Chapter Two

9 4 0
                                    

CHAPTER TWO

TRIGGER WARNING:

This chapter is not suitable for young readers or sensitive minds. This contains sensitive topics and strong language, such as psychological issues, law breaking, and violence that may trigger traumatic experience. Please feel free to leave or skip this chapter if this is not your kind of story.

Tuesday, 6:23 AM.

Hanggang ngayon ay hindi parin tinatanggap ng buong sistema ko ang narinig ko kanina sa news. Imposible naman ata 'di ba? Inisip ko muli ang mga pangyayari kagabi, kahit wala akong tulog ay tandang-tanda ko pa rin ang lahat ng nangyari kagabi.

Mula sa napaka-inosenteng mukha, napakalamig na boses, mapupungay na mata at sobrang comfortable na presensya ni Hans. Siguro same lang 'yung singsing nila? Pero bakit parang magkatugma 'yung panahon ng pinangyarihan? Bakit tila hindi iyon coincidence?

Alas nuebe ng gabi nangyari ang pagpatay sa ginang, alas diyes ng gabi ako lumabas at nakita si Hans sa 7/11. Hindi kaya bago siya pumunta sa 7/11 ay may ginawa siya? May kinalaman kaya siya?

Bigla nalang kumabog ng malakas ang puso ko nang marinig ang malakas na pagkatok sa pinto ko. Sh*t, hindi tama 'tong nararamdaman ko. Napatayo ako sa sobrang lakas ng pagkatok hanggang sa kusa itong huminto, nagtungo ako sa kusina para kumuha ng kutsilyo at hindi ko mapigilang manginig sa takot.

Hans, ano ka ba talaga?

Napatingin ako sa phone ko nang biglang nagnotif ito at lumabas ang article kung saan nabuksan raw muli ang kaso ng isang insidente na nangyari 10 years ago dahil sa krimen na nangyari kagabi.

Ang karumaldumal na pagkamatay ng labing-tatlong bata at dalawang pulis sa loob ng isang bahay, isang tao lamang ang may gawa non at hindi imposibleng iisa lang ang serial killer na siya ring may gawa sa nangyari kagabi.

Hans...

Patuloy na bumubulong sa tainga ko ang pangalan niya. Isang psychopath, pumapatay at hindi normal na pagpatay, pinaglalaruan lamang ang buhay nila at pakiramdam ko ay ako na ang susunod na paglalaruan niya.

Pero bakit hindi niya 'ko pinatay kagabi?

Yan ang kataka-takang tanong na bumabagabag sa isipan ko, maaari niya naman akong patayin doon sa madilim na parte ng tulay at ihulog nalang sa ilog ngunit bakit hindi niya ginawa? Tahimik ang lugar na iyon at sigurado akong walang makakapansin kung pupugutan niya 'ko ng ulo doon mismo sa lugar na iyon.

Sa katunayan ay ilang oras din kaming magkasama kagabi ngunit ni kahit minsan ay hindi ako nakaramdam ng panganib noong kasama ko siya, hindi ako nakapansin na may kakaiba siyang motibo bukod sa nais niya lamang makipag-usap sa akin at panghuli ay normal lamang ang kaniyang kilos at galaw kaya hindi ko rin naisip na isang serial killer ang kasama ko.

Napatigil ako sa pag-iisip nang may kumatok muli sa pinto ng condo ko, malakas parin iyon na siyang nagpapabilis din ng puso ko, mabilis kong tinungo ang pinto dala-dala ang kutsilyo kaya nang pagbukas ko ay diretso ko iyong itinutok sa bumungad sa akin nang walang pag-aalinlangan.

"What the f*ck, son? May plano ka bang patayin ako?" Agad kong binaba at itinago ang kutsilyo na bitbit ko. Medyo napahiya ako doon at kumalma na rin sa wakas ang puso ko.

"Sorry, dad. I just thought it was.." Umiling-iling pa siya habang nakatingin sa akin, paniguradong another sermon na naman 'to dahil sa kabobohang ginawa ko. Masiyado lang ata akong na paranoid dahil sa news, sobrang alarming naman kasi nung mga ganoong krimen.

"Hindi ako masaya sa pagrerebelde mo, Sid. You can reject me as your father, but you should fix your life. One day, you will also thank me because I guide you in every decision you make." Matagal niya na 'kong gustong pag-aralin ng law, coz my dad's a great lawyer pero hindi ko ramdam sa puso ko na sumunod sa yapak ng aming angkan.

His Favorite CrimeWhere stories live. Discover now