Chapter 05: Where it all Began

17 1 0
                                    

Chapter 05: Where it all Began

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 05: Where it all Began




"Saan ka pupunta?" Bungad na tanong saakin ni Dominic pagbaba ko sa main floor ng simbahan. Tinitigan ko siya at mukhang kagigising niya lang dahil magulo pa ang buhok niya at papikit-pikit pa ang mata.




Maaga akong nagising dahil sabi nga ni Florence ay susunduin niya nga raw ako ng ala-siyete ng umaga. Halos sabay lang kami ni Ms. Gomez na nagising at sa nakasanayan ay nagpaalam ako sakaniya. Hindi naman niya ako pinagbawalan basta uuwi rin daw ako nang maaga dahil nga may gaganapin na kasiyahan sa Town Square.




"Diyan lang, bakit?" Tanong ko sakaniya




Kumunot ang noo niya, "Saan 'yang diyan lang na sinasabi mo?"




"Bakit ba kasi?" Irita kong tanong sakaniya




"Nakakalimutan mo na atang pinagbilin ka saakin ni tita? Baka mamaya mawala ka tapos hindi ko alam kung nasaan ka." Iritadong saad niya saakin



Nag-cross arms ako sa harap niya at tinaas ang isang kilay ko, "Matanda na ako, Dominic. Kaya ko na ang sarili ko at isa pa, kasama ko si Florence."



"Ha? Florence? Ayan ba 'yong lalaki kahapon?" Tanong niya saakin at agad akong tumango para sagutin siya.



Kahapon kasi ay dumaan si Florence rito sa simbahan dahil kikitain niya raw si Father Vicente. Tito niya pala 'yon kaya pala close sila. Sumabay siya saakin sa paguwi at habang naglalakad kami ay marami kaming napagusapan tungkol sa buhay ng bawat isa. Tapos bago umuwi si Florence ay nagusap padin kami. Masaya siya kausap kasi marami siyang kwento at higit sa lahat palabiro siya. Akala nga nina Clarissa ay manliligaw ko si Florence dahil ang close raw namin pero ang sabi ko ay hindi kasi hindi naman talaga.




"Florence ka naman ng Florence, manliligaw mo ba 'yon? Lagi mo naman kasama 'yon." Saad ni Dominic




"Bakit? Nagreklamo ba ako noong kayo ni Evangeline ang madalas na magkasama? 'Di ba hindi naman?" Sagot ko sakaniya




"Nagseselos ka ba saamin no Evangeline?" Tanong niya saakin dahilan para matawa ako.




Forgive Me, Father... Where stories live. Discover now