19.

681 19 2
                                    

I blinked my eyes and stopped my tears from falling when my phone beeped.

From: My Baby
Saan kayo banda nak?

To: My Baby
Ice cream shop po, ya. Nasa gilid po ako.

Ilang minuto maya-maya, may kumalabit na sa'kin. I smiled at Yaya Marie and offered a seat.

"Nasaan si Levi?" nagtatakang tanong niya. Nginuso ko naman ang gawi ni Levi at Zayden na ngayon ay nagtatawanan na naman.

"Pakikuha po si Levi, ya. Hindi pwedeng ako ang kumuha, alam mo naman..." napakamot ako sa kilay.

She chuckled and nodded when she saw Zayden. "Hindi mo pa ba sasabihin sa mga Zamora ang tungkol sa anak mo?"

"Balak ko naman po, hindi ko lang alam kung kailan ko kakayanin. Alam mo naman pong ayaw kong napag-uusapan ang nangyari noon." mahinang paliwanag ko

Nakakaintindi siyang tumango at inabot ang kamay kong nakapatong sa lamesa. She lightly squeazed my hand and smiled softly. "'Wag mong pipilitin ang sarili mo kung hindi mo pa kaya. Pero, anak, sana'y dumating ang araw na kakayanin mong harapin yan, para unti-unti ka na ding makausad."

Tumayo siya mayamaya at lumapit 'kila Zayden. Levi smiled when he saw her.

"Yaya!" masayang sabi niya at agad na nagpabuhat. "Where po mommy ko?" he asked.

Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Zayden pero nawala yun nang bumaling sa kanya si Yaya.

"Salamat sa pagbantay sa alaga ko, hijo. Medyo malikot kasi 'to kaya hindi ko napansin na nakalayo na pala."

"My pleasure. He's a nice kid, I had fun spending time with him." ngumiti siya at marahang pinisil ang ilong ni Levi bago nagpaalam.

Levi leaned to kiss his cheek before waving goodbye. I saw a glimmer of adoration in Zayden's eyes while watching Yaya Marie and Levi leave the ice cream shop.

Naghintay akong umalis din si Zayden bago tinext si Yaya Marie para tanungin kung nasaan sila.

"Mommy!" kaagad tumakbo si Levi nang makita ako. I laughed and carried him when he hugged my legs.

I kissed his nose and sighed. "Anak, don't run away from mommy like that again, okay?" bilin ko.

He pouted and looked at Yaya Marie, naghahanap ng kakampi. Napairap ako at natawa. "Levi, mommy's talking to you."

"Sowi." mahinang sabi niya at yumakap sa'kin, sumiksik pa sa leeg ko.

My eyes softened when a distant memory of Zayden apologizing the same way flashed in my mind.

Kaagad akong umiling at pumikit nang mariin. Nagtataka naman akong tinignan ni Levi. "Mommy mad? Sowi po." he said sadly, akala siguro'y galit ako.

"No, baby. Mommy was just worried. It's okay, just promise me you won't do it again."

"Pwomise, mommy." sumiksik ulit siya sa leeg ko at yumakap.

I really love when Levi's clingy like this. It reminds me of someone specific sometimes. Kung hindi lang siguro nangyari yung pagkakamali ko noon, iisipin ko talagang anak siya ni Zayden.

"Wabyu, mommy ko." mahinang sabi ni Levi.

Kaagad naman akong napangiti at mas siniksik siya sa'kin. "I love you too, Levi." I kissed his head.

Umuwi na kaagad kami dahil nag-aalala akong baka makasalubong pa namin si Zayden. Lalo pa ngayong ayaw nang bumitaw at magpababa ni Levi sa'kin.

Kasama ni Levi si Yaya Marie sa backseat at sinisilip ko sila paminsan-minsan sa rearview mirror habang nagmamaneho. Levi was busy looking at the box of Legos that Zayden bought for him earlier. Hindi ko pa binuksan kasi baka magkalat lang dito sa sasakyan.

"Mommy, want stwo-bewy showtcake po." biglang sabi ni Levi. Ngumiti naman ako at tumango.

"Okay, love. Daan tayo saglit sa grocery." tumango ako at mayamaya ay niliko ko ang sasakyan.

Nagpaiwan na si Yaya Marie at Levi sa sasakyan. Iniwan ko nalang din na naka-on ang aircon para hindi sila mainitan. Saglit lang naman ako, bibili lang ako ng mga kulang sa condo.

Habang naglalakad papunta sa fruit aisle, naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko sa bag ko. It was my lawyer calling.

Inasahan kong ibabalita niya sa'kin na ayos na ang annulment namin ni Zayden kaya hinanda ko na ang sarili ko. Kahit kasi ilang taon ko nang pinipilit isaksak sa kukote ko na naka-move on na ako at ayaw ko na kay Zayden, hindi ko pa'rin matakbuhan ang katotohanang mahal ko pa'rin talaga siya.

Si Zayden na yan eh. Ilang taon ko siyang minahal. And the way he ended things between us was also one of the reasons why I couldn't move forward. It was left open for me. Hanggang ngayon, hindi ako makalimot kasi hindi ko pa lubusang mainyindihan kung bakit nagkaganon.

Lalo na dahil sa mga nangyari nitong nakaraan. We spent a lot of time and stolen moments together. I had a slight hope that we could go back to how we used to be, but that didn't go so well either.

'Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig nang sabihin sa'king hindi daw pumipirma si Zayden sa annulment papers na pinapadala at binabalik lang daw na walang kapirma-pirma. They already tried to send it to him three times pero wala talagang nakukuhang cooperation mula sa kanya.

Napahilot ako sa sentido nang maibaba na ang tawag. I tried calling Zayden pero hindi siya sumasagot. I ended up having to text him.

To: Zayden
You haven't signed the annulment papers yet. Kailan mo balak?

Habang hinihintay ang reply niya ay namili ako ng mga strawberry. Kahit ilang beses akong mag restock ng strawberries sa bahay ay laging nauubos dahil nilalantakan ng anak ko. He loves strawberries so much, halos lahat ng pinapabili niyang pagkain ay may strawberry.

"I have one condition before I sign the papers."

Napatalon ako sa narinig ko. I looked up and saw Zayden staring at me with his arms crossed. Nangunot naman ang noo ko.

"Are you stalking me?" paratang ko.

"You still assume too much." napairap siya at napatingin sa basket ko.

"Strawberry shortcakes?"

I nodded and put the strawberries in. His lips pursed and he nodded.

"So, about the papers?" paalala ko.

"You really can't wait, huh." mahinang sabi niya at nag-iwas ng tingin.

Nangunot ang noo ko pero hindi nalang umimik at binalik sa annulment ang usapan. "My lawyer will send you new copies. Please sign them."

"I will... but in one condition." aniya.

"What if I don't agree?" hamon ko.

"Then you just have to deal with me being your husband for the rest of your life. Well, hindi ka naman din lugi." he shrugged.

Natahimik ako at saglit na natulala. I actually... liked the idea of that. I was already thinking about considering it when he suddenly snapped his fingers at my face.

"I want to see my son first."

Stolen MomentsDär berättelser lever. Upptäck nu