MIA
October 21, 2018 (Sunday)
'Good morning sunshine!'
Yesterday 9:32 AM'Already here outside of the restau, take your time! :D'
Yesterday 11:35 PMNapasimangot ako habang nagba-backread sa personal phone ko at mapansing halos araw-araw pala sa'king nagte-text si Niko pero kahit isang beses ay hindi ko 'to nire-replayan. Tamad kasi akong mag-text, at para saan pa? Araw-araw naman kaming nagkikita. Ang useless lang.
Hello Mia! It's the start of our finals and I'm gonna be at the library with my friends so you won't be seeing me in the cafeteria for awhile (Not saying you're looking at me... you're in the kitchen most of the time anyways hahaha, just want to let you know!)
October 25, 2018 12:13 PMDo you have any food in mind?
October 21, 2018 11:37 PM*Not bragging but proceeds to bragging anyways* Do you know I'm actually a pretty good student? 'Coz a lot of people are surprise when they find out I'm an A student. I think its because of my personality? Or I hang around a lot with Vicious who makes me look like a genius by comparison? 😂
October 20, 2018 3:34 PMI just got home but I'm not going to sleep today our exams are coming and I haven't study a thing hahahah. Cramming :(
October 20, 2018 2:34 AMShare niya lang? Bakit ang dami niyang pinagsasabi na hindi ko naman tinatanong? Hindi ko na tinapos pa ang mga unread messages at naghanda na lang na mag-ayos dahil linggo ngayon at may pasok pa ako sa Home For The Elderly. Patayo na sana ako at palabas ng bahay ng biglang mag-vibrate sa loob ng bag ko ang phone kaya tinignan ko muna kung ano iyon.
Text ulit galing kay Nikolai.
Is it too much to say I still want to hang-out with you today?
Today 7:03 AMHindi ko maiwasan ang mapangiti kahit anong pilit ko ay sino ba namang hindi matutuwa kapag may Nikolai ka na parang nawawalang tuta at tuwang-tuwa sa'yo? Nag-text ako dito ng reply.
'Me w0rk 4k0 t0day huw4g n444!'
Today 7:05 AMWala pa atang isang minuto ay nagreply na ito kaagad.
What the fuck
Today 7:05 AMIs this Mia? Or did you lost your phone?
Today 7:05 AMMIA??????? DID YOU JUST REPLY TO ME????
Today 7:05 AMIse-send ko pa lang sana ang '4ko it0 g4g0 jejejejejeje' ng bigla na lamang makita sa phone screen na tumatawag ito, sinagot ko iyon.
"Mia is this you?"
"Oo, baliw."
Narinig ko ang hindi makapaniwalang tawa nito.
"Gulat na gulat? Mukha ba kong si Suzy Bae?"
"Sinong Sushi? Gusto mo Sushi?"
"Hindi, Korean actress iyon," ngiti ko sa kawalan. "Basta crush ko 'yon... maka-reak ka naman akala mo chicks ako."
"You never reply to me," hindi pa rin makapaniwala ang boses nito. "I feel like I'm dreaming."
"Ang O.A,"
"Where are you? Can we meet?"
"May trabaho nga ako. Araw-araw na nga tayo nagkikita walang pahinga? Sawa na ako sa mukha mo." Never. Never never never.
"Ouch,"
"Joke," habol ko in case nasaktan talaga siya. "Aalis na ako bye!" hindi ko na hinintay pa sumagot si Niko at tinapos na ang tawagan namin.
Naglakad na ako palabas ng bahay at sumakay ng jeep patungo doon sa may Home For The Elderly. Dahil hindi naman iyon kalayuan sa'min ay ilang minuto lamang ay nakarating na ako doon, pero syempre, bago pumasok ay dumaan muna ako sa panaderyahan.
"Magkano ang Monay?"
Nagpakawala ng mahabang hininga ang tindero ng makita ako. "10 malaki, 5 maliit parehas may cheese, kung gusto mo tig-dos na walang cheese doon ka bumili sainyo."
Hindi ko pinansin ang kasungitan nito. "Ang sans rival 32 pa rin?"
"Oo, hindi nagbabago ang presyo ng raw material, kung magbago man tataas lang. Kulit mo rin 'e no? Araw-araw ka na lang."
Pinagsasabi nito? Tuwing linggo lang ako nandito, once a week. Buang ba siya?
"Itong special— anong tawag dito? Magkano 'to?" Turo ko sa parang tsokolate na tinapay.
Hindi na ako sinagot ng tindero at siya na mismo ang kumuha ng limang pandesal, nilagay niya 'yon sa plastic at inabot sa'kin.
Tinarayan ko siya at walang nagawa kung hindi bayaran na lang iyon. Bahala siya, bibili pa naman sana ako today ng special bread. Matapos kong kumain sa tindahan at makinood ng Angel Wings ay kaagad na akong lakad-takbo na pumunta sa may Home for the Elderly.
🌙🌙🌙
Iyong trabaho ko dito sa Home for the Elderly ay hindi ganoon kadali pero wala naman akong ibang magagawa at ito lang ang trabaho na nahanap kong tumatanggap na tuwing linggo lang ang pasukan. Madalas naman ay bago pa mag-4PM ay tapos na ako. Ang pinakagusto ko pa dito ay ako lang ang mag-isa at walang ibang kumakausap sa'kin habang nagtatrabaho. Madalas ang nilalaban ko lang naman ay ang mga bed-sheet at kumot ng mga matatanda. Noong una nakakadiri kasi ang daming kung ano-anong dumi pero tulad ng lahat, nakakasanayan na rin naman iyon.
Ngayon nga lang, may dalawa akong kasamahan, mukhang mag-asawa ata dahil madami ang labahan at may event daw next week. Mukhang lahat ata ay pinalabahan na, pati mga kurtina sa iba't-ibang ameneties ay pinalinis na sa'min.
4:30 PM na ng sandali akong magpahinga pero napailing ako ng makita na kalahati pa lang ata ang natatapos naming laban. Grabe sila, tatlo na nga kami, hindi naman makatao 'tong pinagagawa nila?
"Neng ano na ba't paupo-upo ka na lang jan?" Sabi ng babae na kasama ko, parehas sila ng asawa niya na tinignan ako at halatang hinuhusgahan. "Dami-dami pang labahan, kumilos ka na para makauwi na tayo."
Hindi muna ako nagsalita dahil hinahabol ko pa ang hininga ko. Ayoko man magpahinga ay ramdam ko na rin ang katawan ko kanina na parang mahuhulog na kaya sandali akong umupo sa sahig. "Wait lang pagod na ako,"
"Kami ba mukhang hindi pagod?" Ani ng lalaki. "Lahat naman tayo pagod."
May announcement ba ang gobyerno na maging gago ang lahat ng tao ngayong araw?
Hindi na lamang ako sumagot at alam kong lahat kami dito ay pagod na kaya ang bibilis mairita. Pinilit ko na lamang ang sarili na tumayo at maglakad papunta doon sa may washing machine ng biglang tila manghina ang tuhod.
"Uy?" Rinig kong reak ng babae.
Nakikita niya ba?
Nakikita niya rin ba ang nangyayari sa tuhod ko o imahinasyon ko lang 'to lahat?
"Huy anong nangyayari sa'yo!?" Gulat ulit na sabi ng babae pero hindi ako maka-pokus.
Gusto kong magsabing 'okay lang ako,' pero walang lumalabas sa bibig ko. Ang alam ko lang ay nagdidilim na ang paligid ko at parang umiikot ang mundo. Ginamit ko ang natitirang lakas ko upang humakbang muli pero parang lasing na bigla na lamang akong nahulog sa kung saan, rinig ang sigaw ng mag-asawa.
BINABASA MO ANG
Midnight Blues (Affluenza, #1)
RomanceMia Santelices grew up poor, battling the harsh reality of life. She works where she can, eats when she can, and sleep where she can. But when she encounters Nikolai Zorra, the privileged son of a billionaire, her life takes an unexpected turn. Yet...