02

12 2 0
                                    

sunsets & ice creams

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

sunsets & ice creams

———

Nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Hapon na. I heaved a sigh and as much as I want to close the curtains to avoid blinding myself, tinatamad pa akong tumayo kaya nanatili lang akong nakasandal sa mesa at muling isinara ang mga mata.

I dreamed of that guy again. Hindi ko alam pero halos isang linggo na 'yun pero alalang-alala ko pa rin ang mukha niya. I can still see his brown eyes piercing through my bones.

Naramdaman kong may lumapit sa akin hanggang sa biglang nawala ang nakakasilaw na sinag ng araw kasabay ng tunog ng pagsara ng kurtina.

"Huy," I felt a soft tap on my shoulder trying to wake me up. Pero hindi ko ito pinansin at mas isunubsob pa ang ulo sa mga braso kong nakatiklop na parang unan sa mesa.

Kung sino man ang gumigising sa akin ay hindi natinag at mas nilakasan ang pagtapik sa akin. All of a sudden, I felt a warm breath against my ear, it was heavy along the loud beats of his heart. I know it's just Caffeine at alam niya na ayaw kong ginigising but I doubt what he's doing is meant to wake me up.

"Nics, tulog ka ba talaga?" mahina nitong bulong na salungat sa lakas ng boses nito 'pag nasa klase. Nanatili akong walang imik nang huminga ito nang mamalilim. "Nics, there's-"

"Caf! Tinatawag ka na sa office kanina pa!" someone shouted which from I can hear is from the door.

Naramdaman ko naman ang biglang pagtayo ng tuwid ni Caf kasabay ng pagharap niya sa pinto na tila tinatago ako sa likod nito. "Ah, sige, papunta na."

Ramdam ang kaba sa boses nito sa 'di malamang dahilan. Umayos na ako ng upo at tinitigan ang likod niya. He's tall. Hindi ko na maalala kung kailan ko siya huling tinukso dahil mas maliit pa siya sakin noon. Ngayon, he's a lot taller than me.

Bigla siyang humarap sa akin at nanlaki ang mata sa gulat. "You're awake?"

"Nope, just now," pagsisinungaling ko para naman mabawasan ang kaba niya na hindi na niya maitago.

Tila nakahinga naman siya nang maayos sa sinabi ko at seryoso na akong hinarap ng may kunot sa noo. "By the way, ba't andito ka pa? Kanina pa ang uwian."

"You told me to wait, remember?" I defended, leaning on my seat and crossing my arms.

Nanlaki ang mata niya at nagpanic na naman ulit. "Ah, I did? Nakalimutan ko, katatapos lang kasi ng meeting sa council tungkol sa sports day tas ngayon may meeting ulit ang representatives, hindi ko namalayan ang oras."

Hindi na maipinta ang mukha nito sa sobrang taranta and somehow looking at him makes me feel at ease yet annoyed at the same time. And yet wala naman akong magagawa and I didn't actually plan to wait for him, sadyang nakatulog lang talaga ako so there's no point in making him feel guilty. Although nakakatuwang makita siyang natataranta.

His Silent AddictionWhere stories live. Discover now