Chapter Six

2 1 0
                                    

CHAPTER SIX

TRIGGER WARNING:

This chapter is not suitable for young readers or sensitive minds. This contains sensitive topics and strong language, such as psychological issues, law breaking, and violence that may trigger traumatic experience. Please feel free to leave or skip this chapter if this is not your kind of story.

[Flashback]

January 10, 2008

Lumipas ang isang buwan, hindi na muling natagpuan ang taong nakatira sa lumang bahay na iyon. Naging abandonado na ang bahay, pagkatapos ng insidenteng iyon ay binulabog nito ang buong bansa ngunit sa kalaunan ay tumahimik narin marahil hindi nila kayang bigyan ng hustisya ang karumaldumal na pagkamatay ng labing-tatlong bata at dalawang pulis.

Hindi nga ba kaya? O ayaw lang talagang subukan?

"May mga bagay talagang hindi kayang gambalain ng batas, pero hindi ibig sabihin mananahimik na ang hustisya." Saad ni Mrs. Arceo, nasa loob sila ng isang silid ngayon kasama ang iba pang mga abogado pati na ang kaniyang asawa na isa ring abogado.

"Patahimikin nalang natin ang kaso, hayaan nating humupa ang usap-usapan dahil nagpakalayo-layo naman na ang murderer-" Hindi makapaniwala si Mrs. Arceo sa sinabi ng kaniyang asawa na nanatiling nakayuko.

"Are you out of your mind, Atty. Arceo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mrs. Arceo sa asawa nito, tila isang ordinaryong bangayan lang ng mag-asawa ang nangyayari sa loob ng silid na iyon ngunit hindi, pinaglalaban ng babae ang kung ano ang nararapat habang ang kaniyang asawa'y pinaglalaban ang kung ano ang naaayon sa kanilang kaligtasan.

Marahil hindi ordinaryong kaso ang kanilang kinakaharap sa mga oras na iyon, alam nila kung gaano kalaking kalaban ang binabangga nila sa oras na pakialaman nila ang kaso.

"Wala namang mangyayari kung ipagpipilitan lang natin na kaya natin kahit alam naman nating hindi-" nanatiling nakayuko at mahina ang boses ni Atty. Arceo habang ang iba pang mga abogado sa loob ng silid ay nanatiling tahimik at nakikinig dahil pati sila ay natatakot.

"Wala talagang mangyayari kung ganiyan kaduwag ang mga tinaguriang 'great lawyers' ng bansa. It's like you're burying justice just because you're all afraid of what might happen, magagaling lang kayo sa salita. Alam niyo ba kung anong mas matinding kalaban bukod sa mga kriminal?" Ngumiti si Mrs. Arceo, pinasadahan niya ng matalim na tingin ang bawat abogado na nasa loob ng silid na iyon.

"Those are the people who are afraid to dig up the truth, burying justice due to cowardice, shame on you." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglakad na siya palabas. Nag-iisa lang siyang babae sa silid na iyon, ngunit siya lang din ang naglakas-loob na magsalita at manindigan sa kung anong tama.

His Favorite CrimeWhere stories live. Discover now