kong pumatay nang mabasa ko yong tweets mo. Kasi di mo yun deserve Jeydee. Hindi mo yon deserve." Mas lalo pa siyang umiyak.

Hindi ko na rin napigil ang pagbagsak ng mga luha ko.

I silently cried with him.

"Ni hindi ko masikmura ang mga nalaman ko. While I was having the best of my life, tapos heto ka, mag-isang tinitiis ang kahayupang ginawa sayo ng demonyong yon." Lumapit siya sakin at tinulungan ako sa pagpunas sa luhang patuloy na umaagos sa pisngi. "How could he do this to you? You are the purest and brightest person I've ever met in my whole life. Tangina binaboy ka niya."

He broke down. Ibinaon niya sa blikat ko ang mukha niya at doon inilabas ang sakit na nararamdaman.

Halos madurog ang puso ko habang naririnig ko ang mga hikbi niya.

"Halos mabaliw ako nang mawala ka na lang bigla ng malay kanina. Takot na takot ako jeydee."

"I'm sorry."

"Tapos nang mabasa ko yung tweets mo sa private account mo. And I won't apologize for invading your privacy, dahil kung hindi ko yon ginawa, hindi ko malalaman ang tungkol dito."

Inalis niya ang pagkakabaon ng mukha niya sa kandungan ko.

"Gusto kong hanapin ang hayop na gumawa niyan sayo at pagbayarin sa ginawa niya."

Umiling ako. "Wala tayong laban sa kanya. Sa pamilya niya."

But he shook his head too.

"May laban tayo. You have evidences right? Pag nalaman din to ng mga kapatid mo, siguradong tutulong sila. Tsaka yong kapatid ng mom ni Hiro, magaling siyang abogado. Kayang-kaya niyang ipanalo ang kaso mo." Puno ng pagsusumamo ang boses niya.

"Pero-" Sunod-sunod siyang umiling.

"Ilalaban natin to." Ni hindi ko magawang umimik. "Tama na ang kakatiis ng sakit Jeydee. Oras na para palayain mo naman ang sarili mo."

Sukida [Epistolary] ✓Where stories live. Discover now