Prologue

50 2 0
                                    

Prologue



Mabilis akong tumakbo sa gitna ng kagubatan. Hindi ko na alam kung nasaan ako basta ang alam ko ay kailangan kong tumakbo. Ayaw ko pang mamatay kaya kahit pagod na pagod na ako, at kahit kumikirot na rin ang mga sugat sa katawan ko ay tatakbo ako. Tatakbo ako nang tatakbo hanggang sa makatakas ako sa impyernong 'to.



"Aray! Tangina!" Malakas kong sigaw nang may matapakan akong matigas na bagay dahilan para maramdaman ko ang umaagos na dugo mula sa talampakan. Hawak ang maliit na flashlight at tinapat ko ito sa talampakan ko at doon ay nakita ko ang maliit na sanga na nakatusok sa talampakan ko.


"Pucha!" Malakas kong sigaw nang higitin ko ang sanga. Umagos ang dugo mula roon pero para saakin ay balewala lang ito. Agad kong pinunit ang tela sa dulo ng suot kong shirt at binalot sa nagdudugo kong talampakan. Hinigpitan ko ang pagkakatali at nang matapos ako ay agad akong tumayo pero bago pa man ako makatakbo ay agad akong bumagsak sa damuhan dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa likod ko.



"Saan ka pupunta? Sa tingin mo matatakasan mo ako?"



Nanginig ang katawan ko sa takot nang marinig ko ang boses niya. Akala ko nakalayo na ako, akala ko nakatakas na ako sa demonyong ito pero hindi pa pala. Nasundan niya ako!



"Aray!" Malakas kong hiyaw nang may higitan siya mula sa likuran ko. Agad akong napalingon sa direksyon niya at tinapat sakaniya ang hawak kong flashlight at laking gulat ko nang makita ko siya. May hawak siyang itak at duguan na ang suot niyang kulay puting bistida.



"T-Tama na... parang a-awa mo na..." Mahinang sambit ko habang iniinda ang likuran kong nagdurugo na rin dahil sa itak na hinagis niya saakin. Sugatan na ako at nanghihina na ang katawan ko. Hindi ko na alam ang gagawin dahil wala na akong cellphone, patay na ang mga kasama ko at higit sa lahat ay nasa gitna na ako ng lugar na kung saan ay hindi ko na alam.



Lumapit siya saakin at kahit pilitin ko ang sarili ko na lumayo ay naabutan niya parin ako. Malakas niyang hinila ang buhok ko dahilan para mapangiwi ako sa sobrang sakit. Tumingin siya sa mga mata ko. Matatalim ang mga tinatapon niyang tingin saakin dahilan para mas lalong manginig ang kalamnan ko.



"You can't run away, you can't hide, and you can't get away from me," Hinila niya ako pataas gamit ang buhok ko at ngumiti siya saakin, "I will always be a part of you..."

















_____________

Author's Note: Hi, dreamers! This will be my first ever Mystery, Thriller, and Slasher genre kind of book! Please bare with me kung hindi maggiging maganda ang flow ng kuwento pero rest assured that I will try my very best to deliver a quality story para sainyo. Enjoy and I wish you the best of luck as you ride for another journey with my new characters! ╰⁠(⁠^⁠3⁠^⁠)⁠╯

Forgive Me, Father... Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ