Chapter 2

5 0 0
                                    

Chola's POV
"Ikaw pala Yhanli, halika't pumasok." Ang anyaya ni tita Lucy nang buksan niya ang pinto at hindi nga ako nagkamali dahil boses niya ang narinig kong kumatok.

Nang pumasok silang dalawa ay ngumiti namang tumingin sa amin si kuya Yhanli na may dalang tupperware na may laman at sa tingin ko ay ulam.

"Umupo ka na dito Yhanli at sumabay na kumain sa amin." Anyaya sa kaniya ni Lola.

"Hindi na po Lola sa bahay na lang. Pinapadala lang po ni Mama itong ulam na chicken curry, favorite daw po kasi ni Lala ito e." Ang sagot niya naman na ikinatuwa ko.

Napatayo ako at mabilis na lumapit sa kaniya. "Talaga kuya? Sa akin 'to?" Ang nakangiting tanong ko sa kaniya. Napailing naman siya bago sumagot.

"Para sa inyong tatlo." Ang sagot niya, sabay kuha ko naman sa tupperware kahit hindi niya pa naiaabot ko. "Pakesabi kay tita Welma thank you ha?" Ang sabi ko sa kaniya at umupo na ako.

"Oo, 'wag kang mag-aalala." Balik niyang sagot sa akin, "Nga pala tita Lucy, Lola mauna na po ako." Paalam niya sa amin.

"Sige, Yhanli salamat sa ulam." Ang sagot naman ni tita Lucy at umalis na nga siya.

Nang matapos kaming kumain ay tumulong muna ako kay tita Lucy na maghugas ng pinggan habang si Lola naman nanonood ng TV. Pagkatapos maghugas ng pinggan ay nilapitan ko si Lola at umupo sa tabi niya habang si tita Lucy naman ay nag-ayos ng higaan nila sa kwarto.

Hilig ni Lola ang panonood ng TV kahit na seventy-two years old na siya ay ang linaw parin ng mga mata niya. Mahal na mahal ko siya, siya ang pinaka importanteng tao sa buhay ko ngayon bukod kay tita Lucy at kuya Yhanli. Noong eight years old palang ako ay iniwan na ako nila Mama at Papa sa bahay nila ni Lolo which is tirahan din namin nila Mama at Papa, kasi nga wala kaming sariling tirahan at sa probinsiya 'yon. May mga ari-arian ang pamilya namin noon kaso nang magkasakit si Lolo ay isa-isang naibenta ang mga ito. Nagkaroon kasi ng sakit sa baga si Lolo at maraming kumplikasiyon na hindi kinaya ng katawan niya. Kaya nagdesisyon sila ang magulang ko na magtrabaho sa Japan para mas kumita ng malaki at sa katunayan nga ay doble ang kita nila doon.

Si Mama ay isang Nurse doon habang si Papa naman isang Mechanincal Engineer. May kapatid rin akong kasama sila doon na pinanganak at lumaki na doon. Si Charles, fifteen years old na siya at grade 10 na siya this year. Hanggang ngayon nando'n sila para makapag-ipon, gusto kasi nilang bumili ng lupa sa probinsiya namin at doon na mainrahan.

***

Habang nakayakap ako kay Lola na nanonood ay may bigla akong narinig na tunog ng isang asong umiiyak at sa tingin ko tuta palang ito. "La, wait lang po ha? May titingnan lang ako sa labas." Ang paalam ko sa kaniya na walang pakealam dahil sa busy na manood.

Nang lumabas na ako ng bahay ay tiningnan ko ang may bakuran namin pero walang song nandoon, napatingin rin ako sa tapat ng bahay nila kuya Yhanli kung saan nakapark ang kotse nila sa may bakuran. Pinakinggan ko ulit ang tunog at sinundan ito, napunta ako sa may gilid ng daan. Nakita ko ang tutang kulay puti na sa tingin ko ay isang uri ng husky.

Umupo ako sa tabi niya, "Hi, Saan ka galing? Iniwan ka na lang ba dito? H'wag kang matatakot sa akin ha?" ang sabi ko sa aso at dahan-dahang hinaplos ang ulo niya.

Sa tingin ko kasi ay 'yon ang isang paraan ng pagpapaamo sa aso. Nang hindi siya natakot sa akin ay binuhat ko siya para dalhin sa loob ng bahay. Sakto namang papasok na ako ay may biglang nagsalita sa likod ko.

"Saan mo dadalhin 'yan ha?" ang tanong niya sa akin, hindi ko pa man nakikita ang mukha niya ay alam kong si kuya Yhanli na 'yon.

"Sa bahay na muna siya habang walang naghahanap sa kaniyang may-ari, kawawa naman e." Aktibong sagot ko sa kaniya nang humarap ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

YOUR DREAM, mineWhere stories live. Discover now