Chapter Three

9 4 0
                                    

CHAPTER THREE

Tuesday, 9:07 PM

Nagising nalang ako bigla at napagtantong,

Isang bangungot lamang iyon..

Alas-nuebe na ng gabi at naririnig ko narin ang tunog ng sikmura ko, hindi ako mapakali dahil sa sobrang traumatizing na nightmare ko. Parang hanggang ngayon ay nanginginig parin sa takot ang mga kamay ko, hindi ko maikalma ang sarili ko dahil hanggang ngayon ay sa tuwing tinititigan ko ang daan papuntang kusina, iyon ang naaalala ko.

Isa ba iyong pahiwatig? O masiyado lang akong paranoid?

My life was and always has been full of misfortune, pero ngayon ko lang na-experience na matakot sa mga ganitong bagay. Lalo na noong nakilala ko si Hans, sino ka ba talaga?

Dahil nabagot ako sa condo kakanood ng mga movies na wala namang inaambag sa buhay ko, napagdesisyonan ko nalang na pumunta sa isang convenience store para sana bumili ng pampalamig, ice cream!

Pagkarating ko doon ay tahimik lang ang paligid, ngunit tila may hinahanap na isang tao ang mga mata ko. Ngunit bigo akong mahanap si Hans, kaya dumiretso nako sa lagayan ng mga ice cream at pumili ng tatlo ngunit hindi pa 'ko nakakakuha nang marinig ko bigla ang putukan ng baril at sigawan ng mga nasa cashier.

Napayuko ako at nagtago kaagad, nanginginig ang buong katawan ko ngayon habang unti-unting nagsisink in sa akin ang mga pangyayari, I'm now trapped in a convenience store na mayroong armadong lalaki na hindi ko naman alam kung anong pakay.

"Akin na 'yung pera!" Sigaw nung lalaki na naka-jacket, tinignan ko agad ang CCTV ngunit doon ko lang napagtanto na sira ito kaya nagtake advantage 'tong mokong na 'to. Bago pa nito makuha ang pera na inaabot ng nanginginig na si ate, kumuha ako ng gunting na nasa gilid lang at agad hinagis patungo sa lalaki dahilan para tamaan siya braso niya, kusang napatingin ang lalaki sa direksyon ko.

Kumuha ulit ako ng gunting at muling itinutok sa lalaki. Lumingon siya sakin at itinutok rin ang baril niya, akmang ipuputok niya iyon nang biglang,

Nagtama ang mga mata namin...

Pareho kaming gulat sa isa't isa, ilang minuto pa kaming nagtitigan hanggang sa makarinig kami ng maingay na tunog hudyat na paparating na ang mga police sa store na iyon kaya walang ibang nagawa ang lalaki, si Hans kung hindi ang tumakbo papalabas at mabilis na nagtago.

Now I know who you are, I know exactly what you are..

Natulala lang ako ng ilang minuto doon sa kinauupuan ko, pilit nagsisink in sa akin ang mga nangyayari. Tama pala talaga ang lahat ng hinala ko, pero bakit?

Madilim, tahimik at malamig ang daan. Walang tao, puro katahimikan lamang kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa gitna ng magulong mundo. Puno ng mga kaganapan, hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. I'm just nobody, kahit nga mamatay ako sa gitna ng daan na ito ay walang makakakilala sa akin.

Sa totoo lang, kaya ganito ang buhay na dinaranas ko ay dahil sa mga pagkakamali ng aming angkan at ng aking ama. They were all labeled as the great lawyers in our city, but what I knew behind those innocent looks, they were all monsters.

I've known that for a long time, and I've been living through all sh*ts because of those. Tahimik lang akong naglalakad ng bigla akong may napansin sa ilalim ng punong narra, hindi ko sana iyon papansinin ngunit may narinig akong pamilyar na boses na nanggagaling doon.

"A-Ah!" Tila umuungol ito dahil sa sakit, masiyadong madilim kaya di ko masyadong nakilala kung sino iyon, ngunit habang papalapit ako ay mas lalo kong nakilala kung sino ang nandoon. Nakita ko siyang ginagamot ang sugat niya na nasa braso, maglalakad nalang sana ako papalayo ngunit natigilan ako sa kinatatayuan ko nang sambitin niya ang pangalan ko.

His Favorite CrimeWhere stories live. Discover now