Prologue

6 0 0
                                    

Chola's POV
"Kuya Yhanli, Gusto kita! Hindi mo ba narinig 'yon?" ang sigaw ko sa kaniya habang naglalakad at parang buntot na nasa likuran niya.

Ako si Chola Ventura, 18 years old at isa akong isip bata, at napaka kulit. First year college na ako this year sa kursong Arts and Design. Inaamin kong may pagkatanga at loka-loka ako pero matalino naman ako. Syempre, 'yon lang panlaban ko e, hindi naman ako panget kasi cute ako cute as in CUTE ganern. Pero kahit naman gano'n ako maraming gustong makipag ka-i-bi-gan sa akin este kaibigan pala.

Mayro'n akong nagugustuhan, at mula pa nong tumuntong ako sa high school e crush ko na talaga siya. Si Lanry John Saragoza. Ang nag-iisang pogi at machong kabit-bahay namin dito sa subdivision na tinitirhan namin. Isa siyang 21 years old na fourth year college student sa kursong Civil Engineering. Siya palang ang tanging kakilala ko sa University na papasukan namin. Kaya habang wala pa sa kaniya muna ako dedepende.

Rewind:
"Kuya Yhanli, Gusto kita! Hindi mo ba narinig 'yon?" ang sigaw ko sa kaniya habang naglalakad at parang buntot na nasa likuran niya.

"Gosh! Lala, ano ba? Napakabata mo pa para sa ganyang bagay at isa pa..." Ang hindi niya naituloy na sinasabi niya, na hindi ko alam kung bakit, napayuko lang siya kaya na curious ako at kinulit siya.

"Ano pa?" ang walang galang na tanong ko.

"Wala" tipid na sagot niya sa akin na mas ikina curious ko. Kaya sinundan ko ulit siya at kinulit. Pero hindi siya natinag at diresto pa rin siya sa paglalakad. Nainis na ako at napagod sa pangungulit kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Kuyaaaaa!!!" Sigaw ko sa inis.

Napatigil rin siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Nakasimangot na ako with matching pouty lips pa akong nakatingin sa kaniya.

"Pwede ba Lala? 'Wag ka ng mangulit!" Sabi niya sa akin habang naglalakad papalapit sa akin. "Pero---" natigil na pagsasalita ko nang sobrang lapit niya na sa akin. Nilapit niya sa kaliwang tenga ko ang bibig niya at bumulong.

"Bakla ako." Ang hindi ko makalimutan na sinabi niya na paulit-ulit sa tenga ko at ikinapanghina ko. Para bang tumigil ang paligid nang mga sandaling 'yon. Nakayuko lang ako at nakatingin sa sahig hanggang sa hindi ko na lang namalayan na may tumutulo na palang mga patak ng ulan. Habang si kuya Yhanli tumakbo na palayo sa akin.

(Chapter 1, magsstart na ang mga bagay na hindi nila inaasahan)

_ i hope you enjoyed it 😊

YOUR DREAM, mineHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin