MIA
November 11, 2018 (Sunday)
"Na'sa airport ba tayo Niko?" Tanong ko sa katabi ko ng huminto ang kotse nito at mapansin sa labas na madaming mga maliliit na aircrafts. "Bakit walang mga malalaking airplaines?" Kung na'sa airport kami, dapat nandito 'yong mga pampasaherong eroplano, hindi ba? Siyaka parang hindi naman ito NAIA?
"Private terminal Mia," sagot nito na nakapagpaliwanag ng na'sa isip ko. "Greyson family owns this."
Okay.
Wow.
Alam kong hindi na dapat ako gulat sa mga lumalabas sa bibig niya pero... what... the... fuck?
Hindi nakakagulat kung may kung ano mang aircrafts sina Niko at pamilya ng mga kaibigan niya. Ganoon naman nakikita ko sa pelikula 'e; may mga private jet ang mga sobrang yayaman na tao lalo na't kung saan-saan sila lumilipad para sa business meetings pero private terminal?!
Napalunok ako ng laway at pinilit ang sarili na kumalma.
"Nagco-collect sila ng airplanes? Bakit ang dami?" Tanong ko na kunwari ay hindi gulat, na para bang normal lang ang aircrafts collection.
"The planes here are for their charter service business, it's not a collection," Kaswal lang na paliwanag nito. Akala mo ay karaniwan lang iyon. "Let's go Mia," Ani pa niya at lumabas na ng kotse kaya sumunod ako, mabagal ang mga hakbang sa likod niya, hindi maiwasan ang kabahan ng kaunti dahil paano kung sumakay kami doon? Teka— sasakay ba kami sa isa sa mga eroplanong nakikita ko?
Bakit siya naglalakad ngayon papunta sa isa sa mga nakabukas na private jet kung saan may naghihintay na isang naka-unipormeng piloto?!
Mas bumagal pa ang paglalakad ko at inikot-ikot sandali ang paningin sa buong lugar pero wala akong makitang restaurant kahit saan. Puro lamang runway, hangar, 'tapos mga aircrafts. Parang mini-airport.
"S-saan nga ulit tayo pupunta?"
"Punwa Island," Sagot ni Niko na palayo na ng palayo sa'kin.
Island.
Island?!
So, sasakay nga kami?
Tuluyan na akong napahinto sa paglalakad ko sa gulat.
Kung makaaya naman siya sa'kin na samahan siya sa birthday ni Greyson, akala ko naman ay restaurant ang Punwa, o sa isang parke, o kung saan mang lugar dito sa Metro Manila pero puta, sa isang isla?! Day Trip gamit ang private jet?! Jusko.
"Mia?" Tawag nito sa'kin ng mapansin na napahinto ako, naglakad ito palapit sa'kin. "Are you alright?"
Pilit akong ngumiti, "Uuwi naman tayo ng gabi 'diba?"
Tumango siya.
"Wala akong... wala akong passport 'tapos... libre mo ako 'no? Wala akong pamasahe na dala." Kinamot ko ang batok ko at napahigpit ang hawak sa brown sling bag ko.
"You don't need passport to fly domestic. Sorry, but what's pamasahe?" Kumunot noo nito at napakamot sa batok.
"Payment sa ride,"
Nag-ohhh ang mukha nito.
"No you don't need pamasahe," Aniya at kinuha ang kamay ko. "It's all on Greyson's. He will be the one piloting the aircraft." Ngiti niya sa'kin at kinuha na ang kamay ko. Sabay kaming naglakad papasok sa private jet.
Kung out of place at hindi na ako komportable paglabas pa lang ng kotse ay mas lalo naman ngayon sa loob ng jet. Nakakailang. Sobra. Lalo na ng makita ko ang mga kaibigan ni Niko. Lahat sila ay biglang nanahimik 'tapos pinanood kaming dalawa na umokupa ng upuan.
BINABASA MO ANG
Midnight Blues (Affluenza, #1)
RomanceMia Santelices grew up poor, battling the harsh reality of life. She works where she can, eats when she can, and sleep where she can. But when she encounters Nikolai Zorra, the privileged son of a billionaire, her life takes an unexpected turn. Yet...