Chapter 03: The Angel

21 1 0
                                    

Chapter 03: The Angel


Evangeline Samonte. Hindi ko maiwasan na mapatanong sa sarili ko kung kilala ko nga ba si Evangeline. Kapag nakikita ko siya ay parang pamilyar ang hubog ng kaniyang mukha. Siguro nababaliw lang talaga ako dahil kakaiba talaga ang ganda ni Evangeline at siguro kaya ako ganito ay dahil mukha talaga siyang Anghel kapag tinitignan ko siya.



"Ang ganda niya talaga." Bulong ni Remy sa tabi ko habang nakatitig kay Evangeline na nakatayo sa harap namin. Nagsasalita si Evangeline at nagk-kwento ng history ng simbahan.

"Oo nga eh, kakaiba ang ganda niya." Gatong ni Dominic dahilan para mapakunot ang noo ko.



Maganda? Si Evangeline? Totoo naman. Siguro kaya hindi ako magustuhan ni Dominic ay dahil ang katulad ni Evangeline ang type niya. Pero, okay lang, hindi naman ako mamamatay kung hindi ako type ni Dominic, masasaktan lang. Wala ako sa mood ngayon para isipin 'yon dahil mas pinoproblema ko la ang paper works na ipapasa ko kay Ms. Gomez.




"Bakit nga ba pinangalanan na Saint Anastasia ang church dito sa Villa Teresita? Si Saint Anastasia kasi ay kilala as a Saint of Martyrs. Siya ang symbol of hope para sa mga taong nawawalan ng faith. She's one of the Saint na selfless. Kaya pinili ng bayan na ito na ipangalan ang simbahan sa isang Saint na katulad niya para ipaalam sa mga tao na may liwanag tayong makikita kahit na sobrang dilim na ng daan na tinatahak natin." Paliwanag ni Evangeline at kada matatapos siya sa pagpapaliwanag ay ngumingiti siya.





"Evangeline, itatanong ko lang, kumusta naman ang pamumuhay niyo rito sa Villa Teresita?" Tanong ni Ms. Gomez na nakaupo sa unahan malapit kay Evangeline.



At katulad kanina, ngumiti ulit siya, "Mabuti naman po, Ms. Gomez. Sa katunayan ay kilala rin ang bayan namin bilang isang crime free town. Nababalitaan niyo po ba 'yon?"

 

"Crime free?" Nagtatakang tanong ko at aad na lumingon saakin si Evangeline. Hindi siya ngumiti pero pinagmasdan niya ako. Kinilabutan ako sa lalim ng tingin niya pero agad din namang nawala nang ngumiti siya saakin.



"Oo, crime free ang bayan ng Villa Teresita. Walang kahit anong klase ng krimen ang nagaganap dito dahil mahigpit sa mga patakaran ang namumuno sa bayan. Mababait ang mga tao rito kaya sinusunod nila ang mga nararapat na patakaran para sa kaligtasan din nila." Saad niya at muli ay ngumiti




Forgive Me, Father... Where stories live. Discover now