Chapter 63

54 4 0
                                    



Dahil sa biglang malakas na pagbuhos ng ulan ay hindi natuloy ang dapat na tour namin na Torongan Cave. Nanatili na lang tuloy kami ngayon sa nirentahan naming 2-storey house.

May tatlong kuwarto dito. Isang may double size bed, 'tapos ang dalawa pang kuwarto ay tig-single bed naman.

Nag-volunteer na nga ako na sa sofa na lang at wala naman sa'king problema doon pero hindi pumayag si Vicious. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero kung feeling close siya nitong mga nakaraang araw, mas lalo pa ito naging feeling close ngayon.

Gabi na at ang lahat ay na'sa sala lang ng bahay, nagiinuman maliban sa'kin na nagce-cellphone lang sa gilid at pasimpleng nakikichismis sa mga pangyayari sa buhay nila.

"Oh no," boses ni Greyson iyon. "We're out of alcohol."

"Oh no," Vicious.

Mabilis akong naglakad palapit sa mesa nila. Sa wakas, kanina pa ako naghihintay ng gagawin. "Tatanungin ko 'yong owner kung meron pa sila," volunteer ko kasi nakokonsensya talaga akong ang laki ng perang makukuha ko sa 'tour guiding' part time na ito na kahit isang beses ay hindi ko pa naman nagawa. Ewan ba, ang daming hadlang, gusto ko lang naman maramdaman na pinagtrabahuhan ko 'yong pera.

"Thank you Mia," ngiti ni Vicious

Mabilis kong kinuha ang pitcher sa mesa at tumakbo na nga palabas. Dahil kapitbahay lang naman ang may-ari ay mabilis akong nakarating doon. Kumatok ako sa bahay. "Ano iyon?" tanong ng may-ari pagbukas ng pinto.

"Ah e... puwede pa po ba kami makahingi pa ng alak po? Babayaran na lang po namin bukas," Ngiti ko at pinakita sa kaniya ang wala ng laman na pitcher.

"Oo sige lang walang problema!" Aniya at sandaling tumingin sa loob ng bahay, may baby doon na nakasimangot at parang naistorbo ko ang pagkain. "Teka lang a? Na'sa bodega kasi 'tapos pinapakain ko pa ang bata, tawagin ko lang isa kong anak–"

"Ay huwag na po, ako na lang po. Saan po ba ang bodega?"

"Sigurado ka?"

Nakangiti akong tumango.

May itinuro ang babae sa labas na maliit na kuwarto, "Iyon sa bodega nandoon ang bariles, hanapin mo na lang 'tapos kuha ka na lang. 'Yong pintuan pala sira, huwag mong isasara, 'di pa kasi naayos ni mister." Paalala nito.

"Sige po maraming-maraming salamat!"

Nagsimula na nga ako maglakad papunta doon sa bodega na tinuro ng babae. Pagkapasok ko ay kaagad na akong naghanap ng bariles kaso dahil sa dami ng gamit sa loob ay medyo natagalan akong makita ang hinahanap.

Saktong pagbukas ko sa gripo ng bariles ay siyang sabay naman na pagbagsak ng pagkalakas-lakas na buhos ng ulan.

Tangina.

Hindi man lang ako pinatapos makabalik sa bahay.

Nagiisip pa ako kung tatakbo na lang ba sa ulan o papalipasin ito ng bigla na lamang may lalaking pumasok din sa bodega.

Niko?

Nikolai?

May hawak itong payong na parang timang kasi hindi rin naman niya ginamit kaya ngayon ay basang-basa na rin siya.

"Bakit ka nan—" hindi ako natapos at nakita kong sinasara na nito ang pinto sa likod niya. "H-hoy huwag mong isa—" syempre, sinara niya.

Edi wow.


Midnight Blues (Affluenza, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon