Prologue

14 4 0
                                    

PROLOGUE

TRIGGER WARNING:

This chapter is not suitable for young readers or sensitive minds. This contains sensitive topics and strong language, such as psychological issues, law breaking, and violence that may trigger traumatic experience. Please feel free to leave or skip this chapter if this is not your kind of story.

December 6, 2007

"Happy birthday to you, happy birthday to you.."  Malambing na tinig ng tao ang maririnig sa loob ng isang silid, hawak niya ang isang cake na may nakapatong na itim na kandila. "Happy birthday, happy birthday.." Ngumiti ito at saka umupo sa isang hapag kung saan puno ng handa.

"Happy birthday," tinignan niya isa-isa ang mga batang kasama niya sa hapag, nakaramdam siya ng saya dahil sa unang pagkakataon sa buhay niya, hindi siya nag-iisa sa kaarawan niya. Iyon lang naman ang kaisa-isang laging hinihiling niya tuwing sasapit ang kaarawan niya. "To you..." 

Sabay sa pagkasambit niya sa dalawang salitang iyon ay hinipan niya rin ang kandila. Masaya niyang inilapag isa-isa ang mga plato sa harap ng mga bata upang makapagsimula na sila sa pagkain.

"Oh mga bata, pakabusog kayo ah." Maligayang sambit nito at saka umupo na rin upang makakain. Tinignan niya ang mga pagkain nang may ngiti sa labi, dahil proud na proud siyang nakakapagluto na rin ulit siya ng iba't ibang putahe 'gaya nalang ng..

Sinabawang mata ng tao,

Adobong daliri,

Pritong dila,

At kaldereta na may lamang loob ng tao.

"Oh mga bata, kumain na kayo't maaga pa kayong matutulog mamaya. 'Wag ng maarte, tinanggalan ko naman na ng kuko 'yung adobo para naman hindi kayo matinik sa lalamunan."  Isa-isa niyang tinikman ang iba't iba niyang putahe nang bigla siyang nakaramdam ng uhaw.

"Mga bata, sinong  may nais uminom ng juice?"  Masayang tanong ko sa kanila, tila na-excite naman ang mga bata nang marinig iyon kaya mas lalo siyang nakaramdam ng saya. Dumako na siya sa kusina at naghanda ng malamig na tubig.

Hinaluan niya ito ng dugo at asukal para itimbang ang tamis, sariwa pa ang dugo na inilagay niya kaya naman nang tinikman niya iyon ay napapalakpak siya dahil sa sobrang sarap. Tila wala ng mas isasarap pa na inumin kundi ang kaniyang juice lang.

His Favorite CrimeWhere stories live. Discover now